PAGOD DAW SIYA.
JOHN’S POV
“Hahaha! Pre ang ganda mo pala pag naging babae!” Angelo.
“Oo nga pre! Muntik mo na kami malinlang!” Robert.
“I-post niyo na yan sa Youtube!” Ako.
“Mga ulol! Wag niyong ipakalat yan!” Daniel.
“Ayaw mo bang lumaganap yung kagandahan mo?” Sabi naman ni Peter.
“Oo nga! At tsaka napost na naman kaya wala kang magagawa!” Gelo na naman.
“Mga walangya talaga kayo!”
At ayun walng humpay na habulan ang ginawa namin. Oo, 2nd day na after nung outing pero hindi pa din namin tinitigilan ng pang-aasar si Daniel. Nung napagod na kami sa habulan, tumigil naman kami sa place na tina-tambayan namin. Nung nasa may tambayan kami, nakita namin na papalapit sila Monica at Angelie. Umupo lang sila Angelie kasama namin.
“Oh? Anong problem? Bakit ganyan hitsura mo? Nahihirapan ka ba?” Tanong ko kay Angelie nung makita yung mukhang hapong hapo niyang mukha.
“Nah. Ah, ano, John, pwede bang..”
“Ano?”
“Hindi na kasi ako maka-sunod sa lessons. Pwede bang magpaturo mamaya?” Sabi naman ni Angelie. Oo nga pala ilang araw siyang umabsent.
“Ako na lang, Ziel! Libre na lang!” Sabi naman ni Angelo.
“Siyempre libre eh sa hindi mo naman tuturuan ng maayos si Ziel! Baka ibagsak mo pa sa siya sa examinations!” Robert.
“Hoy! Wag kayong kokopya sakin sa exams ha! Mga wala kayong utang na loob!” Sabi naman ni Angelo.
“Joke lang naman Angelo eh!” Sabi naman ni Daniel. Ngumiti na lang ako sa kalokohan nila, sila Peter, Monica at Angelie naman tumatawa na lang sa kalokohan nung tatlo.
“Sige, Angelie. Punta na lang ako sainyo mamaya. Mag-start na lang tayo sa pag-copy mo ng notes. Tulungan na lang kita.” Baling ko kay Angelie.
“Okay! Thanks, Pot!” Sabi sakin ni Angelie bago isukbit ang kamay niya sa kamay ko. SInandalan lang din niya yung ulo niya sa balikat ko.
Nag-kwentuhan na lang kami nung lunch time after namin kumain. Nung nag-bell na pumunta na lang kami sa mga rooms namin. Pagdating namin ni Angelie ng room namin, wala pa kaming prof. Kaya nag-uusap usap pa yung ibang mga classmates namin. Si Angelie naman dumiretso sa upuan niya at nag-simula ng mag-copy ng ibang notes na namiss niya.
“Mamaya na yung try outs sa mga clubs diba?” Na-over heard ko yung pag-uusap ng isang group samin.
“Ah oo! Ano bang clubs sasalihan mo? Sana nga makapasok ako eh! Hanggang kalian ba yung try outs?”
“Hanggang next week daw. May sched na naka-post sa bulletin board sa lobby!”
“Pero diba wala ng try outs sa basketball tsaka volleyball?” Nauuna kasi yung try outs ng volleyball at basketball kasi maagang tine-train para ipan-laban. Sayang nga hindi nakapag-try out si Angelie, gusto pa man din niya sumali ng varsity ng volleyball.
“Good morning class.” Bati ng prof namin.
“Class, may kailangan akong puntahan. Turn your books on page 243. We’ll check those tomorrow. Please do behave, walang makakapag-sub sakin today. Goodbye class.” Lumabas na si Sir pero bago pa man siya makaalis talaga ng room may lumapit na yung coach ng volleyball varsity. Nag-usap sila ni Sir bago siya umalis.
BINABASA MO ANG
Bestfriend?!
Fiksi RemajaThis is a story featuring Ziel Angelie Santiago Gomez and John Steinfergd Fajardo Villanueva. These two are best of buddies since their elementary years. Ziel is a typical nerd girl, who have changed, with the help of her playboy bestfriend, since t...
