Part X. Words of Clyde

199 11 5
                                    

//Athena's POV

Padabog kong inilagay ang kamay ko sa kamay nitong James daw. Inirapan ko sya. Sobrang taray ko ngayon. Hindi naman ako ganito. Napailing na lang sya habang nakangiti at nilagay na ang kamay nya sa bewang ko.

"Nung nagkita tayo sa mall, hindi ka ganyan kasungit."

"Ano naman ngayon?" muli ay ngumiti na lamang ito at umiling ng bahagya.

Hindi ko na alam ang nangyayari sakin. Hindi sana ako magiging ganito kung hindi lang dahil duon sa nangyaring yon. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko. Hindi ko lubusang matanggap ang sinabi nya sakin nang magharap kami.

.Flashback.

Hindi pa nagsstart ang program kaya naman nagpaalam ako na magrerestroom lang ako. Madali lang hanapin at hindi naman ako naligaw.

Tiningnan kong muli ang sarili ko sa salamin at ngumiti. Ngayon ko lang naramdaman na ang ganda-ganda ko. Matapos kong maghugas ng kamay ay lumabas na ako. Nakakailang hakbang pa lang ako nang may nakabanggaan ako.

Muntik na akong matumba sa sahig pero hindi natuloy dahil nasalo nya ako. Nakahawak ang kanan nyang kamay sa likod ko at ang lapit ng mukha nya sa akin. Hindi ko maaninag ng maayos ang kanyang itsura dahil medyo madilim.

"Let us all welcome the newly arrived young businessmen in the Philippines, Zac Lawrence Hyun, Lei Myco Joo and James Warren Han!" isang masigabong palakpakan ang narinig ko mula sa loob. Natauhan ako sa pwesto namin kaya umayos ako ng tayo.

"Naku. Sorry, hindi kita nakita agad. Sorry talaga." Sabi ko habang nakayuko. Nakakahiya.

Inangat ko ang ulo ko at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. This couldn't be happening. Bakit nandirito yan?! Bakit?! Wag nyong sabihin na DITO SYA NAG-AARAL?!

"Ikaw na naman?!/Sino ka?!" sabay naming sabi at nakaduro pa sa isa't isa.

"Hoy, Miss. Anong ako na naman? Ngayon lang kita nakita."

"Ako nga pala yung babae dun sa Lush Café. Yung nang-away sayo dahil sa pambabastos mo dun sa babae? Remember?" kumunot ang noo nya habang nakatingin sa akin.

"Ah! Ikaw pala yon. So, what are you doing here? Following me?" aba't ilang aircon ba ang nakain nito at sobrang hangin? Ako? Sinusundan sya?

"Woah. Lumakas ata ang hangin dito ah. For your information, I'm a student of RCU. Everyone who is enrolled in RCU is REQUIRED to come, that is why I'm here." Sabi ko sabay taas ng isang kilay at irap.

"Reasons. Wag ka ng mahiya. I know how handsome I am. Tell me. You like me?" seriously? Joke ba to? Joker ba ang isang to? AKO? LIKE? SYA? NO WAY!

"Seriously? NO WAY! Sino ka ba ha? Wala na akong alam about sayo, bukod sa alam kong ikaw si Clyde na mayabang."

"What the heck?! You don't really know me?!"

"Magtatanong ba ako kung kilala kita?"

"Wait. Miss cashier. Seryoso ka ba dyan?!"

"Mukha ba akong nagjojoke?"

"What the f*ck?! Fine. Listen carefully okay? I am Clyde Maxson Lain. ACES' leader. One of the most successful young businessmen here and abroad."

WHAT THE?! SERIOUSLY?! Ang lalaking ito? Ang Clyde na nakaaway ko sa shop at ang pinsan ni Daynara ay iisa?! Bakit ba inisip kong magkaibang tao sila?! Haaaay. Wait. Daynara? Clyde? Hmm. Parang ang layo naman nilang maging magkamag-anak.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now