JOHN’S POV
“Pre, nasan ba si Ziel?” –Angelo
“Palagi na lang ba kayong ganyan?” –Daniel
“May inaasikaso lang siya. Miss na miss niyo na ba siya ha?!” –Ako. Ang totoo niyan hindi ko alam kung anong ginagawa ni Angelie ngayon. Wala siya kanina nung susunduin namin siya ni Kuya Ed sa bahay nila.
“Oo brad! Miss na namin si Ziel! Bakit ba kasi parang ang labo labo niyo na? Tss nasaan na kaya ang dating Ziel?” –Peter.
“Ako din, namimiss ko na din siya.” At dahil sa sinabi ko, hindi na sila nag-salita. Kinuha ko na lang ang phone ko at tinext si Angelie. Salamat sa sinabi nila may magiging dahilan ako para itext siya!
To: Poy :)
I miss you already, Angel. Btw I am with the gang, miss ka na din nila. Sana makasama ka ulit namin. Ingat ka diyan wherever you are.“Tara na nga pumunta na tayong cafeteria! Nagugutom na ko eh!” –Robert
Tumayo na kaming lahat at pupunta na dapat ng cafeteria nung bigla silang nag-hintuan at nagsi-tinginan sa iisang direction, hindi ko pa sana papansinin kung san sila naka-tingin pero nag-salita si Daniel.
“Pre si Ziel oh!” –Daniel
“Sino yung kasama niya?” –Robert
Nakita ko si Angelie. Kasama si Xavier. Magkayakap. SI ANGELIE AT XAVIER MAGKAYAKAP! I felt a pang of pain on my chest. Ang sakit, nakakaselos sobra. :( Buti pa si Xavier niyayakap niya, bakit pag ako hindi pwede? Buti pa yung ‘friend’ nayayakap, yung ‘boyfriend’ hindi. Ganito pala. Para kang natatae na bumabaliktad yung sikmura mo pag kinakabahan ka. Ganito pala pag nagseselos ka kasi mahal na mahal mo yung tao sobra. Ganito pala yung naging sayo siya pero ngayon hindi mo alam kung sayo pa ba talaga siya. Kasi sa nakikita ko ngayon, parang pagmamay-ari na siya ng iba, parang sa iba na siya mas sasaya.
“Break na ba sila ni Papa Steinfergd?” –Student1
“Eh di satin na lang si Stein!” –Student2
“Bitch talaga. Malandi, hindi na nakuntento sa isa. Ang gwapo gwapo na ni--” –Student3.
I’ve had enough! Hinanap ko agad yung pinanggalingan ng boses na ‘yun at nilapitan.
“What did you say?” Medyo mahinahon na tanong ko pa sakanya, mukhang natatakot na yung babae pero wala akong pake. Nung hindi siya sumagot, mas lalo akong nainis. -.-
“ANONG SINABI MO?!” Napalakas yung sigaw ko.
“S-sabi k-ko ang landi ng—”
“Kilala mo ba siya ha?!” Inis na sigaw ko pa din sakanya.
“O-oo, s-si Ziel Angelie, ang ultimate biatch this year, n-na girlfriend m-mo. E-ewan ko b-ba kung bakit pinatulan mo pa ‘yan eh.” How dare she! At tinuloy pa talaga niya yung sinasabi niya kahit na nangangatal na siya sa takot ha.
“Ha! Bakit sino ba dapat ang patulan ko? Ikaw? Kayo? Tss. Ano naman sayo kung biatch man siya this year? Ano bang pake mo? How dare you judge someone you don’t really know! Ang kapal naman ng mukha mo!” Hinawakan ako nila Angelo para pigilan ako.
“Ganyan ka ba sa babae Steinfergd?” –Student4
“I don’t give a damn to gender! Babae o lalaki, wala kayong karapatan na pagsabihan ng masama si Angelie kasi hindi niyo naman siya kilala! Kahit sino ka pa, kahit maton ka pa o ikaw ang pinaka-mahina sa buong mundo, pag si Angelie na ang ina-agrabyado, huwag niyong asahan na kakaawaan ko kayo! Leave her alone. Pakilaman niyo yung mga buhay niyo! Mga leche!”
BINABASA MO ANG
Bestfriend?!
Teen FictionThis is a story featuring Ziel Angelie Santiago Gomez and John Steinfergd Fajardo Villanueva. These two are best of buddies since their elementary years. Ziel is a typical nerd girl, who have changed, with the help of her playboy bestfriend, since t...