Dissapointment

131 6 0
                                        

ZIEL’S POV

After nang pag-uusap naming yun ni John na halos hindi ko maintindihan yung huli niyang sinabi, bumalik na kami sa klase. Mabilis na natapos yung buong araw. Nakinig na ko sa prof namin at hindi na natulog. I got energy beybe! Maliban sa nakatulog na ko ay meron pa kong strawberry shake. Oye! How lucky can I be? Pagkatapos ng klase kumain muna kami nila Dan, Gelo, Robert, Peter at John sa Gerry’s Grill. Gutom na gutom na kasi kami eh.

“Ang tahimik niyo naman!” Silence breaker si Gelo!

“Sus, Pre. You are just bored kasi ilang araw ka ng hindi nakakapang-biktima ng mga chic.” Sagot naman ni Dan.

“Kasi naman, Dude. Kailangan ko talagang mag-seryoso this week. Ang dami daming school works na binibigay ng mga prof natin, parang walang leisure time.” Nag-sang ayunan naman silang lahat. Totoo naman kasi, kahit kami tambak ng mga gawain. Malapit na din kami mag-exams. At mas mahirap kasi ang dami din na binibigay na trabaho ng school sa mga Senior High.

“After talaga nito magpaparty tayo!” Sabi naman ni Peter. Bihira lang mag-suggest ng ganito si Peter kaya nagulat medyo ang reaction ng mga kasama ko.

“Dapat lang! Gustong gusto ko ng makakita ng mga babae!” Sabi ni Gelo, grabe siya talaga ang pinaka-babaero sa grupo.

“Ano ka ba. Ayan oh si Ziel babae. Anong akala mo dyan?” Sabi naman ni Robert tapos nag-tawanan naman kami. Si John naman kanina pa tahimik. Ano kayang meron dito?

“Guys tigilan niyo na. Diba nga kahit sino wag lang si Angelie? Baka mabugbog tayo mamaya ni Steinfergd.” Nag-tawanan na naman sila na ginagaya pa ng iba yung boses ni John. Sinabi niya ba yun? Ang cute naman. :”> Ang protective niya talaga. And hindi ko alam, kasi kahit protective siya, hindi ako nasasakal. Natutuwa pa nga ako eh. Nakitawa na lang ako sakanila. Tapos nakita ko na ngumiti na din siya. Later on, dumating na din yung inorder namin at kinain na namin iyon. Pagtapos nun, nag-paalam na kami sa isa’t isa at umuwi na din. As usual, hinatid ako ni John. Nung nasa sasakyan na kami ang tahimik pa din niya.

“Oh.” Sabi ko tapos may inabot ako sakanya. Tinignan niya lang yun. Hay! Hindi man lang ba niya tatanungin?

“Hindi ka ba magsasalita? Oh ayan. Strawberry shake yan! Para magkaron ka ng energy! Kanina ka pa kasi ganyan eh! May nangyari ba sayo?” Sabi ko sakanya. Nginitian niya lang ako.

“Tangina naman John Steinfergd! ANO BA? Mukha na akong tanga dito eh.” Sigaw ko sakanya. Hindi ko na talaga kaya eh.

“Sorry.” Hinawakan niya lang yung kamay ko tapos kiniss ako sa noo. Fok? What’s with him? His actions creeps me out! Sanay naman ako na kinikiss niya ako sa noo or sa chix or sa kamay. But what the hell? Sumigaw na ko’t lahat hindi pa din niya ako kinakausap. He just drove me home na hawak pa din niya kamay ko. I just let him. Ngayon ko lang siya nakitang ganito eh. Ilang beses din siyang bumung hininga, napapa-tingin na lang ako sakanya kapag ganon siya. May times na pinipisil ko kamay niya, way of telling ng It’s okay kahit na hindi ko alam pinagdadaanan niya. Pagkababa ko ng sasakyan niya, bumaba din siya. Hinawakan ko naman ulit kamay niya. I hate seeing him like this. And mas nakakainis na wala man lang akong magawa to help him.

“Hey if you need help, nandito lang ako ha.”

“Pano mo ko matutulungan eh magkadikit pa lang kamay natin nahihirapan na ko.” Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ayaw iprocess ng utak ko.

“Hey.” Sabi ko tapos hinawakan ko yung mukha niya para humarap sakin. Ano ba naman yung ambiance nito.

“Hey hey. May nagawa ba ko? Not feeling well? Ano? John, it pains me to see you like that. Kung may magagawa ako please tell me.” Sabi ko.

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon