JOHN’S POV
It’s 10:00 in the morning, I went to Angel’s room to check if she’s already awake. Nasa tapat na ko ng room niya nung biglang mag-salita si Manang Maria.
“Nasa baba na si Ziel, nak. Medyo kanina pa siya gising.” Tumalikod naman ako sa pintuan ng room ni Angel at hinarap si Manang Maria.
“Bakit hindi niya po ako ginising?” Bihira lang din kasi na nauuna siyang magising kaysa sakin.
“Dapat gigisingin ka niya kanina pero bumaba na lang siya ng hagdan tapos umupo sa sofa, siguro hinayaan na lang muna niyang matulog ka.” Bumaba naman kami ng hagdan ni Manang Maria.
“Kumain na po ba siya?”
“Nako hindi pa, Steinfergd. Pinapakain na namin siya pero mukhang hinihintay ka ata, nandun siya sa living room, puntahan mo na lang.”
“Thank you po.” At nginitian ako ni manang.
Pumunta si manang sa kusina kaya pinuntahan ko na si Angel sa living room. Nakita ko namang nandun nga siya at nagi-scroll sa phone niya. Malapit na ko sa kinaroroonan niya at pero mukhang hindi naman niya ako napapansin.
“What’s that?” Pagtatanong ko nung makalapit ako sakanya.
“Sht!” Hindi naman siya nagulat nun noh?
“Grabe ka naman kasi bigla bigla ka na lang sumusulpot!” Sabi niya at nilapag niya yung phone niya.
“Good morning! Well ha! You’re just too busy. Aga aga phone hawak mo. Ano bang pinagkaka-abalahan mo?”
“Good morning. Ah, I was just checking the sites. Nag-text kasi si Monica sabi niya trending daw tayo and so I checked.”
“And?” Pagtatanong ko sakanya tapos tumabi ako sakanya.
“And madaming nagluluksa.”
“What?! Nagluluksa? Anong connection natin sakanila?” Nagtataka lang ako, trending kami tapos madaming nagluluksa? Tumawa naman bigla si Angel. What the?
“Hahahahahaha! Eh kasi naman taken ka na daw kaya nagluluksa yung iba.” Ah yun pala. Akala ko naman kung anong pagluluksa.
“Hindi pa nga tayo nagbibigay ng statement sa press tapos nag-assume na agad sila sa mga bagay bagay. Hay people.” Sabi na naman ni Angel.
“Bakit? Tama naman yung assumption nila eh. Besides kahit naman hindi mo ko sinagot nung araw na yun, taken pa din naman ako.” Sabi ko tapos inakbayan siya. Automatic na napa-tingin naman siya sakin nang dahil sa sinabi ko.
“Anooo? Anong taken ka pa din? Nagsisimula pa lang tayo nanloloko ka na agad?! Kakasagot ko pa lang sayo ganito na agad?!” Paghi-hysterical ni Angel. Napa-ngiti naman ako dahil sa pagsisigaw niya. She’s cute when she gets jealous.
“Bakit ba naka-ngiti ka pa dyan? Nakakainis ka naman John! Ideny mo naman oh!” I held her hands na ginagamit niyang pang-hampas sa braso ko.
“ Hey, hey. Ano ba kasi yang iniisip mo? I just told you na ikaw lang diba? Sayong sayo lang ako kahit nung mga panahong hindi pa tayo. Okay? I’m taken kahit na hindi mo ko sagutin nun kasi sayo lang naman yung puso ko.”
“Sus talaga lang ha? Walang iba ha?”
“Oo Angel. Ikaw lang promise.” I kissed her forehead tapos niyaya ko na siyang tumayo.
“Tara na, kain na tayo.” At pumunta na kami ng kitchen. Nilagyan ko siya ng pagkain sa plato niya. Nginitian naman niya ako.
“Ngingiti ka na lang, Angel? Baka mapunit bibig mo niyan, kain ka na.” Pang-aasar ko na naman sakanya.

BINABASA MO ANG
Bestfriend?!
Novela JuvenilThis is a story featuring Ziel Angelie Santiago Gomez and John Steinfergd Fajardo Villanueva. These two are best of buddies since their elementary years. Ziel is a typical nerd girl, who have changed, with the help of her playboy bestfriend, since t...