Set up!

27 1 0
                                    

ZIEL’S POV

Ang sarap na ng tulog ko ng nagising ako sa malakas at sunod sunod na katok sa pinto. Napa-balikwas ako ng bangon ng marinig ko yun. Tinignan ko ang orasan sa cellphone ko at nakita kong 8:15 pa lang naman.

“MA’AM! MA’AM! UMUULAN!” Binuksan ko naman ang pintuan ko at nakita ko ang mga kasambahay namin na nag-kumpol sa labas ng kwarto ko, pati si Manang Maria nandun na sa labas ng kwarto ko.

“And? MAY BUBONG NAMAN TAYO AH!” Sabi ko sakanila, inaantok pa kasi talaga ko. Sanay na naman sila sa pag-sulpot sulpot ng mood swings ko.

“Nak, si John Steinfergd nasa labas pa.” Sabi ni Manang Maria.

“Haaaa? Eh may bubong naman yung kotse niya. Ano pa bang ginagawa niya dyan?”

“Hinihintay ka ata. Nasa tapat siya, nak. Kung ako sayo labasin mo, at baka magkasakit pa dyan.”

“Oo nga, Ziel. Ayaw niyang makinig samin, ayaw pa din umuwi.” Sabi ng isa naming kasambahay.

“What the! ANONG ORAS NA BA? ILANG ORAS NG UMUULAN?”

“10:30 na po, ma’am! Kanina pang 8:00 umuulan! LABASIN NIYO NA PO SI SIR.” Sabi na naman ng isang kasambahay. Eh 8:15 pa lang sa orasan ko ah?

Tumakbo ako pababa ng hagdan at agad agad na binuksan yung gate namin. May kalakasan nga ang ulan, hinila ko na lang papasok ng bahay si John. Napa-angat naman siya ng ulo nung hinila ko siya.

Pinapunta ko siya sa kwarto niya sa bahay at kumuha ako ng towel niya. Yung mga kasambahay naman namin sinarado na yung mga pinto. Nakaupo lang siya sa may upuan sa room niya sa bahay namin.

“WHAT WERE YOU THINKING? BAKIT KA NAGPAULAN?” Tanong ko sakanya. Tinignan niya lang ako. Mukhang nilalamig na siya kaya hininaan ko yung aircon.

“Answer my questions later. Go take a shower nang makapagpalit ka.” Inayos ko na din yung heater, mabilis lang naman siyang nag-shower. Naka-upo ako sa kama niya nung lumabas siya ng bathroom.

“Bakit ka nagpaulan ng ganon katagal?” I asked him.

“Ilang minutes pa lang naman—”

“Ilang minutes?! Kanina pang 8:00 umuulan ah!” Sabi ko ulit. Mukha naman siyang naguluhan, pero nabawi din niya yung composure niya. Bakit? Natatakot ba siya?

“Anong oras na ba?” Tanong niya sakin.

“10:00 na, you dumbass! Papakamatay ka ba?” I shouted, mukhang nagulat naman siya pero nag-smirk din after.

“Sorry for making you worry.”

“Talagang mag-sorry ka! Tss. Bakit kasi nasa labas ka ng bahay?! May bubong naman yung kotse mo, akala mo ba magkakaayos tayo kapag nagpaulan ka?” Tuloy tuloy na sabi ko sakanya. Mukha naman siyang nagpipigil ng ngiti. Dafq ang gwapo!

“Tumalab naman diba?”

“What?!”

“Effective naman diba? Nilabas mo naman ako? Okay na naman tayo.” Sabi pa niya with confidence!

“Shut up. Just don’t do that again.” Sabi ko na naka-talikod na sakanya. Niyakap naman niya ako sa may bewang, nilagay niya yung mukha niya sa balikat ko. Ugh nakakapanghina ng tuhod. Oo na, wala na yung galit at sama ng loob ko sakanya.

“I’m sorry.” Sabi niya at mas lalong hinigpitan yung pagkakayakap niya sa bewang ko.

“Oo na, oo na. I’m sorry din. I shouldn’t have done that, my reaction was quite exaggerated.” Naaamoy ko na yung hininga niya. Wooo.

“Can I tell you something?” Sabi niya sakin.

“What is it?”

“It’s just 8:30 in the evening. I think sinet up tayo nila Manang Maria.” He said. Sus yun lang pala eh! Okay lang na—WHAT! Sinet up kami?! Hindi pa talaga 10:00? What the fuzz! So hindi mali yung time sa phone ko?! THAT EXPLAINS IT.

“WHAAAAT?! AKALA KO PA NAMAN ILANG ORAS KA NG NAKABABAD SA ULAN!!” I heard him chuckle. Hindi naman ako maka-alis sa pagkakayakap niya, kaya humarap na lang ako.

Pero wrong move na naman kasi ang lapit ng mukha namin sa isa’t isa! -.- I can literally feel his ragged breaths. Yung kunot ng noo ko, nawala. Kinakabahan ako, kinakabahan ako pag ganito siya kalapit sakin.

Unti unti ng lumalapit yung mukha namin. Naka-tingin siya sa lips ko OHMAAAAAY! And then—I felt his lips touched mine. Ginalaw niya yung labi niya, we were literally kissing. Different from smack na kiss na nashare namin. This kiss, may something eh! May meaning. This is a slow kiss, we were just savoring the moment. And when the kiss was about to go deeper, tumigil siya. Lumayo siya ng kaunti sakin.

“Sorry, Angelie. I-I didn’t.. Ugh. Sorry, I respect you okay, I’m sorry if I—” I AM SMILING! What the. This is absurd. Why is he saying sorry? Akala ba niya iniisip ko na hindi niya ako nirerespeto?

“SHUT UP, JOHN. It’s okay, okay? I wanted that to happen. You’re crazy. Stop saying sorry because of a thing na ginusto ko din naman.” I said with a smile and I saw him change his expression, from worried to oh-so-happy face.

“I love you, Angelie. I love you so much.” Sinabi niya sakin habang nakayakap siya.

I think I really am falling for this guy. I am falling and it doesn’t bother me. I am falling and it doesn’t remind me of my fears. Naiinlove na nga ako at sobrang secure ng pakiramdam ko. This is a good thing right? Kasi secured ako sa pagmamahal ni John, I know of all people this guy, in front of me, isn’t going to hurt me. Siguro nga tama si Monica, I shouldn’t hold back.

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon