Captain Ball

36 1 0
                                    

ZIEL’S POV

Nakatulog na ako ng maayos at pumasok na kami ng school. 2:00 am na nung bumalik kami sa bahay namin after namin mag-shower at kumain, dumiretso na kami sa school so maaga talaga kami. At dahil sarado pa ang canteen at library, at mukhang kami na din ang nag-bukas ng school ay pumunta na lang kami sa may garden. Dun na din ako nagpaturo sakanya ng lessons na iba.

Kahit na halos one and a half hour sila nag-hintay para sa class nila, hindi pa din sila nabagot. Walang patay na oras sakanilang dalawa. Sobrang kulit kasi kasama ni John HAHA!

Mabilis na dumaan ang oras at nung break time na nila, sama sama na naman ang tropang mga kupal starring Monica of course.

“Let’s go somewhere mamaya! Para naman makapag-unwind tayo!” Pagyayaya ni Gelo.

“Seriously? Tuesday lang ngayon ah! Galang gala ka na Gelo? What? Bar life later?” Tanong naman ni Dan na mukhang natatawa pa.

“Namimiss mo na naman ba ang mga babae?” Tanong naman ni Rob nako talaga.

“Iba kasi ang babae sa bar sa mga babae sa school.” Sagot na naman ni Gelo.

“Juice colored. Hindi ka naman mauubusan ng babae Gelo! Sus!” Sabi ko na naman sakanya.

“Tss. Hindi mo alam ang nararamdaman ko Ziel! Palibhasa in love kaya settled na kayo ni Steinfergd. Paano naman kami?! Paano naman yung pangangailangan namin?”

“Gago! Ano yun oxygen?!” Balik tanong ko sakanya.

“Noooo! Pero hindi mo kasi alam eh, yung may kasama araw araw sila Steinfergd at Peter na mga magagandang babae tapos kami nangungulila? MAG-BAR NA KASI TAYO! Dali na! Bago man lang mag-exams!”

“Nangungulila ano ka orphan?!” Tinignan na lang ako ng masama ni Gelo. HAHAHAHA!

“Tsk talo ka pala kay Ziel tol.” Pag-kantyaw ni Rob.

“Shut the fq up! Nandyan lang si Steinfergd kaya hindi ko ma-trash talk si Ziel. Humanda ka talaga kapag nawala yang si Steinfergd sa tabi mo!” Pagbibiro ni Gelo, tumawa naman kaming lahat.

“Anong sabi mo Angelo? Papatulan mo si Angelie ko? Are you gay bro?” Pagtatanong ni John na nang-aasar.

“Tigilan niyo nga ako! Ayaw niyo na ngang pumayag mag-bar pinagtutulungan niyo pa ko! Tss.”

“Uminom na lang tayo mamaya!” Pagyaya naman ni Rob.

“Pass ako. May training si Angelie, tuturuan ko pa siya sa ibang subject.” Sabi naman ni John. Wow oo nga pala.

“Kumain na lang tayo! May handaan sa bahay mamaya, birthday ni Mama. Punta kayo.” Phew si Monica na ang nagyayaya ngayon, at bilang mga sabik sa libre yung mga ulupong, pumayag naman silang lahat.

Nag-bell na at kailangan na naming bumalik sa kanya kanya naming klase.

“Ziel, ngayon na daw malalaman kung sino yung captain ball. Pinapasabi ni coach. Wag kang mawawala ah. See you later!” Sabi ng isang teammate ni Angelie na sa pagkakatanda ko ay senior ata nung maka-salubong namin siya sa hallway.

“Yup! Thank you.” Sabi naman ni Angelie bago kami pumasok ng room.

Mabilis na natapos ang class at mukhang gets na naman ni Angelie yung lessons. Nakakasabay naman siya kahit na hindi niya na-attend-an yung classes dati, matalino naman kasi talaga ‘to eh.

Pumunta kami ng locker room para makapag-bihis ng jersey si Angelie. Yes official na siyang kasama sa volleyball team, kasama siya sa first 6. Pagkalabas niya ng locker room, siyempre madaming nakatingin, babae man o lalaki. Tss ang iksi kasi ng short na jersey nila eh -.-

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon