JOHN’S POV
“John, uuwi ka pa?” Pagtatanong ni Angel nung paalis na kami sa bahay nila.
“Yes, Angel. Wag ka namang pahalata na mamimiss mo ko agad.” Pang-aasar ko sakanya habang naka-smirk. Hinampas naman niya ako sa braso dahil sa sinabi ko.
“Sino nagsabing mamimiss kita agad?”
“Hindi ba? Okay, sige aalis na ko. Anong oras na din eh.” At tumalikod na ko pero nagbibiro lang naman ako.
“John joke lang naman eh! Dito ka na lang muna.” Sabi ni Angelie na nagpalingon naman sakin.
“Okay.” Sinabi ko habang naka-ngiti sakanya.
Pumasok na muna kami sa bahay nila pati na din si Kuya Ed, nagpahanda din si Angelie ng snacks. Nako naman, mukhang ayaw talaga akong paalisin ng isang ‘to ah.
“Nako naman anak! Bakit ngayon lang kayo? Saan ba kayo galing nitong si Steinfergd ha?” Pagtatanong samin ni Manang Maria. Hinahayaan lang naman nila kami na lumabas labas ni Angel pero hindi kasi kami nakapag-paalam ngayon kaya siguro nag-aalala sila.
“Sorry po, Manang Maria. Hindi po kami nakapagsabi ni Angel, kumain lang po kami.” Page-explain ko naman kay Manang Maria.
“Nako, basta wag niyo na lang uulitin.” Pagtapos nun ay tumawag sila Tita Mommy at ininvite na mag-Skype si Angelie na inaccept naman niya.
“Mooom! Daaaad!” Pagbati ni Angelie.
“Baby.” Narinig kong sabi ni Tita Alisson. Nakikita ko naman na nasa tabi ni Tita Alisson si Tito Zanjo. Mukhang nasa office sila ngayon.
“Where have you two been? Buti naisipan niyo pang umuwi. Anong oras na dyan ah.” Sabi ni Tito Zanjo pero hindi naman siya mukhang galit, mukha siyang naga-aalala.
“Kumain lang po kami tito, may pinuntahan din po kami. Sorry po hindi kami nakapagsabi.” Page-explain ko kayTito Zanjo.
“It’s okay. Alam ko naman na hindi mo papabayaan si Angel namin. Zanjo is just overreacting, alam mo na, tatay eh.” Sabi naman ni Tita Alisson. Naiinrtindihan ko naman eh, wala pa sa legal age si Angelie at anong oras na.
“Akala ko nag-tanan na kayo eh.” –Tito Zanjo.
“Dad! Ano ba. Ang babata pa namin noh.” –Angelie.
“What? So pag tumanda kayo may balak kayong mag-tanan?!” Pagtatanong ni Tito Zanjo na mukhang nagulat sa sinabi ni Angelie.
“Hindi po. Magpapaalam po kami ng maayos pag gusto na naming mag-sama. At tsaka matagal tagal pa po yun.” –Ako
“Oo nga! At tsaka kakasagot ko nga lang sakanya eh tapos pagtata—” Napa-takip ng bibig si Angelie ng mapansin niya kung ano yung sinasabi niya. Napa-ngiti naman ako. There, she said it, na kami na.
Mukha namang nagulat si Tita Alisson pero nabawi din niya ang composure niya. Si Tito Zanjo naman naka-ngiti lang. Bakit parang baliktad yung naging reaction nila? This was not what I have been expecting. Iba yung nai-imagine ko na reaction ni Tito Zanjo. Nung tinignan ko si Tita Alisson, nakita ko na naka-ngiti siya na parang nang-aasar.
“So, kailan pa naging kayo, baby?” Pagtatanong ni Tita Alisson. Hinawakan ko naman yung kamay ni Angelie, and if I am not mistaken, I saw her blush.
“Kanina po.” Simpleng sagot ni Angelie.
“Sabi na nga ba eh, bakit kasi pinatgaal mo pa?” –Tita Alisson
BINABASA MO ANG
Bestfriend?!
Teen FictionThis is a story featuring Ziel Angelie Santiago Gomez and John Steinfergd Fajardo Villanueva. These two are best of buddies since their elementary years. Ziel is a typical nerd girl, who have changed, with the help of her playboy bestfriend, since t...