Protective

176 13 2
                                    

ZIEL’S POV

3 araw na rin ang nakaraan nung pumunta kami ni John sa secret place namin. Kaya eto Friday na agad kaya P.E na agad kami. Dumeretso na ako sa locker ko para mag palit ng uniform namin. Habang nag papalit ako rinig na rinig ko ang usapan nila tungkol kila Daniel. Lakas talaga ng mga kamandag ng mga yun, di na ako magtataka kung pati mga bakla pag usapan na sila.

Pagkatapos ko mag bihis ng jogging pants at t-shirt pumunta na ako sa gym mag-isa. Nauna na kasi yung classmates ko sakin. Pagkapasok ko ng gym, umupo ako sa isang sulok at tinignan ang paligid habang hinihintay yung teachers namin.

“Hi Ziel!” Bati nung isa sa mga girl classmates ko, si Jane.

“Hey.” Matipid na bati ko naman dito.

“Are you free this weekends? Gala naman tayo. Mukhang may magandang movie na showing ngayon eh or should we could just go sa Sky Ranch? Since hindi pa naman tight yung schedule natin.”

“Oh sure. Text me na lang for updates.” We exchanged numbers and then umalis na sya with the other girls. Hindi naman masamang mag-hang out with other people right?

Dumating na yung teacher namin sa PE teacher namin. Since 1st week pa lang naman, hindi pa masyadong nag-higpit si Sir. Hinayaan na lang na mag-laro ng Volleyball ang girls at nang Basketball ang boys. Nung napagod na ko, umupo na lang ako sa bench at nagpa-sub. Maya maya naman lumapit si John at nag-abot ng tubig.

“Thank you. By the way san tayo mamaya?”

“Angelie hindi ba pwedeng bukas na lang tayo umalis? I can’t go ngayon, pagod na ko.”

“Pagod nga ba? I bet you’ll be out on a date mamaya.” Then I smirked.

“Wala akong pupuntahan mamaya, Angelie. You know me lahat tatanggihan ko maliban sayo. Pagod lang talaga ako. So bukas na lang ha?”

“BUKAS?! OMG! Hindi ako pwede bukas! I was invited by Jane. Alam mo naman kailangan ko din maki-halubilo sa iba.”

“What time ba kayo? Bar hopping tayo bukas, wag ka na lang pagabi. Susunduin na lang kita okay? Text me na lang. I’ll be with the boys tomorrow. Girls hunting you know?” He winked at me pagkatapos nun and then umalis na sya at nag-laro na ulit ng Basketball. Ako naman naka-upo lang, nanonood. Magaling din talagang mag-Basketball ang isang ‘to. Napasama pa nga sya sa varsity eh, which I know na dagdag pogi points sa girls. Kaya habulin ‘tong isang ‘to eh.

Mabilis na lang na dumaan yung buong araw. Umuwi na din ako at nag-stay muna si John sa bahay namin. Tumunog naman bigla yung phone ko, pinabasa ko na lang kay John. Binasa naman nya:

From +639*********

Hi ziel! Tuloy tau huh? –Jane.

To +639*********

Hi Jane. This is John no boys okay? What time kayo?

From +639*********

Ang strict mo nman John :-) don’t worry di nman maaattach yang c ziel. 10 a.m why don’t you come?

To +639*********

May lakad kami nang boys bukas Dear. Sunduin ko nalang sya tomorrow ingat kayo.

Si John talaga yung nagtetext. He’s a little protective pagdating sakin. Funny ei? Sa iba nakikipag-fling sya pero pagdating sakin para ko na syang tatay. After that pumunta kami sa home theatre, nanood lang kami ng Hunger Games, favorite namin ‘to both eh! Nag-handa na lang din ako ng makakain namin. Nung matapos na yung Hunger Games, nanood naman kami ng iba pang movies. Weird nga kasi okay lang sakanya na manood ng romantic movies to think na guy sya. At para iset ang record, UMIIYAK PA SYA. Late na din nung naka-uwi si John. Around 11: 30 pm na nung naka-alis sya. Okay lang naman kasi may sasakyan sya at magkalapit lang yung village namin. Pagkaalis nya, inayos ko na lang yung pinag-kainan namin kasi ayoko namang gisingin pa sila manang. After ko mag-ligpit nag-shower na din ako, ready to sleep nun tumunog na naman yung phone ko. Nung tinignan ko:

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon