Part III. Clyde and Athena

265 13 0
                                    

//Athena's POV

"GoodAfternoon, Sir. What's your order?" nandito ako ngayon sa café na pinagtatrabahuhan ko at ako ang tagatake ng orders. Katatapos lang ng klase namin at 4:30 na. 4pm kasi ang labas namin eh.

"Hmm. 1 Tall Hazelnut Latte and Dark Chocolate Champagne." Tiningnan ko si Kuyang umorder. Mga kaedaran ko lang to' o mas matanda sakin ng mga isang taon? Hahaha. In fairness ha, pogi ni Kuya. Hahaha. Landi landi ni Athena.

"1 tall hazelnut latte and dark chocolate champagne, that's all Sir?" tanong ko para sure.

"Kung meron pa, edi sana kanina ko pa sinabi." Ay. Bastos ang loko. Sayang. Pogi pa man din.

"Kaya nga tinatanong. Ayaw na lang sumagot." Bulong ko. Sapat na para hindi nya marinig.

"May sinasabi ka Miss?"

"Wala po, Sir. 247 pesos for your order, Sir." Binigay nya sakin ang 500 peso bill at binigay ko agad ang sukli nya baka pilosopohin na naman ako.

"Thanks." Sabi nya. Ay wait. Yung pangalan nya.

"Sir. What's your name?"

"Oh. Clyde." Siguro naalala nya rin na kailangan nya ibigay yung name nya. Pero. Clyde? Sounds familiar.

"Thanks, Sir. Just take your sit and wait for your name to be called."

//Third Person's POV

Habang nagbabasa ang binata ng mga libro, may isang babae ang pumasok sa bahay nito at inistorbo ang kanyang pagbabasa.

"What the hell, Ate Faye?! Can't you see that I'm reading?!"

"Is she home already?"

"She's not yet here."

"WHAT?! Are you serious?! It's been how many years, Rence! You have to make a move!"

"I am doing my best here, Ate Faye! Kayo, wala kayong ginagawa para mapabalik sya rito, so you better shut up! And besides, her life is in great danger so we have to move carefully! You understand?! Don't rush things, Ate Faye. Please."

"I-I'm sorry Rence. I have to go."

"I will bring you back whatever it takes." Bulong ni Rence sa sarili at huminga ng malalim.

//Athena's POV

"Sir Clyde! You may now get your order!" sigaw ko sa counter at nakita ko namang papalapit sya. Ampogi talaga. Wait. Erase. Erase. Bastos yan. Pilosopo.

"I know I'm handsome and hindi ako bastos."

O_O

O_O

Mind reader ka, Kuya?

"Definitely not a mind reader." Sabi nya at ngumisi bago umalis. Kyaaaah! Nakakahiya. Maya-maya lang, lumapit ulit sya rito sa counter.

"Yes, Sir? How can I help you?"

"Please give me a glass of water." Kumuha ako ng tubig at ibinigay yon sa kanya. Umalis na sya nang hindi manlang nagpapasalamat.

Habang nag-aayos ako rito sa counter nakarinig ako ng bulungan ng mga tao. Yung iba, gulat na gulat, bakit kaya? Tiningnan ko yung tinitingnan nila at OMG. Kaya ba sya humingi ng tubig sakin ay para ibuhos dun sa babae? What the?! Wala ba syang galang sa babae?!

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now