2nd day.

94 4 0
                                    

JOHN’S POV

2nd day ni Angelie sa hospital. Medyo okay naman siya, hindi nga lang pwede na iwanan siya mag-isa. Nanonood siya ng TV ngayon. Kailan ba niya balak sabihin sa parents niya ‘to? Alam ko ayaw niyang mag-alala sila pero kailangan nila malaman.

“Oh? Bakit mo ko tinitignan?” Nakatitig pala ako sakanya. I sighed. Hindi pa din nawawala yung mga pasa niya.

“John, alam mo naman diba?” Tss, alam na niya iniisip ko.

“Angelie naman. Kailangan mo sabihin.”

“Pot, I just don’t want them to worry. Baka umuwi pa sila eh, alam mo naman sila Mommy diba? I’ll tell them. Wag lang ngayon.” Bumuntong-hininga lang ako sa sinabi niya. Naka-ilang beses na ba ako nag-sigh?

“Angelie, you should tell them. Baka mas lalo pa silang mag-worry. Hindi naman biro yung nangyari sayo. They ought to know.”

“Fine.” She said in resignation. Pinag-patuloy na lang niya yung panonood niya ng TV. Silence. Hinayaan ko na lang muna na tahimik siya, hindi ako sanay na ganito siya. Pero tini-tignan tignan ko pa din siya.

“I-online mo na yung Skype ko.” Biglang sabi ni Angelie. Nagulat naman ako.

“What? Alam mo naman yung password eh, at tsaka may laptop ka namang dala diba?” Ang taray talaga ng babaeng ‘to. Kinuha ko na lang yung laptop tapos sinunod yung sinabi niya.

“Ano? Online ba sila?” She asked me nung naonline ko na yung account niya.

“Yea. Do you wanna talk to them now?” She just nodded, lumakad na ko palapit sakanya, ibibigay ko na dapat yung laptop pero she sighed. Hindi ko muna inabot sakanya, tinignan ko muna siya.

“Could you talk to them muna? Ayokong ma-shock sila pag nakita agad na ganito yung mukha ko eh.” Uupo na dapat ako sa sofa sa room niya.

“Dito ka na lang.” Tapos nag-motion siya na dun ako umupo malapit sa kama niya. Hinawakan ko yung kamay niya to convey a message na “It’s gonna be fine.” She just smiled. Maya maya pa nag-video chat na kami nila Tita Alison, nasa likod naman niya si Tito Zanjo. They look gloomy.

“Hi, dear.” Bati ni Tita Alisson.

“Tita. Tito. Kumusta po?” Tanong ko, tina-try ko lang na pagaanin yung situation. Kasi naman! Hindi ko alam kung pano ko ibe-break sakanila na may nangyari kay Angelie.

“We’re good. We just closed a deal! Kayo? Where’s Angel pala, John? And nasan kayo? White na white yung background mo eh.” Tanong sakin ni Tita Alisson. Hindi naman ako nakapag-salita agad. Napaka-ganda ng mood nila, hindi ko alam kung pano ko sasabihin. Si Tita lang kaharap ko ngayon, nagtitimpla ata si Tito ng kape. 

“Ah, eh.”  Yun lang talaga nasabi ko.

“Is there something wrong?” Now she looks worried.

“Tita, si Angelie kasi. May nangyari po.”

“What happened?” Ngayon kasama na ni Tita Alisson si Tito Zanjo. They both look worried. Panong hindi eh anak nila yun! Tss. Hinawakan naman ako ni Angelie, she mouthed the words Let me kaya binigay ko na sakanya yung laptop. Tinabihan ko lang siya.

ZIEL’S POV

Nasa harap ko na yung laptop. Mom and Dad both looked shocked nung nakita nila ko. Kasi naman may mga pasa sa mukha ko. Though hindi naman ganon kagrabe.

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon