Part LVII. Menace

209 8 2
                                    

//Athena's POV

Ilang araw na rin ang nakakalipas simula nung tinuruan ako ni Ate Nemiah tungkol sa opisina at ilang araw na rin itong hindi alam ni Kuya Zac. Bakit? Sabi ni Ate Nemiah ay itago ko muna kay Kuya dahil alam nyang hindi sya papayag sa ginagawa ko dahil mapapagod lang daw ako.

Gusto kong tulungan si Kuya at sana hindi sya magalit sakin pag nalaman nyang itinago ko to sa kanya. February na rin naman, ilang buwan na lang din at ggraduate na ako, pero nakakalungkot dahil bumaba lahat ng grades ko at dahil na rin pinagtutuunan ko ng pansin ang training ko para sa opisina.

Nagalit si Kuya sa nangyari dahil akal nya hindi pa rin natatapos yung issue na pagtulak ko raw kay Daynara sa hagdan na kalat pa rin sa university. Si Alisha? Hindi ko na sya kinakausap, hindi dahil galit ako o ano pa man, marami lang akong ginagawa bilang secretary ni Ate Nemiah dahil pinagbakasyon nya ang secretary nya.

"Athena. What is my schedule for this day?" tanong sa akin ni Ate Nemiah habang may mga pinipirmahan.

"May meeting po kayo by 10am with Mr. Yuri. By 12nn ay lunch meeting with Mr. Gutierrez and by 4pm ay meeting po with the board of directors. That will be all for today, Miss Nemiah," magalang na tugon ko rito. Be professional nga raw sabi nya. Pag oras ng trabaho, trabaho kahit pa close kami.

"Okay. Thank you," sabi nito at hindi ako sinulyapan. Umalis ako sa office nya at pumunta sa desk ko. Pagkaupo ko, napabuntong hininga na lang ako. Sabado ngayon at walang klase kaya whole day ako rito.

After ng morning meeting ni Ate Nemiah ay papunta na kami ngayon sa lunch meeting nya sa isang Italian Resto na malapit lang din sa office.

"Pasok na tayo, Athena." Ngiting sabi ni Ate Nemiah sakin kaya napangiti na rin ako at tumango. Pagkapasok namin ng resto ay agad naming nakita si Mr. Gutierrez, pero nagulat kami nang makitang kasama nya si Kuya.

"Ha-Ha-Hala! Ate Nemiah! Si Ku-Kuya! Kasama sya ni Mr. Gutierrez!" kinakabahan kong sabi rito at tumago sa kanyang likuran.

"Don't worry. K-Kainis naman yang K-Kuya mo eh! Bat bay an andito?" utal ding sabi ni Ate Nemiah. Hindi pa rin kami lumalapit sa mesa kasi baka makita kami ni Kuya.

"Hey! What are you both doing here?" nagulat kami nang may tumapik sa amin. Nang lingunin namin ito, si Wilson pala. Bigla naman kaming nilayo ni Ate Nemiah sa resto.

"Ate Nemiah. 12nn na po. Malelate ka po sa meeting mo with Mr. Gutierrez," sabi ko rito pero sa kaloob-looban ko ay kabang-kaba na ako.

"Say what?! Ganon kabilis ang oras?!" gulat na tanong nito sa akin.

"If that is the case, what are you still doing here? I know you sis, you don't like being late on meetings," takang tanong ni Wilson habang nakatingin sa aming dalawa.

"Oo nga. Pano ba naman kasi, kasama ni Mr. Gutierrez si Zac." Paliwanag ni Ate Nemiah.

"So?" sabi ni Wilson kaya binatukan sya ni Ate Nemiah.

"What the fvck ate?! Bakit k aba nambabatok?! Inaano ba kita?!" inis na tanong ni Wilson sabay himas sa ulo nyang tinamaan ni Ate Nemiah.

"Nakakainis ka kasi. Alam mo namang magagalit si Zac sakin pag nalaman nyang pinagttrabaho ko si Athena sa opisina ko bilang temporary secretary ko." Inis na sagot ni Ate.

"Ahhhhh. Oo nga pala." Napailing na lang si Ate sa sinagot ni Wilson. Haays.

"Ahhmm. Ate Nemiah. 5 minutes late ka na po sa meeting." Sabi ko. Pano ba naman kasi, hindi ako makasingit sa dalawang ito.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now