Facing the press people

59 1 0
                                        

ZIEL’S POV

I woke up ng madami pa din notifications ang naghihintay na mapansin, may ilang texts din sa phone ko pero hindi ko na muna pinansin. Dumiretso na muna ako sa CR para mag-gurgle bago dumiretso sa hapag kainan, wala ng tingin tingin sa salamin.

Pagkababa ko nakita ko na nandun pa sila Dad and Mom na medyo bihira lang kasi kahit nandito sila ay busy pa din naman sila sa paga-asikaso ng mga business namin. I greeted all of them a good morning. I sat sa usual place ko sa dining table.

Naghihintay pa lang ako sa ihahain, nung nakita ko ang pamilyar na kamay. Oo, halos kabisado na namin ang bawat parte ng katawan ng isa’t isa. At siyempre kilala niyo na kung sino siya diba? Pero may paso yung kamay niya, mukhang natalsikan ng mantika.

Hindi ko pa man nakikita talaga yung mukha niya, tumayo na ako agad para kumuha ng tooth paste. Eh sa nakita ko yung kasambahay namin na may hawak tooth paste sa paso niya dati eh. Hinawakan naman niya yung kamay ko.

“Ziel Angelie! Where are you going? Hindi mo man lang ba kakainin yung hinanda ng tao? That’s rude! Kanina pa naman siya nandito.” Pangongonsensya naman ni Mom, si Dad aba’t himala na hindi nagsasalita. Dati kasi tutol siya kapag may nanliligaw sakin and he is so expressive sa pag-tutol niya. Baka hindi pa nila alam yung about dun.

Tumuloy tuloy na lang ako sa pagpunta sa bathroom tapos kinuha yung tooth paste. Bumalik naman ako kaagad sa dining area at lumapit sakanya.

“Kamay.” Sabi ko na lang sakanya, mukha namang nalito siya sa ibig kong sabihin. Napa-ngiti na lang ako sa expression niya, eh sa ang cute niya! Hahahaha! Ang cute pala ni John kapag parang clueless noh? At ayun na nga kinuha ko na lang yung kamay niya. Ngayon naman mukha siyang nagulat.

“Tsk. Ayan kasi, natalsikan ka pa tuloy. Okay lang naman kahit hindi mo gawin yun eh.” Sabi ko sakanya, sumeryoso naman yung mukha niya. Eh? May nasabi ba akong mali?

“A-ah, tara kain na tayo para maka-pasok na din tayo.”

Matapos naming kumain, dumiretso na kami sa sasakyan nila. Nasa likod kami pareho. Unusually quiet naman si John. Nung tumingin ako sa direction niya, tumingin din siya sakin, ngumiti siya. Pero yung ngiting hindi umabot ng mata. Yung hindi genuine.

“Ah, John, okay ka lang ba? Masakit ba yung paso mo?” Eh kasi naman ang tahimik niya, hindi ako sanay. Parang ang awkward.

“Hindi. Okay lang para sayo naman eh.”

“Sure ka? Sorry ah! Pero salamat na din ha. Sobrang na-appreciate ko yung ginawa mo, pero natalsikan ka pa tuloy.” Nako, mukhang alam ko na ang dahilan ng pagiging ganito nito. Baka akala niya hindi ko na-appreciate yung ginawa niya. Pagkasabi ko kasi nun ngumiti na siya, yung totoong ngiti tapos para siyang batang binigyan ng candy sa tuwa. -.-

“Concerned ka pala ah!”

“Siyempre! Kalian ba ko naging hindi concerned sayo?” Sumandal lang ako sa balikat niya bago siya nag-salita.

“Ziely, sana kahit nanliligaw ako, ganon pa din tayo ha? Gusto ko sakin ka pa din nagsasabi ng mga problema mo. Kasi simula dati hanggang ngayon gusto pa din kita protektahan. Siguro na-late lang yung realization ko ng pagmamahal ko sayo pero ang tagal mo na palang may malaking part sa puso ko.”

And with that, wala na naman akong masabi. Nagugulat pa din ako na sakin napili ni John na ipakita ang ganitong side niya, oo sweet kami naturally, pero yung ganitong side niya na sweet, yung sa lahat ng sasabihin niya parang kikiligin ka kasi alam mong this time yung pagka-sweet niya hindi lang dahil bestfriend ka niya kundi sweet siya dahil mahal ka niya.

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon