Part XXVIII. Contract

137 4 0
                                    

//Athena's POV

"Is this...serious?!" gulat na tanong ko sa kanya habang nakatingin sa papel na hawak ko.

"That's a contract, just so you know." Pilosopong sagot sakin ni Clyde. Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Read it. Formalities, you know?" dagdag nito at inilapit pa sa mukha ko ang kontratang to. Puro sya you know. Seems like he is prepared.

"Why so prepared? Pano na lang pala kung hindi ako pumayag ha?" sabi ko sa kanya at pinasadahan ng tingin ang kontratang gawa nya na nakaprint pa at ang pangalan ko ay nakaprint din.

"I know you would. My charm isn't a low-class one." Pagmamayabang niya sakin. Wow. Confident.

"Ang...hangin. Nagbago na ang isip ko. Hindi na ako pumapa—"

"Na-ah-uh. You agreed already. No change of minds." Sabi nito at kinindatan pa ako. Ano ba ang taong to?

"Whatever you say." Sagot ko at binasa na ang narito sa papel.

Contract Title: Fake Relationship Rules for the Sake of Clyde's Life

"What kind of title is this? For the sake of your life?" tiningnan ko sya nang hindi makapaniwala.

"Magbasa ka na lang. Kokontra ka pa e." sagot naman nito at sumandal sa upuan.

1. I can hold her hand, hug her and wrap my arms around her shoulder and she can't object to it.

2. I can kiss her, basta sa forehead and cheeks lang para mukhang totoo ang relationship namin.

3. Hatid-sundo ko sya everyday.

4. Magdedate kami every Sunday.

5. We will take sweet photos as much as we can for evidences.

6. She can't argue with me whenever I will give her something.

7. No one should know that the relationship we have is fake.

8. She should be LOYAL TO ME, no SECRET CRUSHES and the like and I will do the same for her.

9. She will be with me during our free time.

10. Lastly, THERE WILL BE NO LOVE INVOLVED IN THIS MATTER, IF ONE FALLS FOR THE OTHER, THE RELATIONSHIP WOULD END.

Signed by:

Clyde Maxson Lain

Signed by:

Athena Yuna Carlet Fontes

"Hoy teka! Ang unfair nito ha! Lahat ay pabor sayo!" singhal ko at iniharap pa sa kanya ang kontrata.

"Sign it. I have to attend my training today. I'll get it to you tomorrow morning. Bye. Fake girlfriend." Sagot nito at isinabit na ang bag sa balikat nya at umalis na pagkatapos kumindat.

Like. Ganon na yon? Tch. Tch. Nakuha lang ang gusto, iniwan na ako rito? How ungentleman. Matapos ng ilang minuto, nagdesisyon na rin akong pumasok sa klase dahil time na rin naman.

Last subject...tulala ako sa bintana ng room namin. Bakit ba pilit sumisiksik si Clyde sa isipan ko? Yung sinabi nya kanina? Ganoon na ba kalakas ang impact sa akin ng mokong na iyon? Bakit ba iniisip ko ang pagiging fake girlfriend ko sa kanya? It doesn't have to do with me, right? Pero, wala nga ba?

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now