ZIEL’S POV
Nung nakaalis na yung mga kaibigan ko, ayun nga tinalikuran ko na si John kahit na nasa may pintuan pa lang siya. Humiga ako with my back na nandun sa sofa na tinu-tulugan ni John para hindi ko siya maka-harap. I heard him sigh bago tuluyang masarado yung pinto.
“You okay?” Tanong niya sakin. Malamang alangan namang kausap niya yung pader diba? Hindi ko naman siya sinagot. Nako, makakaramdam din ‘to na nagtatampo ako! Nako talaga!
“May masakit ba sayo?” Hindi ko pa din siya kinikibo. Effective ata pagpapa-chix ko eh! Sige, mang-hula ka dyan. Nanghuhula din ako kung pano naging taken ka ng hindi ko man lang nalalalaman.
“Hey, may nararamdaman ka ba?” I can hear yung concern sa boses niya.
“H-ha? May nagpaparamdam ba? May nararamdaman ka bang hindi ko nararamdaman?” Sabi ko sakanya sa takot na boses. Binato niya naman ako ng unan.
“What the hell? Naka-confine pa nga ako tapos mambubugbog ka dyan!” He laughed sa sinabi ko. Tumawa lang kami.
After namin tumawa, nanood na lang kami ng TV. Nakaupo siya sa bed ko, sabi ko kasi eh. Ako naman, naka-upo, naka-sandal yung likod ko sa bed.
“Pot.” I called him tapos tumingin sakanya. Tinignan din naman niya ko.
“May sasabihin ka?”
“Ikaw, may sasabihin ka ba?” I returned the question sakanya. Mukha namang naguluhan siya sa sinabi ko.
“Sabihin mo nga, since when ka pa nagkaron ng girlfriend?” Para siyang nagulat sa sinabi ko. Aba! Nagulat pa ba siya na alam ko na? Tsk. Kurimaw talaga.
“San naman galing yan?” Mahalaga pa ba kung san galing yun? Hindi na lang kasi sagutin eh.
“Yung sabi nila kanina. Taken ka na daw. I’m just wondering kung bakit hindi mo sinabi sakin.” Pinisil naman niya ng marahan yung ilong ko.
“You’re not answering my question.” Pagtataray ko sakanya.
“Okay, okay. My heart is taken, yes. But I don’t have a girlfriend.” He told me calmly.
“Really?! Taken na talaga puso mo? You really are inlove with someone? Wow! Akala ko ba ang unang mainlove talo?” I can’t contain my excitement! Inlove ang bestfriend ko? Really? It’s great then. Kalian ko kaya mami-meet yung girl? Nako, dapat talaga hindi niya saktan si John!
“Matagal na naman akong talo.”
“Are you serious sakanya?”
“Oo naman.”
“So you’re courting her?”
“Hindi.”
“Ang torpe mo naman! Nako. Baka maagaw pa ng iba yan! When do you plan to court her?” I asked him.
“I don’t know if I could ever court her. I don’t think magpapaligaw siya sakin.”
“What are you saying? You’re dmn hot! Ang gwapo gwapo mo! Magaling ka kumanta, you’re intelligent. Mabait ka, you’re God-fearing. Mapagmahal ka, ang sweet mo pa! Ang swerte kaya nun sayo! Bonus na lang na isa kang Villanueva! Kung hindi lang kita bestfriend baka pinatulan na kita eh!” Oops! Ano ba yung nasabi ko?! Shoot! But what I said is true naman talaga. Halos package na siya eh.
“Talaga? Tingin mo maswerte ka sakin?”
“H-ha?” Medyo nagets ko yung sinabi niya pero ako swerte sakanya? Oo naman noh, sobra. Eh kasi naman kanina sinabi ko na ang swerte nung babae sakanya. Ano? Ako mismo nalito eh.
“Wala.” Ngumiti lang siya.
“What is she like?” Tanong ko na naman sakanya. Parang nag-isip naman siya.
“Well, she’s like you.”
“Nako! Eh mas swerte ka pala dun sa babae! HAHAHA!” I kid. Eh kasi naman kung katulad ko, eh di ang swerte nga niya! Haha.
