Meet his friends

424 20 7
                                        

ZIEL'S POV

Pagpasok ko pa lang kitang kita ko na ang mga makakapal na usok, maliliwanag na ilaw, beers, cigarettes, at mga wild na teenager na kagaya ko. Hinanap agad ng mga mata ko ang best friend ko at sa kasamaang palad di niya ako nakita. Pero may nakita akong isang lalaking nakaakbay sa dalawang nag gagandahan na babae at dahil dun nakilala ko siya. Pumunta ako sa pwesto nila at nakita niya ako dahil pinaalis niya rin yung dalawang babae. Sinenyasan niya ako na lumapit sa kaya at umopo ako sa tabi niya.

"Ang tagal mo naman dumating tapos ganyan pa suot mo." Yan ang unang bumungad sakin pag kaupo ko sa pwesto ni John.

"Ano naman ang mali dito sa suot ko?"

"Anong Mali? Tinatanong mo pa talaga sakin yan ha!"

"Eh kaw lang naman ang kausap ko kaya malamang kaw lang ang tinatanong ko, di naman pwede ang alak diba?" Sarcastiko na sabi ko sakanya.

"AISH! Ang kulit mo talaga! Oh suotin mo tong jacket ko para maharangan yang suot mo na SHORT SHORTS at SLEEVELESS SHIRT at wag ka masyadong uminom dahil may ipapakilala pa ako sayo." Diininan niya talaga ang word na short shorts at sleeves shirt ha!

"Yes Sir! Sino ipapakilala mo sakin John?" Excited na sabi ko dahil ngayon lang siya may ipapakilala dahil di naman siya nagpapakilala ng mga babae niya dahil bigla na lang silang sumusulpot at dun ko sila nakikilala.

"Later you'll see." Di ko na siya kinulit. Mukang seryoso eh.

2 hours na ang nakalipas kaya padami na ng padami ang mga tao dito sa pool party na ginawa ni Peter kaya na ka pag pasya na kami ni John na umalis dun at dumeretso sa iisang Rest house na tinutuluyan namin malapit dun sa ginanapan ng pool party. Habang naglalakad kami ni John may lumapit sakanya na isang napakagandang babae na sexy pa at nilagay ang kamay niya sa braso ni John.

"Hi babes!" Ewwwww naman tong dalawa sa harap ko talaga ha.

"Hi?" Haha! sagot ni John na parang di sigurado ah siguro isa to sa mga napaglaruan niyang girls sa campus.

"Hey ako to si Kristine!" Masayang bati naman ni Kristine sakanya na may halong pag kainis.

"Kristine??" Sagot naman ni John.

"Yeah ka date mo ako nung isang araw lang. Nakalimutan mo agad?"

"Sorry but I don't remember you." Aray! sakit sa pride nun. Haha nang dahil dun umalis na yung babae. Kapal naman niya kung di pa siya aalis. Nag tuloy tuloy na lang kami ni John hanggang sa narating na namin yung Rest house at nandoon yung 3 lalaki na prenteng nakaupo sa isang sofa. Eto ata yung ipapakilala ni John sakin.

"Hi!" Bungad sakanila ni John.

"Oh Hi there Steinfergd. Wait sino yang kasama mo she looks pretty ha?" May tumatawag pala sa kanya na Steinfergd akala ko parents niya lang.

"Ah by the way this is my best friend Ziel Angelie Santiago Gomez"

"Hi ako nga pala si Robert, at your service my princess" Pagpapakilala niya at hinawakan ang kamay ko at hinalikan sa likod ng palad ko.

"Hi gorgeous! I'm Angelo you can call me babes if you want." Nakipag shake hands naman siya sakin. Haaay! At hinatid niya ako sa sofa para makaupo. Mabait ah ang gentelman pero may kasamang wink.

"Daniel here call me what ever you want." Sabi niya with matching kagat labi at wink. Haha lahat sila may looks pero parang lahat ng ginawa nila ginawa na ni John para sa mga babae niya hahahaha!

"Players?" Tanong ko sakanila at halatang di nila na gets.

"Playboy kayo diba?" Gulat pa rin sila haha ang epic na muka nila.

"Yes we are. Pano mo nalaman?" Tanong naman sakin ni Robert.

"Gawain kasi ni John yan."

"Sino si John?" Tanong naman sakin ni Daniel. Di niya alam??

"Si John Steinfergd Fajardo Villanueva" Sabi ko naman.

"Ah I see. Ba't yun tawag mo sa kanya?" Tanong ulit ni Daniel.

" Ang haba kasi ng Steinfergd. Diba John." Tapos binalingan ko si John na nakikipag usap sa magandang binibini pero di niya ata ako narinig kaya nilaksan ko pa.

"Diba John!!" Nang dahil sa pag sigaw ko humarap na siya at halata sa muka niya ang pag tataka kaya pinandilatan ko na lang siya. Lumapit naman siya ng di ko alam kung bakit.

"Ah yes! Tamad kasi itong bitch na to."

"Don't call her that dude." Sabi ni Daniel.

"It's okay Dan. Bitch talaga tawag sakin." Sabi ko naman sa kanya.

"Dan??" Tanong sakin ni Daniel.

"Yup. Why ayaw mo ba??" Gosh! sana okay lang sakanya.

"It's okay Angelie but why Dan?"

"Short term sa Daniel." Sabi ko naman sakanya. At wala na kaming napagusapan pa. Awkward silence pano ba naman eh ipagsiksikan daw ba ang 5 tao sa isang sofa tignan natin kung di masikip. Bigla naman tumayo si Robert kasi may naapakan siyang bote at tinignan niya isa isa ang mga kaibigan niya na parang may sinasabi ito.

"Let's play drink or dare" Suggestion naman ni Angelo. At lahat naman kami pumayag.

"Dahil lahat tayo ay may mga na inom na. Isang tao lang ang dapat matatapatan ng bote at isang dare lang o isang drink." Tumapat yung bote kay Robert.

"Drink o dare?" Tanong ni Angelo

"Dare!"

"Sexy dance with Angelie."

"What the--"

"Sure!" Di ko na naituloy sasabihin ko kasi pinangunahan na ako ni Robert. Itinayo niya ako pero ako blank face lang ang ipanapakita sakanila. Natapos yung isang dare at naging masaya naman kami. Naging close na rin ako sakanila dahil di namansila mahirap pakisamahan. Nagsiyayan na din matulog at mag isa ako sa isang room at yung 4 na lalaki naman di ko alam. Ang rest house ay meron namang 7 na kwarto.

Kinabukasan

Maaga akong nagising at may bumungad sakin na naging dahilan ng...

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!!!!" Nang dahil sa pagsigaw ko biglang nagising yung mga kasama ko sa kwarto at lahat sila parang dragon na nawalan ng anak dahil sa sobrang galit.

"Ang ingay mo namang babae ka!" Ayy! sabi yan ng di ko kakilalang lalaki.

"SHUT UP!!!" Hala galit yung kasama kong mataray na babae.

6 kami sa kwarto na ito at 3 ang lalaki at 3 kaming mga babae. Mababait sila pero di ko alam mga pangalan nila. Gosh! I hate my life.

Bigla bumukas ang pinto at niluwa nun ang 3 mga bagong gising na lalaki na bakas ang pag ka iritado sa kanilang mga muka.

"Anong nangyare dito?!" Tanong samin ni John na tinutukoy ang mga kalat sa loob ng kwarto.

"Nag party lang kami dito Steinfergd." Sabi nung isa pang babae.

"Party?? Kailan?? Paano??" Sunod sunod na tanong ko.

"Oo party nga. Kagabi nung tulog ka. Uminom lang kami at pulutan kaya di ka masyadong nagising." Sagot naman nung babae ulit.

"At ba't ganyan suot mo ha Angelie?!" Tanog ulit ni John. Pagtingin ko sa suot ko hell ang masasabi ko.

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon