Part XXV. A Day With Her

170 3 0
                                    

//Athena's POV

Ilang buwan na rin ang nakakalipas mula ng makilala ko sina Alisha at Daynara. Sa loob ng mga buwan na yun, yung bonding ko with ACES ay dumami rin. Mas naging kaclose ko sila, lalo na ang best friend kong si Rance. Dahil sa kanila, naging masaya ang 4th year high school ko. Yun nga lang, mas dumami ang haters ko.

Sabado ngayon at kasalukuyan akong naglalakad papuntang park na lagi kong pinupuntahan. Nang makarating ako ay naupo muna ako sa bench habang naghihintay. Maya-maya pa ay nakakita ako ng isang taong palapit sa posisyon ko ngayon na may humahabol na babae rito. Nakita kong hinarap nya ito at biglang tumakbo yung babae. Ano na naman kaya ang ginawa ng isang iyon?

Another scenario from that guy and another girl. Is he a womanizer? As far as I know, only Drew knows how to flirt with numerous girls. I never thought that this guy is on his verge of doing it.

"Woah. You're here, nerdy president. Stalking me, huh?" sabi nito at nilebel ang mukha sa mukha ko.

"Stalking you? Did you bring your aircon with you? Humangin kasi bigla e and you're not even my type." Sabi ko rito at inilayo ang mukha ko sa mukha nya. Bahagya syang natigilan nang sabihin ko iyon. Yeah. That's right. Not all the girls will like you and with that kind of attitude? That's a no no.

"Then who's your type? Zac or that ugly duckling Moran?" sabi nito nang makabawi sya.

"Seriously? Bakit naman dinadamay mo sa usapan natin silang dalawa? You're nonsense." Sagot ko rito at tumayo na mula sa kinauupuan ko. Pupunta na lang ako sa bahay-ampunan na pinupuntahan ko talaga tuwing Sabado. Maya-maya ay may napansin akong nakasunod sakin.

"Are you following me?" lingon ko sa kanya na ikinatawa naman nya. Agad ko naman syang tinaasan ng kilay. What's so funny?

"Following you? Are you out of your mind, nerd? This is just my way."

"You have your car with you so what's the sense of walking?"

"I-I just wanted to exercise. Kulang yung ginawa ko kanina e." Nagkibit-balikat lang ako at nagsimula na ulit maglakad. Malalaman ko rin kung talagang sinusundan mo ako. Hahaha.

Maya-maya ay nakarating na kami sa bahay-ampunan. Oo. Kami. Dahil nasa likod ko pa rin sya up until now. This guy is making me laugh.

"Dito lang ang destination mo? Pinagod mo ko kakalakad tapos andito lang pala sa likod ng park?! Don't you know how to take shortcuts?!" singhal nya sakin. Oh see. I caught him.

"Bakit ka nagagalit? Akala ko ba hindi mo ko sinusundan?" sabi ko rito at sinipat ang mukha nyang aburido. Dahil yata sa inis kaya nakasalampak na sya ngayon sa damuhan.

"Do you do this everytime? Going...here?" sabi nito at binigyan ng tingin ang buong bahay-ampunan.

"Every Saturday." Sabi ko at tinabihan na sya sa pagkakaupo sa damuhan.

"This place is...new to me. I don't like the ambience." Sabi nito at tumingin sa akin.

"The place doesn't like you too. If you don't feel being in here, you're free to go. Palibhasa, mayaman ka. Hindi mo alam kung gaano kaimportante ang lugar na ito sa kanila."

"I-I'm s-sorry." Isang tango ang sinagot ko sa kanya. Magsasalita sana sya ulit pero may tumawag sakin.

"Ate Yuna!!!!!" napalingon ako kung saan nanggaling yung mga boses na iyon at automatikong napangiti ako.

Tumakbo sila sakin at niyakap ako. Ang iba naman sa kanila ay hinalikan pa ako sa pisngi. Nakakawala talaga ng pagod pag nakikita ko sila.

"Namiss ka po namin, Ate Yuna."

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now