AUTHOR'S NOTE:
Medyo tae tae yung updates. Naba-blangko na po ako! Sorry din kung matagal. Thank you sa mga nagbabasa pa din! Feel free na mag-comment at tsaka mag-suggest ng scenes. God speed!
--
JOHN’S POV
Statistics subject namin ngayon. May isang upuan kaming pagitan, binato ko ng paper si Angelie. Tumingin naman agad siya na naka-simangot pero halatang inaantok. He mouthed the word What? Nag-sign naman ako sakanya. Sinabi kong wag siyang matulog kasi papagalitan na naman siya ni Sir. Kasi naman halos palagi niyang tulugan yung Statistics class, ang boring kasi. Humarap na din siya sa board tapos mukhang nakikinig na naman. 1 hour and 20 minutes kasi yung Statistics na class namin. 40 minutes to go. Maka-tagal pa kaya ‘tong babaeng ‘to? Ako din naka-tuon din yung attention sa lecture ni Sir. Nagpa-seatwork si Sir after ng discussion. Matalino naman kasi ‘tong si Angelie, tinutulugan lang talaga niya yung Stat kaya galit na galit si Sir. Ito nga lang ata yung bitch na matino pa din sa studies niya eh.
“Kailan ba dating nila Tita Vivian?” Tanong ni Angelie. Break time na namin ngayon.
“Ah. Sa August 28 pa.” August 18 na ngayon. In 10 days dadating na sila Dad and Mom.
“Oh, I see.” Maya maya pa dumating na yung mga kumag at umupo na rin sa table namin ni Angelie. Kumpleto na naman kaming magkakaibigan. Robert, Peter, Daniel, Angelo.
“Monica!” Sabi ni Angelie. Monica is from Section A. Classmates sila ni Peter. Ngumiti naman si Monica kay Angelie tapos nag-baling ng tingin kay Peter. She blushed a little. Oops, is there something that we need to know? Something fishy ha. Nag-ngitian lang silang dalawa bago lumapit samin si Monica.
“Hey. You wanna come with us?” Sabi ni Angelie kay Monica.
“Ah, okay lang ba?”
“Oo naman noh! You look pretty.” Sabi ni Angelo. Nako, wala talagang makakawalang babae dito. Napakamot na lang ng ulo si Peter. She blushed. Mukhang innocent pa si Monica sa mga lalaking katulad nila or should I say namin. She’s pretty, naka-braid yung buhok niya.
“Ano ka ba, Angelo. Wag si Monica. Alam mo naman kung kanino yan eh.” Sabi naman ni Daniel tapos tumingin kay Peter. Ako naman bini-bigyan ko lang sila ng strange looks.
“What now, Steinfergd? Don’t tell me hindi mo alam?” Sabi ni Robert sakin.
“What? Meron ba kong dapat malaman?” I asked them, out of curiosity. Hindi ko kasi talaga alam kung anong meron. Nag-tawanan naman sila.
“Ano ka ba. Masyado ka atang pre-occupied ng mga gawain mo eh. You know, Monica—Peter—alam mo na.” Page-explain naman ni Robert.
“Ah. Oh, hi.” Sabi ko naman kay Monica.
“Kung ano ano kasing inaatupag mo eh.” Sabi naman ni Angelo. What is he trying to say?
“Yup! Masyado ka kasing busy sa basketball. Kasama ka nga namin dun pero lumilipad pa din yung isip mo.” Sabi naman ni Daniel tapos tumingin kay Angelie. Ano bang problema ng mga ‘to? Maya maya pa may mga lumapit na mga babae sakin.
“Uy, captain!” Sabi ng isang babae. Captain ball kasi ako ng basketball kaya yun yung tawag sakin.
“Speaking of.” Sabi naman ni Peter. Maya maya pa lumakad na sila palayo sakin. Kasi naman dinadagsa na ako ng mga babae. T-teka, si Angelie? Kasama ba nila?
“Brad! Si Angelie! Iwan niyo!” Sigaw ko sakanila. Tinawanan lang nila ko.
Pagkatapos magpa-picture nitong mga babaeng dumumog sakin, para akong naubusan ng lakas. Nasan na kaya yung mga kumag na yun? Kasama kaya ni Monica si b-b-bestfr- eh si Angelie? Tinext ko si Angelie.
BINABASA MO ANG
Bestfriend?!
Teen FictionThis is a story featuring Ziel Angelie Santiago Gomez and John Steinfergd Fajardo Villanueva. These two are best of buddies since their elementary years. Ziel is a typical nerd girl, who have changed, with the help of her playboy bestfriend, since t...