Shits.

22 1 0
                                    

ZIEL’S POV

Sinundo pa din ako ni John despite what happened last night. Kinakausap pa din niya ako pero hindi ko siya masyadong kinakausap. He’d been trying na kausapin ako pero hindi ko siya kinakausap ng maayos, laging one liner yung sagot ko. Halos kinakausap ko lang siya pag may tinatanong siya sakin.

“Kain na tayo.” There goes his jolly self again.

“May gagawin kami sa Arts Club ni Nickie. Ikaw na lang.” Wala naman talaga kaming gagawin ni Nickie eh. Ayoko lang muna siyang makasama ngayon.

“Samahan na lang kita.” Pagprepresenta niya na naka-ngiti pa din.

“Nope I’m good.”

“How about I’ll wait for you na lang? Hmm?” Tangina galit ako sakaniya pero ang gwapo gwapo niya pa din.

“Wag na. Kumain ka na nga!” Hindi ko na napigilan na masigawan siya.

“Angel—”

“John, kumain ka na lang. Pupunta na ko sa room ang Arts Club.” Tumango na lang siya at ngumiti sakin. Nilagpasan ko na siya. Hindi ko alam kung bakit ganito yung feeling ko, sa 7 months na tinagal namin ngayon lang ako nainis sakanya ng ganito katindi. Madalas kasi okay na kami agad kinabukasan or minsan naman hindi pa dumadaan ang isang araw okay na kami. Pero ngayon inis na inis ako sakanya.

Pumunta talaga ako sa room ng Arts Club kasi halos lagi namang may tao dun. At sakto nandun nga talaga si Nickie. Kumuha ako ng brush, sinimulan kong mag-paint sa wall. Every year kasi iniiba ang pintura ng room ng Arts Club, well depende sa president ng org kung gusto nilang pinturahan ng white yung room. Para kasing yung room na yun ang pinaglalabasan ng mga gusto ng mga kasama sa org na ‘yun, yung room nila ay isang malaking canvass kasama na din ang floor.

Hindi naman ako masyadong mahilig mag-paint eh, mag-design at mag-take ng pictures pwede pa. Hindi ako pro dito pero medyo may alam din naman ako.

“Serious?” Tanong ni Nickie pero hindi ko pa din siya tinitignan. Nag-paint lang ako ng nag-paint. Alam kong ako yung kausap niya kasi kaming dalawa lang naman ang nasa room na ‘yun.

“By the way, Bea is suspended for a week. Nakuha sa CCTV ‘yung nangyari sa CR which proves their disgust with Monica kahit na wala naman siyang ginagawa. Napanood din yung ibang videos nila na nandun ‘yung tine-threaten nila si Monica.”

“Really? Mabuti naman ng mabawasan ang salot sa school. How come they were not expelled?” Pagtatanong ko ng may pagtataka.

“Your dear friend told the principal not to expel them. She’s way too good. And also, siya na daw ang bagong president. It will be announced later.” Napa-ngiti naman ako sa sinabi ni Nickie. Si Monica, na matinding kalaban ni Beangot, siya na ang president! Ang kaibigan ko na inaapi mataas na ngayon.

“Dapat lang naman na tanggalin sa pagka-president ‘yang si Bea. Pano titino ‘yung subordinates niya kung siya mismo hindi maganda yung pinapakita? How could she make our campus a better place kung siya palang hindi na maayos? May sayad ata ‘yun eh.” Sagot ko naman.

“At least napagbayaran na nila ‘yung ginawa nila. Sana lang hindi na sila umulit.” –Nickie

“They won’t dare.” –Ako

“You really value your friends, don’t you?” Napangiti naman ako sa sinabi ni Nickie. Oo naman, mahal na mahal ko ‘yung friends ko eh. Ako lang ang pwede mang-bully sakanila! Pag kami okay lang pero pag iba na ang nangbubully sa isa’t isa, ibang usapan na ‘yun!

(Kruuuuu) Ay poohta. Napa-hagalpak ako ng tawa nung marinig ko ‘yun HAHAHAHAHAHA.

“Tangina Nickie! Hindi ka pa pala kumakain! Nagwawala na ‘yung mga alaga mo sa tiyan! HAHAHAHAHAHAHAHA!” Tae hindi ko mapigilan ‘yung pagtawa. Hahahahahahaha!

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon