ZIEL’S POINT OF VIEW
“Ma’am, may details pa po ba kayong gustong idagdag para sa party niyo? Ano pong gusto niyong motif?” Sabi nung kausap ko sa phone. Ang aga aga naman nito tumawag.
“I told you kayo na bahala. Sorry. I’m a bit busy to worry about the details. Kayo ng bahala.” After that I ended the call.
“Ma’am, pwede naman daw kayong mag-absent.” Sabat naman nung katiwala namin. Maybe she overheard the conversation.
“Ate, not now. Ayokong asikasuhin yung details. Please.” Sagot ko naman.
I took my bath tapos tsaka ako bumaba para kumain. Habang kumakain, tinawagan ko si John but he is not picking up the phone. I am still feeling great about his sweetness last night, ewan ko ba. Ganon naman talaga kami at times, but last night was different. Siguro kasi alam kong may pinagdadaanan din siya. I waited until 6: 45 am, cause he usually picks me up at 6: 15 am. Baka hindi na ko susunduin, or baka late.
“Manong, tara na po. Daan muna tayo kila John.” Sabi ko sa driver namin. Inistart naman nito agad yung kotse. Pagdating kila John, hindi na ko nag-doorbell. Papasok na sana ako ng bahay nila pero lumabas yung younger brother ni John.
“Good Morning, Ate Angelie! Wala dito ngayon si Kuya eh. May aasikasuhin daw siyang importante.” He explained na parang alam na niya kung bakit ako nandito.
“He’s not going to school?” Tanong ko naman dito.
“Hindi daw po eh. Sigi, ate. Una na ko ah.” Sabi sakin ni Jerry.
“Take care! Thank you!” Sabi ko naman sakanya before ako sumakay sa sa sasakyan at pumunta sa school. Pagdating ko dun medyo madami na yung mga tao. Maaga kasi palagi kaming dumadating ni John dito eh.
“Sabi nila hindi daw papasok sila Angelo.” Narinig kong sabi ng classmates nila Daniel.
“WHAT?! As in lahat sila? Wala sila Babe?” Sagot naman nung isa pa. Nako, mga patay na patay talaga. Pero bakit nga ba wala sila Dan? Pati si John wala eh. San kaya pumunta yung mga yun? Tsk. Hindi ako sanay na hindi sinasabi ni John, pero hinayaan ko na lang. Shet wala akong makakasama sa lunch at break time. Pumunta ako sa room nila Peter, sana naman siya pumasok diba?
“Hi Ziel!” Sabi nung isang girl na naka-salubong ko.
“Hey.” Bati ko naman sakanya tapos ngumiti.
“Oy. Nandito pala yung pinaka-maganda sa campus eh. Hi Ziel.” Bati naman nung lalaking galing sa room nila Peter. Pano nga ba siya nakasama sa section A? Mukha siyang ewan eh.
“Si Peter?” Tanong ko sakanya, ignoring what he said.
“Si Peter? Wala siya eh. Absent siguro, hindi naman kasi nalelate yun. Gusto mo kami na lang? Pwede ka naman naming samahan eh.” I just smiled tapos umalis na ko sakanila. Nag-simula na kong mag-dial sa phone ko.
Calling John…
Hindi naman niya sinasagot yung tawag. Ano ba naman. Nasan na ba kasi sila? May chance ba na magkakasama sila? Nako ano naman kaya yung agkaka-abalahan nila na hindi nila sinasabi sakin? Tinawagan ko na lang si Kuya James. Ibababa ko na sana yung tawag tapos biglang sinagot ni Kuya James.
“Kuya James! Buti pinick up mo yung call!”
“Sorry, Angelie. Kakatapos lang kasi nung meeting ko.”
“It’s okay, kuya. Uh—may itatanong lang po ako.”
“What is it?” Sabi niya naman sakin casually. Woa gwapo din itong kuya ni John. Iniisip ko yung hitsura niya na naka-business attire.
“Ah kasi si John. Wala siya sa school, pati yung friends namin wala dito eh. Magkakasama kaya sila? Dinaanan ko din siya sainyo kanina pero sabi ni Jerry wala daw siya. May nabanggit po ba siya sayo?”
“Ah - - w-wala Angelie eh. Sorry. S-sabihin ko na lang sayo kapag nag-text siya ha. Sorry. I have to go, may ginagawa pa kasi ako eh.” He dropped the call after niya sabihin yun. Eh? Bakit kaya ganon si Kuya James? Parang natataranta siya.Parang wala din naman siya sa office, hayaan na nga. Mukhang mag-isa lang talaga ako ngayon. Sana naman walang lakad sila Daniel, Peter, Angelo at Robert bukas. Kung may lakad pa sila, baka loner na ko bukas. Mabilis na lumipas yung mga oras, may mga nakasama naman ako. May mga babae, meron din namang mga lalaki. Binigyan ko na din ng invitation yung mga nakasama ko kanina. Malamang makikita ko din sila kasi yung iba anak ng mga business men at women. Hindi na ko nag-text kay John. Lumabas na ko ng campus.
“Ziel!” Pamilyar yung boses niya pero hindi ko na masyadong maalala. Nilingon ko siya.
“Ziel! Uy! Long time no see!” Hindi pa din ako nag-salita. Nakikilala ko na siya pero nakalimutan ko na pangalan niya.
“Ano ka ba! 2 weeks pa lang tayong hindi nagkikita eh! Xavier, remember?”
“Ah, oo! Sorry. Lutang kasi ako ngayon. Oh, what brought you here?”
“Grabe ka naman. Ayaw mo ba ako dito?” Hindi ako nakapag-salita sa sinabi niya. Tumawa siya bigla.
“Ano ka ba. Binibiro lang kita eh. Masyado ka namang seryoso!” Sabi niya sakin tapos inakbayan ako.
“So bakit ka nga nandito? Are you waiting for Ara?”
“Yup! May pupuntahan kami. Mamimili siya ng dress para sa party bukas eh.” Party bukas? Hmm. Party ko? Or ibang party? Sana naman maka-punta siya sa party ko. Dumating na si Manong. He stopped sa harapan ko, uuwi na kami. Ita-try kong puntahan ulit si John sa bahay nila. Pero bago ako umalis, kumuha ulit ako ng invitation sa bag ko.
“Ay Xavier! Ito nga pala, itry mo namang pumunta sa ha. Birthday ko bukas! Bye!” I told him before boarding the car.

BINABASA MO ANG
Bestfriend?!
Ficção AdolescenteThis is a story featuring Ziel Angelie Santiago Gomez and John Steinfergd Fajardo Villanueva. These two are best of buddies since their elementary years. Ziel is a typical nerd girl, who have changed, with the help of her playboy bestfriend, since t...