Fears

194 12 1
                                    

ZIEL'S POV

Dahil sa sinabi ni tita kahapon nandito kami nila John, James, at Jerry na nag susukat ng susuotin para sa kasal ni tita sa Friday. Pwede na lang na pag paalam na kami ni tita sa school.

“Here Kuya oh parang bagay sayo.” Sabay abot ko kay Kuya James ng suit niya. Si Kuya James ang pinaka matanda sakanilang magkakapatid siya din ang pinaka matino.

“Thanks Angelie.”

“ Ziel nakapili na ako ng gown mo, size mo na lang ang kailangan.” Sabi ni tita habang busy sa pag hahanap ng gown niya sa brochure.

“Sige po.” Ginuide na ako nung mag susukat sakin. Mabilis naman akong nasukatan at ipapafollow na lang daw yung gown ko sa Wednesday ngayong week.

 Natapos na kaming lahat kaya ng sarili sarili na kami. Si Kuya James dumeretso na sa office nila para mag trabaho dahil sakanya ipinamana ng mga magulang nila yung isa pa nilang business about sa food, si Jerry naman bumalik na sa class niya kasi 1st year high school pa lang siya. Kami ni John eto deretso sa Mall para mag arcade

“John! Tara dun tayo sa videokehan.”

“Sige pero pag katapos natin dito isunod natin yung basketball ah.” Pagkukumbinsi niya sakin. Yaan naman lagi niyang ginagawa basta makatapak sa loob ng arcade eh.

Natapos kami sa ginagawa namin sa loob ng arcade. Dahil sa pagod namin dumeretso na kami sa favorite naming restaurant. Pag ka lapag ng order ni John di ako makapaniwala sa sobrang dami ng na order niya. Halos mapuno na yung lamesa sa order niya

"John di ka naman gutom no?"

"Medyo lang. Nakakapagod kaya sa arcade." Sabay ngisi niya sakin.

"Malamang kaw ba naman mag shoot nang mag shoot sa arcade eh."

"Masaya kasi mag basketball, babae ka lang kasi kaya di mo ma-appreciate yang basketball."

“Yeah. Whatever. Kumaen na nga lang tayo. Tara lavang na John.” Pag aaya ko sakanya.

“Lavang? Tigilan mo nga yan Angelie di bagay sayo. Para kang bakla eh.”

“Anong masama sa baklush-language ha?”

“Wala naman tara lavang na nga.” Hahaha! Di ko napigilan ang mag tatatawa sa sinabi niya.

“Parang kang balak hahaha John.”

“Tumigil ka nga Angelie.” Sabay irap niya sa akin.

“Ikaw kaya tumigil diyan para kang bakla sa pag irap mo ha. Bahala ka pag may nakakita sayo na mga babae sa kabilang table baka pag kamalan kang bakla diyan. Kaw din mawawalan ka ng chiks.”

Nagkwentuhan lang kami nang ng kwentuhan tungkol sa parents namin. Close friend kasi yung mga parents namin kahit yung parents ni Peter close din nila. Nung wala na kaming mapagkwentuhan nag decide kaming umalis pero wala din kaming maisip na mapuntahan kaya ng road tip na lang kami.

JOHN'S POV 

"Hey may bibilhin ka ba. Daanan muna natin kung gusto mo." SILENCE. Pag tingin ko sakanya tulog na naman siya lagi naman siyang ganyan pag bumabyahe it's either tulog siya o kaya ng tetext. Ba't kaya ganyan na naman suot niya para niyang tinatry mang-akit o kung ano eh. Even though she's a btch napakaganda pa rin talaga niya she has a tantilizing eyes, mahahabang pilikmata, pointed nose, thin lips, nag padagdag pa nang ganda niya yung pag kakinis niya at pag ka maputi.

Nakarating kami sa hang-out place namin. Eto talaga puntahan namin ni Angelie pag kaylangan mo mag isip mag isa. Dati nakita ko siya dito na mag isa yun pala yung araw na umalis yung parents niya, nang dahil dun naging mag kaibigan kami.

