JOHN’S POV
It feels good to love. May certain happiness na nadadala ang pagmamahal, kahit na hindi ka pa sigurado sa sasabihin ng mahal mo, kahit na hindi mo pa alam kung anong pipiliin niya sa hindi at oo, masaya pa din kapag nagmamahal.
All I can say right now is that I’ll do everything and anything para lang malaman at maramdaman ni Angelie na mahal ko talaga siya, that I am damn serious with her.
“Tangina naman Brad! Baliw ka na naman!” Pang-aasar ni Angelo sakin.
“Ganyan ba ma-inlove ang mga Villanueva? Delikado ka pala.” Tanong ni Daniel.
“Gago kayo! Ang lalakas ng mga trip niyo baka hindi yan magpakain pag sinagot siya ni Angelie!” Sabi ni Peter.
“Bakit ikaw? Papakain ka ba pag napasagot mo na si Monica?” Tanong ko naman sakanya.
“Oo naman!” Sagot ni Peter.
“Kaya dapat magpakain ka Dude! That’s the mighty Ziel Angelie. You should! Dream come true yan eh! Para kang naka-sungkit ng bituin diba?” Gatong na naman ni Robert.
At ano pa nga bang magagawa ko maliban sa mag-oo sa mga ‘to? Yes yes magkakasama kami ngayong lunch, kasama naman ni Angelie si Monica. Paano kasi hinigit siya ni Monica, sinabihan ba naman ako na ipa-hiram ko na lang muna sakanya kasi baka mamaya mag-sawa sakin si Angelie. -.- Tss pwede ba yun?
“Sana sa lahat ng napapa-sagot mong babae, nagpapakain ka din!” Pang-aasar ni Daniel kay Angelo.
“Ano ba! Baka mamulubi yan pag ganon!” Sabi ko na naman at nag-tawanan kami.
“Mga sira ulo! Hindi pa ko nanliligaw noh! Hindi ko na naman kailangan nun! Kahit na hindi ko sila ligawan, konting landi lang sila pa mago-offer ng sarili nila sakin.” Pagmamayabang ni Angelo na totoo naman. Ganon naman kasi talaga sa bar, lalo na pag may hitsura. Ilang beses na kaming na-ganon na tropa, landiin mo lang ng konti bibigay na agad. Tsk tsk.
“Bakit ba kasi ayaw niyo mag-girlfriend?” Pagtatanong ni Peter.
“Panget.” Sabi ni Daniel na ikinatawa naman naming lahat.
“What the fck? Anong panget? Panget yung mga babae?” Tanong na naman ni Peter.
“Oo. Si Ziel na talaga pinaka-magandang babaeng nakita ko.” Sagot na naman ni Daniel na ikina-tingin ko sakanya.
“Pare ano? Anong gagawin natin dito?” Tanong naman ni Angelo at sinimulan ng hawakan yung dalawang braso ni Daniel at naka-porma ng handa ng ipa-suntok si Daniel.
Pero alam naging vocal naman kasi talaga siya noon pa man na sobrang nagagandahan siya kay Angelie. Halos lahat naman sila ganon yung sinabi.
“Bitawan mo nga ko! Alam naman kaya ni Steinfergd yun! At tsaka kayo din naman ah!” Sabi ni Daniel.
“Diba Steinfergd okay lang naman yun? Dati nga okay lang yun sayo eh!” Sabi na naman ni Daniel. Pero dahil gusto ko siyang pag-tripan,
“Sino nagsabing okay lang yun?! Pinag-nanasaan mo ba si Angelie ha? Sabihin mo lang naman pre eh. Handa naman a—”
“Handa kang ano, Steinfergd? Sige ituloy mo. Handa kang ano?” Sabi ni Daniel na naka-smirk pa. Aba! Sakin nalipat ang pang-aasar ah!
“Gago! Wag kang umasa na handa siyang mag-paraya! Baka ang ibig sabihin ni Steinfergd handa siyang kalimutan ang pagkakaibigan niyo! Patayan ang labanan pag si Ziel ang usapan!” Sabi na naman ni Angelo na ikinatawa na naman naming lahat.
“Pero bakit nga ayaw niyong mag-girlfriend na tatlong ugok?” Tanong na naman ni Peter.
“Panget nga.” –Daniel. Tinignan naman namin siya.

BINABASA MO ANG
Bestfriend?!
Teen FictionThis is a story featuring Ziel Angelie Santiago Gomez and John Steinfergd Fajardo Villanueva. These two are best of buddies since their elementary years. Ziel is a typical nerd girl, who have changed, with the help of her playboy bestfriend, since t...