Part LII. The Enemy's Plan

155 3 0
                                    

//Third Person's POV

Kasalukuyang nasa lobby ng hospital si Zac habang may kausap sa kanyang telepono, ngayon na kasi ang uwi ng kanyang kapatid mula doon sa nangyari sa RCU kaya naman kausap nya ngayon ang kanyang sekretarya para ayusin ang dapat nyang asikasuhin nang...

"MAMA!" rinig nyang sigaw ni Athena kaya napalingon sya sa kinaroroonan nito.

"I...I will call you later," kinakabahang sambit ni Zac at agad na ibinaba ang telepono.

*bang*bang*

Nang marinig nya ang mga putok ng baril ay lalo syang kinabahan at agad na tumakbo patungo kay Athena. Paglabas nito ay labis ang takot na gumapang sa kanya nang makita ang isang kotseng walang preno na patungo sa direksyon ng kanyang kapatid. Walang ibang naisip gawin si Zac kundi ang iligtas ang kanyang kapatid.

"ATHENA!" bago pa mawalan ng malay si Athena ay agad na nasalo ni Zac ang kanyang kapatid at niyakap ng mahigpit kahit pa may isa pang paparating na sasakyan.

Agad namang dumating si Christian at tumayo sa harap ng magkapatid at at agad na pinatigil ang kotseng paparating. Tiningnan naman ni Zac si Christian at saka tumingin sa walang malay na si Athena kaya kinarga nya iat nagsimula ng maglaka ng mabilis.

"Christian. Call the nurses now! Help Aling Sabel. Faster!" utos ni Zac at pinasok na si Athena sa loob ng ospital habang ang mga nurse ay dagliang lumapit sa kanila kasabay ang pagdating nina Clyde at Jewel.

"OMG! What happened?" sabi ni Jewel na nakatakip pa ang bibig ngunit hindi naman ito pinansin ni Zac at mabilis na naglakad patungo sa Emergency Room kung saan dadalhin si Athena at Aling Sabel.

"Ano ba Zac? Ano bang nangyayari? Bakit may mga pulis sa labas? Anong nangyari kina Athena at Aling Sabel?" tuloy-tuloy na tanong ni Clyde nang harapin sya ni Zac na may seryosong tingin.

"Someone tried to kidnap her. You happy now?" inis na sambit ni Zac saka tiningnan ng masama si Jewel bago umalis at iwan ang dalawa.

"Paanong?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Clyde.

"Buti na lang at ligtas sila." Sabi ni Jewel.

"Who would dare to kidnap Athena?" wala sa sariling tanong ni Clyde.

"You're right. Hindi naman sya mayaman." Sabi ni Jewel kaya tiningnan sya ni Clyde.

"I mean, mabait naman sya. Sino namang tao ang may galit sa kanya para humantong sa ganito, right?" sabi muli ni Jewel.

"I don't know. Ang alam ko lang ay wala syang nakakaaway." Sabi nito at naglakad na patungo sa ER.

Habang naghihintay sa labas ng ER ay dumating ang lahat ng ACES, Alisha, si Nemiah, Adrian, Jess at Jarred. Wala naman si Daynara dahil may inaasikaso ito. Sinabi ni Clyde ang nangyari dahil alam nilang hindi magsasalita si Zac dahil labis itong nag-aalala.

"Ano ba talagang nangyari?" bulong ni Wilson kay Zac nang makalapit ito. Tumingin naman dito si Zac.

"I'll explain it to you later," seryosong bulong ni Zac pero hindi nila alam na nakatingin sa kanila si Clyde.

"What are you doing here?" taas-kilay na tanong ni Nemiah kay Jewel.

"Like duh! Ano pa bang ginagawa rito sa ospital?" nakairap na sabi ni Jewel.

"Gusto mo bang bigyan kita ng dahilan para manatili sa ospital na to? I can knock you down, b*tch," sabi ni Nemiah kasabay ng paglabas ng doctor.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now