"What are you staring at?” Di ko napansin nakatingin parin pala ako saknya. Di ko na nasagot tanong niya kasi lumabas na siya at pumunta sa comforter para kunin yung banig dun samantalang ako naman busy sa pag aayos nang pagkain habang papunta dito kanina. Di ko alam kung paano niya nalaman na may banig dun kasi banig naman yun ni Angelo.

“Angelie, paano mo nalaman na may banig diyan eh banig yun ni Angelo?”

“Ah, instinct alam ko naman di tayo pupunta dito kung wala kang dalang banig eh.” Di na ako nag salita. Tama naman siya, nakasanayan ko na rin kasing mag check nang mga gamit bago umalis.

Pag katapos namin ayusin humiga na ako samantalang siya naman nag tetext habang nakasandal sa pinakamalapit na puno na unusual. Bihira lang siya mag text lalo na pag kasama niya ako.

“Problem?” Di ko na napigilan mag tanong sakanya.

“Uuwi daw si mommy dito bago masimula yung kasal nila tita.”

“Oh ba’t parang di ka Masaya eh uuwi na naman sila dito.”

“Yun nga eh walang sila na uuwi kasi si mommy lang. Busy na naman daw kasi si daddy kaya di makakauwi.” Halata sa boses niya na malungkot siya.

“Wag mo na yun alalahanin nandito naman kami nila Kuya, Jerry, sila Daniel, Robert, Peter, at Angelo. Pwede mo naman kaming ituring na pamilya eh. Kaya wag ka ng malungkot diyan Angelie. Wag mo na lang silang intindihin para sayo naman yun eh.” Sana naman makatulong yung sinabi ko sakanya, alam ko she’s been longing for her family ang tagal niyang inasam kahit isang week lang na mabuo pamilya niya kahit sa isang taon lang. Wala ng time parents niya para sakanya kasi lagi silang busy sa business trip nila, ganun din naman parents ko pero ako may mga kapatid ako nandiyan para sakin sila Kuya James at Jerry samantalang siya only child lang kaya mas mahirap sa part niya.

“Ilang days lang after the wedding birthday ko na sana naman kahit sa birthday ko nandito sila. Ang tagal na nilang di umuuwi dito.”

“Don’t worry di ka namin hahayaang maging malungkot sa mga araw na wala yung mga parents mo. Always remember nandito lang kami for you.”

“Thank you Pot!” Di ko na pinansin yung tawag niya sakin kasi alam ko ngayon na kailangan niya nang karamay. I hugged her para naman kahit papaano makatulong ako sakanya as her bestfriend. Naging tahimik lang kami.

“Angelie wala ka bang balak ma seryoso? Yung mga walang fling?” Tanong ko, out of the blue.

“Ayaw ko nang mga serious relationship. Nakakasakal yan, walang freedom, bantay sarado ka sa boyfriend mo, tsaka baka mabored lang ako diyan. Dmn love, John.”

“Stop cursing the love, curse the person who make you feel that way. So di ka pa okay? I mean di ka pa nakakamove on?”

“Nakamove on na ako, it’s almost a year John. Masaya na ako sa fling fling lang. Wala na akong pake dun. Ikaw ba wala ka bang balak mag seryoso?”

Natahimik naman ako sa tanong niya. Napag isip-isip ko na, kalian ba ako mag seseryoso sino ba magpapatigil sa pagiging playboy ko?

“Di ko alam Angelie. Siguro di ko lang talaga nahahanap yung for the right girl for me. Tsaka parang ikaw masaya lang din sa fling fling nay an.”

Di ko na siya narinig sumagot. Nakahiga na rin pala siya sa banig na busy sa pagtingin sa ulap. Di ko makapagkaila na di maganda ang ulap. Dahil habang gumagalaw ito mas lalong gumaganda ang sikat ng araw. Pwede na lang nandito kami sa pagitan ng dalawang puno kaya di kami masyadong nasisikatan.

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon