Part XXIX. Protect her

141 3 0
                                    

//Athena's POV

"Athena? Are you with me?"

"A-ano yon?"

"You're spacing out. We're here already. Are you okay?" tanong sa akin ni Clyde at hinipo pa ang noo ko.

"O-OO! O-OKAY LANG AKO! U-una na a-ako ha? Ma-mahu-mahuhuli na ako sa klase ko." Sabi ko kay Clyde at sabay lumabas ng sasakyan nya na sya namang pinagsisihan ko agad.

"O—M—G!!!!!!!!!" mabagal na sigaw ng isang babae kaya naman agad akong napayuko. Bakit ba napalabas agad ako ng kotse ng damuhong iyon?!

"AM...I...HAVING...A...NIGHTMARE?!" mabagal na sigaw ng isa pa. Marami pa akong narinig sa paligid ko pero hindi ko iyon inalintana at dumiretso agad sa building ng high school. This isn't good.

Nagmamadali ako sa paglalakad dahil ang daming mata ang nakatingin sa akin at deadly glares pa ang mga iyon. Nakayuko lang ako hanggang sa maramdaman ko ang isang braso na umakbay sa akin.

"Anong ginagawa mo rito? High school building to at hindi college building." Sabi ko sa kanya.

"I know. Nandito ako para ihatid ka sa room mo. Boyfriend duties. Let's go or else you'll be late," nakaakbay pa rin sa akin si Clyde at hindi manlang pinapansin ang mga bulungan sa paligid.

"Don't mind them. Inggit lang sila sa girlfriend ko." Sabi sa akin ni Clyde at ningitian pa ako. Napatitig tuloy ako sa kanya. Bumabait na talaga sya. Di na gaya dati.

"Yeah. That's right. Stare at me." Sabi nitong muli at kumindat pa sakin. Hindi ko na lang sya pinansin at diretsong naglakad papunta sa room namin. Pagkahatid nya sakin, hinarap ko agad sya.

"Pwede ka ng umalis, Clyde." Sabi ko dahil kanina pa ako nakakatanggap ng masasamang titig mula sa mga kaklase ko. Parang mangangain na sila oras na pumasok ako.

"Where is my goodbye kiss?" napaatras akong bigla dahil sa sinabi nya. Maraming violent reaction din ang maririnig sa paligid pero sya? NAKANGITI LANG.

"What are you talking about? Gusto mo bang mabangasan?" sabi ko sa kanya at umamba ng suntok.

"Oh well. See you sa ACES Room, girlfriend ko." Sabi nito at tumalikod na sakin. Buti na lang. Tumalikod na rin ako kaya lang bumalik sya.

"I forgot something,"

"Ano naman yun, Clyde?"

"Ito,"

O_O

O_O

O_O

What the?! Sa harap pa talaga ng maraming tao? Sa harap ng maraming tao nya ako hinalikan sa pisngi. Masyadong mabilis kaya hindi ako makagalaw. Rinig na rinig ko sa room ang mga angil nila. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Tumalikod ako at sumalubong sa akin ang mga nagtatanong na itsura nila Alisha at Daynara.

"A-Andyan pa-pala ka-kayo, Alisha a-at Da-Daynara." Utal-utal na sabi ko.

"Are you hiding something from us huh, Athena?" sabi ni Daynara habang naniningkit ang mga mata at nakacross arms pa.

"You owe us a story," biglang sabi ni Alisha habang nakangisi.

"Ah...eh...mamaya...time n-na ka-kasi. He-he," sabi ko na lang at naglakad na padiretso sa upuan ko.

"Tena. You're going to tell me what the fvck is happening," sabi naman ni Jarred. Tiningnan ko sya and saw blank stares. Bakit sya ganito? Tanging tango na lang ang sinagot ko sa kanya dahil andito na rin si Ma'am.

The Runaway PrincessWhere stories live. Discover now