Part XIV. Breaking the NO SORRY POLICY

194 7 0
                                    


//Clyde's POV

"May balak ba kayong sirain ang pinto ha? Ano bang problema nyo?" tanong ko sa dalawa.


*PAK*


O_______O lahat ng tao sa AR, ganyan ang itsura maging ako maliban lang kay Alisha at Zac na nakapoker face. WTF?! Ano bang problema ng dalawang to?!

"Problema ko? Ikaw! Ikaw at yang ugali mong pagkasama-sama! Alam mo bang dahil sayo kaya lumalayo samin ngayon si Athena, kaya sya inaaway ng schoolmates natin! Bakit mo rin sya binigyan ng ACES Card?! Bakit ha?! Saka kilalang-kilala mo ba sya para pagsalitaan mo sya ng ganon?! Pinsan naman! Ayusin mo naman yang ugali mo! Nakakasira ka ng ibang tao!" sabi ni Daynara at pinagsusuntok ako sa dibdib. Umiiyak ba talaga sya? Hindi sya basta-basta umiiyak, maliban na lang kung ang nawala sa kanya ay sobrang importante. Athena? Alam ko na. Si Nerdy President ang tinutukoy nya.

"Umiiyak ka nang dahil sa gold digger na yon ha, Daynara?! Ano?! Binrain wash kayo nung nerd na yon kaya kayo sumusugod dito?! Nilalayo ko kayo sa mga taong manggagamit na tulad nya! Gusto lang nyang mapalapit sa amin! Magpa—" sa pangalawang pagkakataon, sinampal na naman nya ako. WTF?!

"Thank you?! Edi thank you dahil sayo iniiwasan kami ng isang napakahalagang kaibigan! Yun ba ang dapat kong ipagpasalamat sayo?! Kilala mo?! Kilala mo ba sya?! Ang kapal mo para isiping gusto nyang mapalapit sa inyo! Eh hindi nga nya kayo kilala eh! Nung party? Iyon ang unang beses na nakita nya kayo! Kuya Clyde, iba si Athena sa lahat, iba sya! Ngayon, magsorry ka sa kanya."

"Ano?! Gusto mong magsorry ako sa kanya?! Sa tanang buhay ko, alam kong alam nyo na never akong nagsorry sa isang tao tapos ngayon, pahihingiin mo ko ng tawad sa pangit na nerd na yon?! UMASA KA!" singhal ko kay Daynara habang dinuduro-duro sya.

Hindi ba nila alam kung gaano kamahal ang I'M SORRY ko?!

Bwisit na nerd yan! Nang dahil sa kanya, inaaway ako ngayon ni Daynara. Bonus pa, galit sakin si Alisha. BWISET KA TALAGANG ATHENA FONTES KA!

"Magsorry ka Kuya. Bawiin mo sa both department ang ikinalat mo, also, sabihin mo na tapos na ang yugto nyang ACES Card na binigay mo! Hanggat di mo nagagawa yon, hinding-hindi kami babalik dito sa AR at mas lalong hinding-hindi kita kakausapin! Ibang-iba ka na ngayon, Kuya Clyde. I'm really disappointed at you." Sabi nya at tumalikod na at lumabas ng AR.

"Narinig mo naman siguro ang pinsan mo, diba? Magsorry ka na. Minsan, kailangan mong magbaba ng pride at aminin mong mali ka. Nakakadisappoint ka nga, Kuya Clyde. Kung husgahan mo kasi ang kaibigan namin, akala mo napakatagal na panahon mo na syang kilala. Alam mo? Bumaba ang tingin ko sayo nang dahil sa ginawa mo. Ito ang tatandaan mo, iba si Athena sa lahat. IBANG-IBA." Sabi sakin ni Alisha at umalis na rin. Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Bwiset na yan!

"Athena? Feeling ko kilala ko yon." Sabi ni Rance. Engot ba to? Malamang pinakilala sa kanila nung party!

"Aha! Sya yung maganda sa party!" sabi naman ni Drew at kumislap ang mata.

"Pero, ang ganda nya para bigyan mo sya ng ACES Card! Ngayon ko lang napagtanto na sya yung Athena na binigyan natin. Huhuhu. Sorry, baby Athena ko! Pero wait, nabanggit ni Clyde na nerd daw yung Athena, ibig sabihin ba nun, dalawa ang Athena dito sa school? Isang maganda at isang nerd?" sabi uli ni Drew na kinutusan naman ni James.

"Engot ka talaga! Yung maganda nung party at yung nerd na sinasabi ni Clyde ay iisa! Aish! Masisiraan ako ng bait sayo Drew!" sigaw naman ni James at napakamot na lang sa batok.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now