ZIEL’S POV
“RISE AND SHINE PEOPLE!” Sigaw ko pagka-gising ko nung Monday. Nasa resort pa din kami and uuwi na kami ngayon. Pumunta ako sa room nung mga kasama ko tsaka ako nam-bulabog nang mga tulog. Meron dung nagtatalon ako sa kama, kumatok ng malakas, at ang pinaka worst eh nag basag ako ng plato. Halata yung pagka-irita sa mga mukha nila. Pagkatapos ko silang guluhin, tatakbo naman ako sa kabilang room para manggulo. Baka mamaya magantihan pa nila ako eh. Last kong pinuntahan yung room ni John. Pero nung pagkabukas ko nung room niya, gising na siya. Malamang nagising siya dahil sa ingay ko kanina. Pagkabukas ko nang room niya, pilit ba namang sinasara. At dahil mas malakas siya, nanalo siya. Nasara niya yung room niya. Umupo na lang ako nang naka-sandal sa pintuan nang kwarto niya, hindi ako susuko noh! Syempre hindi kumpleto trip ko! Pero nung tatayo na ko, biglang bumukas yung pinto! Since naka-sandal ako, nahulog tuloy ako. Buti na lang nandun siya! Tinayo niya lang ako tapos tinawanan.
“So who got a dose of her own medicine?” Sabi niya sakin after niya akong itayo. Tumawa lang kami nang tumawa.
Inangat ko yung braso niya tapos inamoy yung kili kili niya. “BAHO MO NA! MALIGO KA NA NGA!” Pang-aasar ko sakanya. Pero hindi naman talaga mabaho, inasar ko lang talaga!
“Kahit dyan ka pa tumira noh! Ikaw ata mabaho! Maligo ka na nga din! Alis! Gusto mo lang akong silipan eh! Baka matangal virginity ng katawan ko.” Sabi niya naman sakin.
“Ang kapal mo naman! Wala namang masisilip sayo! Virginty virginity. Nakita ko na yang katawan mo wala ngang ka abs abs eh.” Tumalikod na ko after nun, narinig ko lang na nag-smirk siya. Meron naman talagang siyang abs 6 packs nga eh.
After namin maligo, kumain na kami ng breakfast. Then we headed home. Pagod na din naman lahat. Nagsa-soundtrip na lang ako sa sasakyan hanggang san naka-tulog na din pala ako sa balikat ni John. Nung na alimpungatan ako, naka-sandal naman siya sa may sandalan nang upuan. Dahil van nila John ang ginamit namin pauwi, kami yung huling hinatid.
“Kuya, dumiretso ka na sa bahay. Kila Angelie na lang muna ako.” Sabi ni John kay manong. Tumango naman si Kuya.
“Sir, text nyio lang po ako pag mag papahatid na kayo.” Sabi ni Kuya kay John.
Pag ka stop ng kotse alam ko ng nasa tapat na kami ng bahay namin so bumaba na kami at pumasok na kami nang bahay. Umupo lang kami sa sala, nagluluto pa lang sila Manang nang lunch namin. Binuksan naman ni John yung laptop ko tapos inopen yung account ko sa Skype. Yes, alam niya password ko, okay lang sakin dahil alam ko rin naman yung mga password niya sa mga account na meron siya. Tinignan niya kung sino yung mga online. Pinanood ko lang siya kasi medyo inaantok pa ko. Maya maya pa nakita kong binuksan niya yung Facebook ko at nag-message.
To: Alisson Gomez; Zanjo Gomez
I need to tell you something. Skype asap.
WHAAAAAT? Nag-send siya nang message kila Mom and Dad. Ano naman kaya yung sasabihin niya? And what the hell? Bakit sa account ko pa? Meron naman siyang account ah!
“What’s with that, John? Anong sasabihin mo kila Dad? Tsaka ba’t sa account ko pa eh meron ka na mang account.” I asked him.
“Ikaw ang may sasabihin sakanila.”
“John, okay lang naman ako eh. I got that. Concerned ka diba? Pero hindi naman ako mamamatay dito. May sobra naman sa napapadala nila Mommy kaya may pambili naman ako nang gamot. Grabe, John. I’m fine, really.” I told him nung nagets ko na kung ano yung pinapasabi niya sakin. Kahapon lang ako nagpa-check up, and hello? Totoo naman diba? There’s nothing to worry about kasi hindi naman talaga ganon kadelikado yung asthma. Kaya ko din naman sarili ko, alam ko limitations ko since nalaman kong may asthma nga ako.
“I know, Angelie. Pero syempre kailangan pa din malaman nila Tito and Tita. Huwag ka na lang makulit. Wala namang masama kung sasabihin mo diba?”
“Okay fine.” I gave up, dapat daw kasi hindi kami naglilihim sa parents namin.
Maya maya pa, online na si Dad. Nakikita ko sila ni Mommy. Wooh! Feeling ko kasama ko na din sila! Pero bakit parang iba yung place nila? Naglipat ba sila? Nevermind.
“Hi, Baby.” Sabi ni Daddy. He looks tired but still he managed to smile.
“Hi, Dad. Hi, Mom. I miss you.”
“We miss you too. Sorry hindi ako nakauwi dyan ha?” Sabi ni Daddy.
“It’s okay, Dad.” I smiled. Nanonood lang samin si John, letting us cherish the moment I suppose? Pero nakikita siya nila Dad and Mom sa camera.
“What is it na sasabihin mo, Baby? Is everything okay?” Sabi ni Daddy. Si Mommy naman nanonood lang din samin.
“Yes, Dad. Hmm. We had an outing kasi. And... Uh, may nangyari. Hmm, nagpa-check up ako yesterday.” Mom and Dad looked worried.
“Sabi nang doctor may asthma ako. But everything’s fine. PROMISE. It’s just that, that day, I went to the club all by myself and grabe lang yung usok. But I’m great. See?” Tinaas ko yung braso and made the macho-pose. I don’t want them worry.
“I don’t want you to worry or be distracted sa work niyo. I’m fine, I just wanted you to know but I’m totally okay. Everything’s going well. I promise to tell you everything. Just don’t worry that much.” Sabi ko sakanila. Mukha namang na-relieve sila sa sinabi ko. Phew!
“Okay, Baby. Just tell us kung may problems huh? So may prescribed medicines ba na binigay?” Tanong ni Mommy.
“May sinabi lang na gamot kapag sinumpong. Ingat kayo dyan, Mommy. I love you both!”
“Hayaan niyo, Tito and Tita. Ako pong bahala dito!” Singit naman ni John. Nag-smile sila Daddy at Mommy nung sinabi ni John yun. They really are fond of him.
Nag-kwentuhan pa kami nang konti after nu’n pero hindi na din naman nag-tagal kasi busy na din sila Mommy and Daddy. Pagkatapos namin makipag-usap kila Dad, kumain na kami nang lunch ni John. Favorite namin yung ulam! Caldereta!
“Ahmm… Angelie una na ako ah may gagawin pa kasi ako sa bahay.”
“Okay just text me pag nakauwi ka na ha.”
Mga pass 3 umuwi na rin siya sakanila. May gagawin pa daw kasi siya sa bahay nila that made him so much busy that he even forgot to text me. So sobrang curious ko pinuntahan ko siya sa bahay nila.
“Nasan po si John?”
“Nasa room niya iha. Puntahan mo na siya dun.” Dahil sa sinabi ni Manang pumunta na ako sa room niya.
Lumakad na ako papunta sa 2nd floor nila. Dahil alam ko naman kung nasan room niya eh pinuntahan ko nay un. For his privacy syempre I knocked first, naka tatlong katok na ako pero wala pa ring response so I immediately opened the door di naman lock eh.
“Hey John nasan ka?” Ang laki naman kasi ng room ng taong to. Hirap tuloy hanapin. Nakita ko na siya at nandun siya sa terrace nakasalampak sa sahig at gumagawa ng kung ano. Nakakalat dun yung mga colored papers, glue, scissors, pangkulay, at kung ano ano pa. Parang pang project. Di niya naman napansin yung presensiya ko kaya lumapit na ako sakanya.
“Ano yan John?” Bigla naman siyang tumayo at tinago agad yung ginagawa niya sa likod niya.
“Ba’t ka nandito Angelie?”
“Muka ka kasing busy at nakalimutan mo na akong itext kaya I got curious so pinuntahan kita dito.” Sabi ko sakanya habang pilit na sinisilip yung nakatago sa likod niya.
“Okay, so now that you know what I’m doing can you just go home now?” Sabi niya while staring at me using his cold stare.
“Hey what’s your problem? Okay I’ll go. See yah in tomorrow at school.” Di ko na siya hinintay sumagot kasi umalis na rin naman ako sa room niya. Pag ka alis ko sa room niya ng paalam na rin ako sa mga katulong nila at dumeretso na akong umuwi.

BINABASA MO ANG
Bestfriend?!
Genç KurguThis is a story featuring Ziel Angelie Santiago Gomez and John Steinfergd Fajardo Villanueva. These two are best of buddies since their elementary years. Ziel is a typical nerd girl, who have changed, with the help of her playboy bestfriend, since t...