Part VI. Jess and Athena's Friendship

206 12 1
                                    

//Athena's POV

Natapos naman ang buong maghapon namin na puro discussions lang. Nakakabored. Hindi naman sa pagmamayabang, advanced na ang utak ko at halos lahat ng ituro nila ay alam ko na. Dahil tapos na ang klase, oras na rin para sa trabaho ko. Pumunta na ako sa café at nagpalit na ng uniform.

"Ganda natin ngayon, Athena ah." Bati sakin ni Kuya Tyrone. Sus. If I know, binibiro lang ako nito.

"Kuya naman. Wag mo na akong bolahin dyan. Di ako naniniwala."

"Oy. Hindi kaya. Medyo blooming ka ngayon eh. Iba ka sa dati."

"Sige, kuya. Maniniwala na lang ako. Hahahaha. Sige. Punta na ako dun." Pumunta na nga ako sa counter at naghihintay ng mga customers.

"GoodAfternoon, Ma'am. May I take your order?" sabi ko habang inaayos ang counter kaya naman hindi ko na sila natingnan.

"1 order of Strawberry's and Cream, 1 Signature Hot Chocolate-Venti and a box of 5 cupcakes."

"What cupcakes po, Ma'am?"

"1 Lemon Drop, 2 Cookies and Cream, 2 Boston Cream and 1 Chocolate-Chocolate."

"Is that all, Ma'am?"

"536 for your order, Ma'am." Nag-abot sya sakin ng 1000 at agad ko rin naman iyong sinuklian.

"Please patiently wait for your name to be called. ThankYou." Sabi ko habang hindi pa rin nakatingin sa kanya. Ang dumi kasi dito sa counter. Bat ba to' dumumi ng ganto?

"Nakakatampo ka naman. Di mo kami tinitingnan." Sa puntong yun ay napaangat ang ulo ko at nakita sa harap ko sina Daynara at Alisha.

"Waaaaah! Anong ginagawa nyo rito ha?!" sigaw ko at namumula sa hiya. Hindi ko kasi sila nabosesan.

"Umoorder?" pilosong sagot ni Alisha.

"Ehhhh naman eh!" hiyang-hiya kong sabi.

"Ang cute mo sa uniform mo, Athena." Puna ni Daynara sa akin kaya naman nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Namumula ang pisngi ko.

"Sige na. Maupo na kayo dun." Utos ko sa dalawa kaya bahagya silang natawa.

"For take out yung order namin, Athena ha." Tumango lang ako at hinintay ang pagdating ng orders nila.

*

"Miss Alisha. You may now get your orders." Lumapit naman silang dalawa sa akin at ngumiti.

"Bat naman may Miss pa? Para kang others dyan eh." Sabi ni Alisha sakin.

"Syempre. Sabi yun ng may-ari." Simpleng sagot ko.

"Si Kuya Wilson? Sus. Hayaan mo sya. Oh. Pano. Mauna na kami sayo, Athena. Salamat dito. Bye! Ingat ka pag-uwi ha?" sabi ni Daynara at lumabas na sila rito sa café.

Lumipas ang mga oras at labas-masok lang ang customers dito sa café. Ganon at ganon ang routine ko, kuha ng orders, bayad-sukli, tawag sa kanila. Malapit ng matapos ang shift ko. 7:48pm na. Narito na rin yung papalit sakin. Pero, bago pa man matapos ang shift ko, may customer na dumating.

"GoodEve—What's your order, Sir?" sarcastic kong sabi sa lalaking nasa harap ko ngayon.

"Is that how you greet your customers ha, nerd?" kung may tumatakbo man sa utak nyo kung sino ang lalaking ito ay tama kayo. Si Clyde ang bwiset na ito. Huminga ako ng malalim at ngumiti ng pilit.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now