JOHN’S POV
Napa-balikwas ako ng bangon nung marinig ko yung alarm clock ko na tumunog. 7:00 am na! Ugh. Dali dali akong tumayo at pumunta ng bathroom para maligo. Pupuntahan ko pa si Angel sakanila, alam kong hindi siya okay nung hinatid ko siya kagabi. Anong oras na din ako nakatulog kakaisip ng mga gagawin namin ni Angelie para mas gumaan yung pakiramdam niya.
Pagkatapos kong mag-shower, pina-handa ko na agad yung sasakyan kay Kuya Ed. Sabay na lang kami kakain ng breakfast ni Angel. Baka nga tulog pa yun ngayon.
Oo nasaktan ako nung sinabi niyang naisip niyang iwan ako, pero nung nakita kong nahihirapan siya kagabi, mas lalo akong nag-alala. Mas mahalaga pa din yung nararamdaman niya, yung pinagdadaanan niya kaysa sakin. At ngayon, gusto kong maging okay kami, gusto kong makabawi sakanya. Gusto kong bumalik kami sa dati.
Pagkababa ko ng sasakyan, dumiretso na ko sa mansiyon nilang naka-bukas yung gate. Okay,bakit naka-bukas ‘to? Pagkapasok ko sa mansiyon nila, nakita ko ang medyo tahimik na bahay nila at malungkot na ambiance na bumabalot dito. Karaniwan sa mga ganitong oras nagluluto na sila Manang Maria pero ngayon hindi. Parang lahat sila tintamad na gumalaw, tinatamad na mag-linis.
“Good morning, Manang!” Magiliw na bati ko sakanya. Tumingin siya sakin at nakita kong parang maiyak-iyak yung mata niya nung nakita ako. Kinilabutan ako.
“Stei-Steinfergd” Anong nangyayari dito?!
“Si Angel ko?” Kinakabahan ako sa pwede nilang sabihin. Bakit ganito yung hitsura nilang lahat dito? Bakit lahat sila parang pinagbagsakan ng langit at lupa?
“Stein—” Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya, dumiretso na kaagad ako ng 2nd floor. Pumunta ako sa room ni Angel pero nung buksan ko yung kwarto niya, WALANG TAO? Maayos yung kama. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko.
Maybe she’s just strolling. Baka nag-jogging. Baka bumili ng kung anuman. Tama, ganon nga lang. Hindi pwedeng umalis siya. Ha! Siyempre hindi siya umalis, pero bakit wala na siya maaga pa lang? Hindi pwedeng umalis siya at nagpakalayo, bakit naman niya gagawin yun? Bakit hindi niya ako sinabihan kung aalis siya?
Bumaba na ako ng hagdan, yung tatlong kasambahay nila Angel, parang hinihintay talaga ako sa baba.
“Where is she?” Pinilit kong maging kalmado yung boses ko kahit na natataranta na talaga ako sa loob ko sa kakaisip ng mga posibilidad kung nasaan man yung Angel ko.
“Steinfergd, pumunta na siyang America.” Nanginig pa yung boses ni Manang Maria nung sinabi niya yun. Hindi ko napaigilang mapa-ismid nang dahil sa sinabi niya. Nilagpasan ko sila at umupo sa sofa.
“Bakit hindi niya ako sinabihan? Okay. I’ll wait for her. Sigurado ako babalik naman yun this week or next week, hindi naman siguro yun aabutin ng isang buwan.” Sana mag-dilang anghel ako, sana totoo lahat ng sinasabi ko, sana bumalik na siya.
“Steinfergd, matatagalan pa yung balik niya. Aabutin siya ng isang buwan. Hayaan mo na muna siyang mag-isa.”
“Hindi ko pwedeng hayaan si Angel, manang. Alam niyo naman yun diba? Sinabi niya ba sainyo kung bakit siya umalis? San ba siya nakatira doon? Sinundo ba siya nila Mommy? Bakit ba siya umalis?” Ngayon alam kong I sound frustrated.
“Steinfergd, kalmahin mo muna yung sarili mo.” Ani ni Kuya Ed. Ngayon ko lang napansin na sumunod pala siya sakin.
“Paano ako kakalma? Nasaan ba yung Angel ko? Baka mamaya hindi naman talaga siya umalis? Baka nagtatago lang siya sakin? Gusto niya ba ng time mag-isa? Nasan ba talaga siya? Sabihin niyo naman. Hayaan niyo muna kaming mag-usap, please naman oh. Kakausapin ko lang siya. Ano bang gusto niya? San siya kakain? San siya matutulog? Kaya niya ba dun? Sinong kasama niya?” Sunod sunod na tanong ko. Halos lahat sila naka-tingin sakin na parang awang awa.
“Steinfergd, umalis na si Ziel. Pumunta na siyang America!” Sigaw ng isa sa mga kasambahay nila Angel.
“UGGGHHHHH!”
“Steinfergd—” Pagtawag sakin ni Manang Maria pagtapos kong sumigaw. Lahat sila mukhang natataranta na. Lumabas ako ng bahay nila Angel at sumakay ng sasakyan.
“John, si Ziel—”
“Kuya Ed please, umuwi na lang tayo.”
Inihatid naman ako agad ni Kuya Ed sa bahay. Agad agad akong bumaba nang sasakyan. Binuksan ko yung laptop at tinignan kung online ba si Angel, o kahit sino sa parents ko, o kahit sila mommy at daddy pero WALANG NAKA-OPEN SAKANILA.
Nag-iwan ako ng message sa account ni Angel, pati sa email niya nag-iwan ako ng message.
To: Ziel Angelie Gomez
Angel where are you? Bakit sinasabi nila nasa America ka? What are you doing there? Bakit bigla kang umalis? When are you coming back? Okay ka lang ba diyan?To: Ziel Angelie Gomez
Please talk to me, Angel. Nababaliw na ako kakaisip sa kung nasaan ka. I miss you. Please be home soon. I love you so much, Angel. Sobra sobra.Nag-send na din ako ng message kila tita mommy at tito daddy. Pati na din kila mom and dad.
To: Zanjo Gomez; Alisson Gomez
Tito, tita, nasaan po si Angel? Kasama niyo po ba siya? Why did she leave? When is she coming back? Tito, tita, please po. Kailangan kong maka-usap si Angel ko.To: Simon Villanueva; Vivian Villanueva
Dad, mom, help me please. Alam niyo ba kung nasaan si Angel? Please I’m going really crazy here. Hindi ko kaya. Bakit wala siya dito? Dad, mom, please.Kinuha ko yung phone ko sa kwarto. Nakita kong may isang message dun galing kay Angel.
From: Poy :)
Sorry.Mas lalo akong kinabahan nung nabasa ko yung message niya. One line lang pero kabadong kabado ako! Mas lalong lumakas yung suspicion ko nung nabasa ko yung message niya na humihingi ng tawad. Why? What have you done, baby? What are you sorry for? Did you leave me for good? Why? Hindi ka na ba masaya?
Yung luhang kanina ko pa pinipigilan, tumulo na. Alam kong wala siyang kahit anong sinabi, yun nga yung masakit eh. Wala siyang kahit anong sinabi! Ugh! Hindi ko na alam. Bakit siya umalis?
BINABASA MO ANG
Bestfriend?!
Teen FictionThis is a story featuring Ziel Angelie Santiago Gomez and John Steinfergd Fajardo Villanueva. These two are best of buddies since their elementary years. Ziel is a typical nerd girl, who have changed, with the help of her playboy bestfriend, since t...