JOHN’S POV
Pagka-gising ko nakita kong may message sakin si Angelie.
From: Poy :)
I fell asleep last night, I was so tired. Sorry I wasn’t able to reply. Good morning John! I love you :*
Napa-ngiti naman ako sa text niya. Instead na mag-reply ako sa text niya, agad akong nag-toothbrush, naligo bago pumunta sakanila. Nag-bike na lang ako papunta sakanila kasi medyo malapit nga lang naman ang bahay namin sa isa’t isa. Hindi ko na inabala si Kuya Ed kasi masyado pang maaga at ayoko namang isorbohin siya.
Wala ng katok katok pagdating ko sa bahay nila, binuksan ko agad yung pintuan. Nagulat naman yung isa sa mga kasambahay nila nang makita ako. Siguro inisip nila na masyado akong maaga.
“Steinfergd! Ang aga mo naman!” Nginitian ko naman siya.
“Si Angelie po?”
“Ah, nandun pa sa taas iyong si Ziel, hindi pa bumababa. Baka tulog pa yun.” Hindi na tulog yun, tinext na ako eh.
“Sige puntahan ko na lang po.” Tumango naman sakin yung kasambahay nila Angelie.
Dumiretso na ako sa taas. Papasok na sana ako ng kwarto niya nang bumukas yung pintuan niya. Mukha naman siyang nagulat ng makita ako, ako naman ngiting ngiti na tinignan siya.
“J-John.”
“Angel.” Tawag ko sakanya na nagpawala ng ngiti niya.
“What are you doing here this early? May lakad ba tayo? Hindi ka naman nag-reply ah.”
“You were waiting for my reply?” Pagtatanong ko habang naka-ngiti. Alam kong napaka-liit na bagay lang nun pero tuwang tuwa na ko.
“Obviously yes?”
“And what? Mas gusto mo bang magkatext na lang tayo kaysa magkita tayo?”
“Hindi ah! I was just wondering kung bakit ang aga aga mong nandito.” Lumapit naman ako sakanya at kiniss siya sa noo. Good morning kiss yun!
“Kailangan ko lang nung pampabuo ng araw ko. Don’t you want me here?” Pagtatanong ko sakanya. Lambingin mo ko please.
“You know the answer to that, John.” Ano ba yan! Hindi ba halatang nagpapalambing ako, Angel? Naman eh. Parang siya pa yung lalaki minsan dahil sa hindi niya pagiging vocal eh.
“I’m afraid I don’t know the answer.” Napa-tingin naman siya sakin, parang hindi siya maka-paniwala sa sinabi ko. Naa-amuse ako sa pinapakita niyang reaction.
“Sasabihin mo lang naman, Angel. Okay lang naman kung ayaw mo ako dito. Well it’s not pe—”
“John! I can’t believe you. I like you here okay?” She sounded frustrated dahil hindi nga siya vocal, kaya tuwang tuwa ako to get her tell me na gusto niya akong nandito. Kahit naman kasi sobrang close namin, yung tipong hindi na talaga kami napapag-hiwalay, siyempre iba pa din pag may iba na sa nararamdaman niyo sa isa’t isa. Mas nagiging shy kasi, kahit alam namin na alam na namin lahat, parang mas nagiging mindful pa din. And when I looked at her, she is smiling.
“Kain ka na.” Ipinaghain ko na din siya ng kakain niya, hindi pwedeng mag-oatmeal lang siya. Nung hindi pa kasi kami madalas oatmeal lang yung kinakain niya. Minsan naman hindi siya kumakain, hindi namna pwede sakin yun baka magka-sakit pa siya.
“How about you? Kumain ka na ba?”
“Pagsisilbihan mo din ba ako?” Nakita ko namang napa-nganga siya ng konti ng dahil sa tanong ko. Bakit ba siya ganyan? Para namang hindi siya nasanay sakin.

BINABASA MO ANG
Bestfriend?!
TienerfictieThis is a story featuring Ziel Angelie Santiago Gomez and John Steinfergd Fajardo Villanueva. These two are best of buddies since their elementary years. Ziel is a typical nerd girl, who have changed, with the help of her playboy bestfriend, since t...