Fan girlings

49 2 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Hey there people! May natira pa bang readers? Hehe. Alam ko pong sobrang tagal na nung last na update. And I REALLY am sorry. Baka maging madalang talaga yung updates. May classes na po kasi and medyo busy, sorry! Babawi ako sometime and pag may time maga-update po talaga ako. SORRY! Hoping that you'll understand. Salamat sa matiyagang mga nilalang. Ingat and God speed!

--

ZIEL'S POV

It have been days after nung paga-announce niya sa family namin na nililigawan niya ako. Medyo nag-die down na din naman yung pagtatanong ng media samin. My parents didn't ask anything, I was looking at them that day nung pauwi na kami but kapag nagtatama yung mata ko at ni Mom, she just smiles. Si Dad naman parang wala lang nangyari. Why is that so? They might have known and realized it earlier na may nararamdaman nga sakin si John and it's quite unusual na hindi man lang namin pinag-usapan yung about dun. Eh?

2 days after the announcement/revelation umalis na din yung parents namin kasi may business meetings pa silang kailangan puntahan. We made sure naman that we enjoyed yung last days ng vacation nila kasi baka matagalan na naman bago sila umuwi dito.

Really, days after nun, John is spoiling me. Kulang na lang siya na mag-lakad at huminga para sakin. He have been like that naman. We spoil each other din pero ngayon parang ayaw na talaga niya akong pagalawin pero sinabihan ko siya kaya ayun, medyo um-okay din naman ulit. Nakakailang kasi, siya na din nagsusulat ng lectures ko, nagsusubo pag kakain ako. Siyempre napapagod din naman siya diba?

Malapit na examinations namin and my mind is so not ready. Parang kakapasok ko nga lang eh. Pero wala naman akong choice diba? Mapapa-buntong hininga ka na lang talaga.

"Grabeng buntong hininga naman yun. What is that for?" Oops. Nandito na pala sa harap ko si John, break time namin. Hindi ko man lang namalayan na nasa unahan ko na pala siya.

"I'm just stressed. My mind is not ready for the examinations. Pano ako papasa?"

"Ano ka ba. You don't have to rush things. And don't overthink. Sabay na lang tayo mag-aral this weekends." Okay, sinesermonan na ko ni John.

"Whaaaat? May date tayo sa Saturday diba?!" Eh may gala kasi kami! And this guy, he is smirking. Sht wag mong gawin yan! Mas lalo kang guma-gwapo eh!

"Can't get enough of me, Dear? Makikita mo pa din naman ako nun eh! Tayo pa din naman yung mag-kasama. Ikaw ha." Pang-aasar na niya sakin. Psh but honestly, nasasanay na din ako sa presence niya. He also stopped having flings and yes, it's thoughtful.

"Sus! Kapal! Ayoko lang mag-aral napaka naman nito!"

"You don't have to deny how you feel. Okay lang yan. You could just tell me na mamimiss mo ko." Sabi niya at mas lalo pang lumawak ang ngiti.

"Shut up. Fine bahala ka. Mag-aral or lumabas, it's up to you." Sabi ko na lang.

"Uyyy hindi niya dineny na mamimiss niya ako!"

"You're insane."

"Baliw sayo."

"Whatever John." Ang tanging nasabi ko. Why would I deny something na totoo nga naman diba? Ang taray nung sinabi ko pero naka-ngiti lang ako, and he's also smiling. What a beautiful scene. Forever maganda lang talaga yung ngiti niya. Yung alam mong totoong ngiti, and what makes it more beautiful is knowing that you're the reason behind that smile. Yung ganon kagandang ngiti, ikaw pala naglagay sa mukha niya.

The day went fast. Parang mabilis na lang palagi yung oras kapag kasama ko siya. Uwian na! And may training siya, as usual, hihintayin ko siya. He is not demanding naman na hintayin ko siya, pero ganito na din naman ako dati pa, this guy is a part of my daily routine, definitely a major part of my life.

Walang training ang Volleyball ngayon, bukas pa. Alternate yung training days namin. And yes nakapasok ako sa Volleyball. Lagi din naman siyang nandun para panuorin ako at hintayin. Alam ko sweet pero minsan sana hindi na lang niya ako hintayin. Pano po kasi, yung mga kasama ko sa varsity, tinutunaw siya ng tingin. Para bang wala ako dun kung pag-piyestahan nila si John. -.-

"Start the drill boys! Babalik ako!" Sigaw ng coach ng basketball team.

I smiled at John which is a sign na mag-simula na siya sa drills. Hindi naman dahil captain ball siya excempted na siya sa drills.

"Go Steinfergd!!"

"Go Gelo!"

"Oh my! They are so gwapo talaga!"

"Oo nga! Ang hot sht!"

Automatic na napalingon ako sa mga babaeng nagtitilian. Grabe hindi man lang ba sila nahihiya? Para silang die hard fan. Pft paulit ulit pa ng sinasabi. Nakita ko naman si Angelo na napalingon sa mga babae kaya mas lalo silang nag-tilian.

Nakaka-distract na ata sa practice yung mga bruhang 'to. Hindi na lang kasi manahimik. -.- Lahat ng varsity na mapalingon bigla na lang silang titili. Parang nakalunok ng kiti kiti.

"Wooo! Love you Steinfergd!" Aba maputulan ka sana ng litid na babae ka. Bwiset. Naka-simangot na ko ng napalingon na si John dahil sa sigawan nila, at tumingin siya sakin. Hindi ko siya nginitian at aba ang magaling tumingin sa mga nagtitiliang babae tapos nginitian sila. Nako nga naman. Tss sige. Baka mapunit yang bibig mo kakangiti. -.- Akala ko ba ayaw niya sa mga flirt na babae? Eh bakit nag-eenjoy pa ata siya? Psh.

Napairap na lang ako sa kawalan. Sinalpak ko na ang earphones ko. Ayokong marinig ang kahautan nila. Tss.

Natapos ang training nila ng hindi ko na ginusto pang tanggalin yung earphones sa tenga ko. Lumapit si John sakin. Bahala siya kumuha siya ng damit niya dyan at towel. Wala siyang taga-asikaso ngayon pft.

Kinuha na niya yung towel na ngiting ngiti. -.- Tss.

"Oh my! So hot! Kami na lang magpupunas!" Aba at hindi pa din pala umaalis ang mga haliparot na mga 'to? Sige ma-lock sana sila dito.

"Kami na din magbibihis sayo!" Sigaw na naman ng isa pa. Nilingon ko na sila, at pak pak pak, irap!

"Pwede ba? Umalis na nga kayo. Ang haharot imbis na magsi-aral. Nakakasawa mukha niyo every training ah." Hindi napigilang sabi ko.

"Bakit? Ano ka ba ni Steinfergd? Bakit ba lagi ka niyang kasama? Ano ka? Yaya?" Tanong ng isa sakin, tinignan ko naman si John na parang humihingi ng tulong, pero naka-ngiti pa din siya. Bwiset.

"Pake niyo kung ano niya ko? Desperate people. Umalis na nga kayo sabi."

Bago pa man makapag-salita ulit yung mga babae, hinila na ko ni John paalis dun sa gym. Hawak niya yung kamay ko. Yeeees! Manigas kayo sa inggit! Pero nung makalayo kami at malapit na kami sa parking, inalis ko na din yung pagkakahawak niya sa kamay ko na naging dahilan para mapatingin siya sakin.

"What?"

"Anong what? Bakit mo ba ko kinaladkad dito? Ayaw mo na ba dun? Tuwang tuwa ka pa eh! Bakit hindi ka nagpa-bihis sakanila?!" I'm fuming mad.

"You're jealous." Sabi niya ng naka-smirk pa.

"Shut up. Jealous mo mukha mo. Tss. They're not worth it."

"Yes, they are not worth it kaya wag ka na mag-selos."

"Sino bang nagsabing nagseselos ako? Dream on."

"Ah hindi ka nagseselos? So okay lang if I go back there?" Pang-asar talaga nako!

"Eh di pumunta ka dun! Sino bang pumipigil sayo? Hatid pa kita." I turned my back on him after saying that. I was about to walk away but then I felt him hugging me, from my back, resting his head on my shoulders.

"Sorry." That's all what he got to say at nanlalambot na ko. His smell is addicting, kahit dati pa. He just really know kung paano ako patiklupin.

"Sorry. If you're jealous or mad, I'm sorry. I love you and ikaw lang. Sorry." Alam ko naman eh, pero hindi ko maiwasan. I faced him and smiled at him bago ko siya hinila papunta sa sasakyan. And with that, we both know na okay na kami.

Maybe I really was jealous. Kahit pa alam kong ako lang naman. Why is that so? Hay I should deny it no more. Maybe, maybe I really am starting to like him, maybe I really am feeling something more than what I felt before.

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon