51

16 1 0
                                    

JOHN’S POV

Poy :) calling…

“Yes, Angel?” Sabi ko nung nasagot ko na yung tawag.

“A-ah, pwede mo ba kong samahan? Ano, tayo na lang yung bumili ng iinumin mamaya.”  At dahil hindi ako maka-paniwala na siya yung unang tumawag sakin, hindi agad ako nakapag-salita.

“Sige wag na lang nga, si Xav—” Hindi ko na pinatapos pa yung sinasabi ni Angel, aba baka mamaya may mayaya pa siyang iba eh!

“Tss. I am going with you. Huwag ka na mag-hanap ng ibang kasama! Ako boyfriend mo diba?”

Pumunta pa kami sa grocery para na din sa mga kakainin namin. May helper naman sa resthouse at pwedeng sila na lang yung bumili pero gusto kasi ni Angel na kami na lang yung bumili.

“Wow. Wala ka ng kodigo sa pamimili ng mga pagkain ah! Parang cook ka na talaga!” Kasi naman bihira lang kami namimili ng pagkain tapos pag bibili pa kami may dala siyang list. Tumawa naman siya ng bahagya.

“Naman! Tinuruan kaya ako ni Xav na mag-luto!” Hindi na maipinta yung mukha ko nung marinig ko yung pangalan niya. Puro na lang Xavier. Tss. Mukha namang naging aware siya sa sinabi niya kaya nag-fade yung pagtawa niya.

“Wow. Ang galing naman pala ni Xav.” Nilagyan ko talaga ng sarcasm sa Xav. Wow binigyan na din pala niya ng nickname si Xavier, ang galing.

“Oo! Ang dami nga niyang natu—”

“Pwede ba ako na lang muna ngayon, Angelie? Kahit ngayon lang, pag magkasama lang tayo. Kahit kunwari lang na ako yung iniisip mo, kunwari lang wala akong kaagaw sayo. Kahit hindi totoo, ako na lang muna.” Hindi ko alam kung anong maiisip niya sa sinabi ko o magiging reaction niya pero sa ngayon hindi ko na talaga kayang itago yung selos ko. Ilang beses ko na namang pinalampas na pag magkasama sila wala siyang naririnig galing sakin, sana naman pag kami naman yung magkasama, nasakin din yung attention niya :(

Napa-iling iling na lang ako at medyo nauna ng mag-lakad sakanya. Nung nilingon ko siya, nasa counter na siya. Magbabayad na siya pero napansin ko yung dami ng liquor bibilhin niya dapat, walo?! Paano naman namin mauubos yun? Masyado yung madami kahit na isama pa yung mga helper para makiinom samin.

“Bakit ang dami niyan?” Tanong ko sakanya habang nakaturo sa mga alcoholic drinks.

“Iinumin natin.”

“Lahat yan? Angelie naman napaka-dami niyan.” Bumaling ako sa cashier at sinabing, “Miss, lima lang po kukunin namin.”

“John!” Sigaw ni Angelie.

“What?” Maiksing baling ko sakanya.

“Iiwan naman natin sa mga helper yung isang bote.” –Angel

“I know. Tama lang ‘yan, apat lang. Masyadong madami yung seven para satin.” Magpo-protesta pa dapat si Angelie pero hindi na niya ito ginawa.

Inabot ko na sa cashier yung bayad pagkatapos niya ipunch lahat ng items.

“John, ako na magbabayad.” –Angel

“Wag na. Nabayaran ko na.” –Ako

“Babayaran na lang kita mamaya.” –Angel

“Wag na nga.” –Ako

Inilipat na namin yung mga pinamili sa sasakyan. Sinigurado kong may kung anumang bagay sa front seat para magkatabi kami ni Angel sa likod. Nakasakay na kami sa likod nung nag-abot siya sakin ng pera.

“Ano ‘to?” Takang pagtatanong ko habang naka-tingin sa pera.

“Bayad ko sa kanina.” –Angel

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon