Bonding

152 8 1
                                    

ZIEL’S POV

Anong oras na ba? Excited na ako makabonding si mommy. Pag tingin ko sa wall clock ng room ko it’s already 10:07 am, inaantok pa ko pero kailangan ko ng mag-prepare. Today is bonding day! So I went to the bathroom and nag-prepare na din. After one and a half hour, pumunta ako sa room ni mommy pero wala na sya dun. Bumaba na ko and nandun si mommy, kumakain. Mukhang may kausap din.

“Oh gising ka na pala. Good morning, sweety.” My mom greeted me nung napansin nya akong bumaba.

“Good morning!” I flashed a smile.

After that, nag-bye na sya sa kausap nya. We headed to the dining room para kumain.

“Plans?” Tanong sakin ni mommy.

“Doesn’t have any! Kahit san na lang, mom. By the way, panu pala yung susuotin mo bukas? May accessories ka na po ba?”

“Meron na baby. Naayos ko na lahat! So today is pure bonding time! By the way, I have a ticket for a theatrical play. Do you feel like coming with me?” Matagal tagal na din nung last na naka-punta ako sa play with mom ha!

“Yea, absolutely!”

Pumunta kami sa Resort’s World kung san gaganapin yung play. 12: 00 noon na nung nakarating kami, 2: 45 pm pa magistart yung play. So nag-shopping na lang muna kami ni mommy. Buti na lang hindi naglalaro sa casino si mommy. May pinuntahan si mommy, so naglibot na lang din muna ako. Naglalakad ako, namimili ng pwedeng bilhin nung may naka-bunggo sakin na babae na may dala pang drinks.

“OMG, Miss! Sorry. Paharang harang ka kasi eh.” Sabi nung babae. Naga-apologize ba talaga sya?

“Ako pa ba yung pa-harang harang? Hindi mo ba ko nakita?” I was pissed, sya na nga yung naka-bangga, sya pa galit. The hell?

“Sorry, Miss. I’m with her. She could be a bit clumsy at times. Sorry.” A guy approached her tapos kinuha yung girl na naka-tapon sakin.

Bumili na lang ako ng bagong set ng damit na nagustuhan ko and then dumiretso na ko sa pag-gaganapan nung play. I bought food para samin ni mom sabi nya kasi sakin dito na lang daw kami magkita, so I went dun sa upuan namin. 15 minutes bago mag-start yung play nung dumating si mommy.

“Why have you changed your clothes?” My mom asked, noticing yung suot na damit ko.

“Long story, Mom. Where have you been?” Pagkatanong ko nun sakanya, inangat nya yung MGA paperbag na dala nya, na may laman nung mga pinamili nya. Shopping kung shopping!

Nag-start na yung play. Nakaka-amaze kung pa’nu nila nilalagyan ng gano’ng emotion yung ginagawa nila. May pinag-dadaanan kaya sila na similar sa pinag-dadaanan nung character? Never ko naman kasing na-try yung acting. Wala talaga yun sa hilig ko. I’m more on drawing, playing volleyball, ganon. Kaya amazed na amazed ako sa mga artista eh, kasi naman if I was in there shoes, nako 1st scene pa lang tawa na ko ng tawa. Hindi ko kasi kaya yung mga ganyan ka-serious na scenes.

The show ended na amused na amused ako sakanilang lahat. Around 5: 00 pm na natapos yung play. Mom and I decided to eat after nung play. Pumunta kami sa restaurant na favorite namin nila Mommy.

“Wala ka bang manliligaw?” My mom opened the topic while we were waiting sa order namin.

“Mom!” Tinawanan lang nya ako.

“No, baby, seriously, wala ka bang manliligaw? Wala ka bang balak mag-seryoso?”

“Mom, you know what happened. Ayoko ng maulit yun, okay na ko sa fling fling lang. No strings attached, no commitments, NO PAIN.”  

“No pain, no gain, baby.” What is it she’s talking about?

“Eh si Steinfergd? May naging serious girlfriend na ba sya? Si Peter, how is he? Kumusta kayo?” Dumating na yung order namin by this time.

“Nako, my! Asa pa tayo dyan kay John! Isa pa yan! Puro flings, wala pang nililigawan yun eh! Mukhang ayaw din ng commitments. Well Peter is still Peter, matalino, matino. Palagi pa din naming kasama. Good boy pa din but yea natututo na syang maki-jive sa trips namin.”

“Good to hear na solid pa din yung group of friends mo. So who are those guys na kasama nyo sa airport?”

“Ah, sila ba? Nakilala ko sila dahil kay John. They’re like him, hindi nagse-seryoso. But ewan, kasi may mga naging girlfriends sila, si John kasi wala pang nililigawan eh. Ewan ko ba dun. Kung sino sino na nga nirereto ko eh.”

“Well maybe masaya na sya sa kung anong meron sya ngayon. Let him be, time will come naman eh. Ang love kasi baby hindi pinipilit. Nangyayari na lang yun. And I know naman na hindi sya forever playboy, kasi I can see kung pa’no ka nya alagaan, so ganyan din sya sa magiging girlfriend nya. Or much better.”

“Sobrang swerte nga po my ng mamahalin ng totoo nung si John eh. Kasi he has been flinging all this time, I’m just imagining kung pa’no kapag nag-seryoso sya sa girl? Nako! Jackpot lang talaga.” Ilang beses na kayang nakagat ni John yung dila nya? Kanina pa namin sya pinag-uusapan eh.

“Baby, everyone who is being loved ng totoo at bukal talaga sa puso ay maswerte. Minsan kasi masyado lang tayong nage-expect kaya hindi natin naaappreciate yung nasa harap natin.” By that nanahimik na ko. Two thumbs up! My mom could be a love guru at times!

“Mom, how’s Dad? How tight can his schedule be at times? Bakit hindi man lang sya makakauwi sa kasal nila Tita? I miss him so much.”

“Wala kasing maiiwan sa company, baby. Intindihin mo na lang si Daddy ha? Babawi naman yun sayo.” Pinutol ko na lang yung conversation after nu’n. Alam ko na kung sa’n pupunta ‘yun eh.

After namin kumain, nagpasundo na kami kay Manong. Mas mahaba sana bonding namin ni Mommy kaso may ibang days pa naman daw. Kailangan naming mag-pahinga kasi kailangan maaga kami bukas para na rin sa pag papaayos namin sa kasal ni tita. Si Mommy nasa passenger’s seat, ako naman nasa likod kasama yung mga pinamili ni Mommy para samin at para na din sa mga kasambahay namin. Para ma-pay off naman lahat ng pagod nila sa pag-aasikaso sakin! :) Ang bait talaga ni Mommy.

Naka-idlip ako sa sasakyan. Ginising na lang ako nila Mommy para pumasok na sa bahay. Sila Manong na ‘yung nag-pasok nung mga pinamili namin. Pagkapasok ko nag-shower na ko at nag-good night kiss kay Mommy. Humiga na ko pagkatapos nun at hinila na ko ng pagkakatulog. 

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon