JOHN’S POV
2nd week pa lang ng classes at tinatamad na agad ako. Late na naman akong nakarating sa school. Pagkapasok ko ng school, ang daming bumabati sakin, eh? Hindi ba late na ko? Wala ba silang klase? Pero hindi ko pa nakikita si Angelie. Pagkapasok ko sa room, dun ko sya nakita na nakadukmo sa desk niya.
“Angelie!” Hindi nya ko pinansin. May earphones ba ‘to?
“ANGELIE!” Pangalawang tawag ko. Ano bang meron dito? Galit ba sya sakin? Bakit hindi nya ko pinapansin? Lumapit na ko sakanya tapos tumapat sa tenga nya, ewan ko na lang talaga kung hindi pa ko mapansin nito.
“POY!!” Success! Lumingon na din. O-oh mukhang na-badtrip! Kaya lumayo na ko para tumakbo habang sya habol naman ng habol. At dahil busy ako sa kakatawa sakanya, hindi ko napansin na may poste na pala akong mababangga. TUMAMA AKO SA POSTE at dahil dun naabutan ako nung mabagal na si Angelie. -_-
“SUPOT! Ano bang problema mo? Why do you have to yell at me? Palagi ka na lang bang ganyan? Walangya naman oh. I’m not deaf!” Sabi nya sakin habang hinahampas ako.
“Wow wow! You’re not deaf?! REALLY? Then why on earth haven’t you heard me nung tinawag kita? 3rd time pa lang nung sumagot ka. Day dreaming about me?”
“You wish! I was just thinking about something AMAZING, not about something HORRIBLE. K? Feeler!” She snapped at me. Ang taray talaga ng babaeng ‘to. Hinila ko yung buhok nya.
“ARE YOU GAY VILLANUEVA? You don’t have to pull my hair! Pwede mo namang sabihin kung gusto mong nasa tabi mo lang ako palagi eh.” Oh here she goes again and that btchy attitude of hers. Nag-sasabayan na lang kami kapag ganito eh.
“Really? So you’re gonna stay by my side? From now on?” I used my sleepy-sexy voice nung sinabi ko yun.
“Dream on John Steinfergd!”
“So talo ka na? Or are you starting to fall on my sleepy-sexy-voice-seducing-trap?” Iniwas nya yung mukha nya sakin and umirap sya.
“KUYA KUYA! May itak po ba kayo dyan? Tatapyasan ko lang mukha nito, masyadong makapal eh!” Nabawian nya ko dun ha! Sinigaw ba naman yun sa isang lalaki.
“Kuya pag-pasensyahan nyo na lang po ‘tong girlfriend ko ha. Nagtatampo po kasi sya sakin eh.” Woo! I got her there. Tinawanan na lang kami ni kuya pagkasabi ko nun at napa-iling iling na lang.
“Whaaaaat?! Kung ano ano sinasabi mo dyan baka mamaya maniwala sila!” Tapos nag-walk out na sya pero sinundan ko sya tapos inakbayan.
“Bad joke Villanueva.” Oops serious yung mood nya? Is this true?
“Hey sorry na. Joke lang naman eh.” After I said that, bigla syang tumawa. Phew! Kinabahan ako dun ha. Baliw talaga ‘tong babaeng ‘to.
Ang ingay ingay namin, tawa kasi kami ng tawa. Hanggang pagpunta ng room. Buti wala yung teacher namin. Nag-iwan lang ng work tapos umalis na. May pupuntahan daw na urgent meeting. Sabay na naman kaming kumain ni Angelie nung recess at lunch, sila Daniel kasi naghahanap ata ng mga chic. Nung pagkabili kami ng pagkain, dun kami sa garden dumiretso, dito kami kumakain ni Angelie. Mas gusto nya dito kasi mas konti yung mga tao.
“Babes! Dito ka din pala nag-aaral?” May babaeng sumigaw nun tapos palapit samin. Ako ba kausap nito? Familiar sya eh.
“Eh?” Blank lang yung expression ko. Tapos naalala ko na! Sya yung babae sa club na SOBRANG kulit. Sya na naman? Stalker ko ba ‘to? Bakit sya nandito? I looked at Angelie na mukhang gets na agad yung ibig kong sabihin.
“Excuse me miss? Sino ka nga ulit?” Sabat naman ni Angelie na tumayo na sa pagkakaupo para lumapit sa girl.
“Hindi ba nya ko nakekwento sayo? Babes ba’t hindi mo sabihin sakanya kung ano tayo?” Sabi naman nung babaeng makulit.

BINABASA MO ANG
Bestfriend?!
Teen FictionThis is a story featuring Ziel Angelie Santiago Gomez and John Steinfergd Fajardo Villanueva. These two are best of buddies since their elementary years. Ziel is a typical nerd girl, who have changed, with the help of her playboy bestfriend, since t...