Part LVIII. Lost Memories

124 4 0
                                    

//Clyde's POV

Tiningnan ko lang si Athena papunta sa kabilang kalsada nang may nakita kong humaharurot na sasakyan na palapit sa kanya.

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP*

"ATHENAAAAAAAA!!!!" sigaw ko.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko kung paano sya sinagasaan ng sasakyan. Mabilis akong tumakbo papunta sa sasakyan pero mabilis itong humarurot paalis kaya naman nilapitan ko na si Athena na naliligo sa sarili nyang dugo. Diyos ko. Iligtas nyo po si Athena.

"Athena. Do not close your eyes, please? Stay with me. Stay with me," nanginginig na sabi ko. Maraming tao na ang nakapaligid sa amin kaya tiningnan ko sila.

"M-May doctor or nurse ba sa inyo? Please help her. Tumawag kayo ng ambulansya!" naiiyak na sabi. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko mawawla sya sakin.

Hindi ko sya magawang hawakan dahil baka kung ano pa ang mangyari. Ayokong lumala ang kondisyon. Ayokong mawala sya sakin.

"Ako. Nurse ako." May lumapit na babae at tiningnan si Athena na naliligo pa rin sa sarili nyang dugo.

"C-C-Cl-Clyde..." nanghihina at nanginginig na sabi ni Athena.

"H-Hey. Don't speak. Please stay with me, please," sabi ko habang umiiyak.

"I already called the ambulance! Paparating na sila any minute," sabi ng isa sa mga tao pero hindi ko na ito pinansin at nakatuon lang kay Athena ang buong atensyon ko.

Hanggang sa makita ko ang unti-unting pagsara ng talukap ng mata ni Athena...no...no...

"Please. Please do not sleep. Do not close your eyes. Don't leave me, Athena...please..." sabi ko habang patuloy ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko.

//Third Person's POV

"W-What?! Sa-Saang ospital yon?!" biglang tanong ni Zac nang sabihin sa kanya na sinugod si Athena sa ospital. Hindi nito alam ang kanyang gagawin at kusang tumulo ang luha.

"Sa ospital nyo po Sir Zac," sagot ng sekretarya nito sa kanya.

"Cancel all my appointments for this day," sabi nito at lumakad paalis sa opisina nya.

"Please be safe, Athena. Please," kinakabahang sabi ni Zac sa kanyang sarili. Hindi mawala ang takot nito na baka muli na namang mawala ang kanyang kapatid sa buhay nila.

Villamorsoza Mansion...

"Lord Kimura. Young Lady was rushed into the hospital," sabi ni butler Chris rito.

"WHAT DID YOU SAY?!" napatayo si Kimura sa kanyang kinauupuan dahil sa narinig.

"May bumangga po kay Athena at sa ngayon po ay hinahanap na po ang mga salarin."

"Do your best to find them! I won't forgive them for doing this to my granddaughter!" sigaw nito kay Chris hanggang sa napahawak ito sa dibdib.

"Arggggggg!" sigaw nito habang nakahawak sa kanyang dibdib hanggang sa nawalan na ito ng malay.

"Lord Kimura! Lord Kimura! JEN!" tawag ni Chris sa katulong kaya agad-agad naman itong nagpunta.

"Yes, butler Chris?" agad na sabi ni Jen nang makarating ito sa opisina.

"Call an ambulance! Quick!"

"O-Opo!" sagot ni Jen at agad-agad na lumabas para tumawag ng ambulansya.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now