“But I really am.” He replied after niya maka-recover sa kakatawa. “I just hope na may pag-asa ako sakanya. Cannot be reached kasi eh. Ang taas niya.”
“Ha? Bakit naman siya mataas? Naka-bitin ba siya?” Okay, ang corny ko! Tawa po kayo.
“So no flings?” Tanong ko na naman sakanya.
“Hmm. Let’s see. Maybe.” Aynako nagdadalawang isip pa!
“But really, when could I meet her? I’m just a bit curious. Kasi naman ngayon lang kita nakitang ganyan over a girl.”
“Matagal na kong ganito noh, hindi mo lang napapansin.”
“Aba. Hindi ko pa napapansin ha?” Sabi ko naman tapos hinampas siya ng unan. Sinasangga niya naman yun ng kamay niya.
“Pero gusto mo ba talaga siya makilala?”
“Oo naman! Eh baka paiyakin ka nun noh! Syempre ako back up mo! Para alam ko kung sino pupuntahan ko!” Natawa naman siya sa sinabi ko. May nakaka-tawa ba? Tss. Parang ewan talaga minsan.
“Kilala mo siya. But if you wanna see her, tingin ka lang sa salamin.” Ha? Bakeeeet? Hindi kaya multo talaga type ng lalaking ‘to? Shet. Maligno siguro. Wag niyo po siyang papabayaan. Waa! Yung midnight ritual? -.- Waa! But kidding aside, sino nga kaya yun? Kilala ko daw? Eh wala naman akong masyadong close na babae maliban kay Monica.
Lucky I’m inlove with my bestfriend
Lucky to have been where we have been
Lucky to be coming home again
Ringtone ni John biglang tumunog! Nag-mumuni muni pa man din ako. Nawala tuloy ako sa pag-iisip. Tsk. Nakita ko naman yung screen ng phone niya.
Mommy calling…
Sinagot niya naman yun. Syempre puro siya lang yung maririnig ko at hindi ko maririnig yung sasabihin ni Tita. Tatanungin ko na lang siya mamaya, or hindi ko na lang siguro tatanungin.
“Mom! Are you with Dad?”
“Opo, pano niyo nalaman?”
“It’s a long story. But she’s a bit fine now.” Pagkasabi niya nun tumingin siya sakin. Nabalitaan na siguro nila yung nangyari sakin. Oo nga pala saglit na lang dadating na sila Tita. 5 days from now. Sana naman hindi na nila ako maabutan dito sa hospital. Gusto ko na din kasi lumabas dito eh.
“What? 2 days? You know I can’t leave her.”
“Okay, okay. Akala ko naman.”
“Yes. Take care, Mom. Pakisabi na lang din kay Dad. I love you both.” Pagkatapos nun humarap siya sakin. Nginitian ko lang siya. Hindi na ko nag-tanong.
“They called to tell me na napa-aga yung uwi nila. They will be here in 2 days.” Siya na nagsabi sakin ng news.
“Ha? Bakit daw?”
“Well, they knew about what happened sayo. Gusto na agad nilang umuwi. Gusto ka nilang makita. They’re so worried.” Close kami sa family ng isa’t isa kaya siguro sobra na din sila mag-worry.
“But John, they don’t have to. Pwede naman nila akong makita diba? At tsaka mahal mag-bago ng date ng flight diba?” Alam ko naman na mayaman sila pero nakakahiya kasi eh.
“Dapat nga uuwi na sila ngayon, pero cancelled lahat ng flights until tomorrow kasi may bagyo. Hayaan mo na lang sila okay? Alam mo namang mahal na mahal ka namin.” I just smiled sa sinabi niya.
“Hmm, pwede naman sigurong magpasama na lang ako dito sa day ng arrival nila Tita Mommy. You could go fetch them.” Sabi ko sakanya.
“No. I’m not gonna leave you. Sila Kuya James at Jeri na susundo sakanila. They’re gonna understand that. I have told them na din naman kanina. Hindi kita iiwan, okay?” After niyang sabihin yun, hinawakan niya yung kamay ko. Waa! Buti na lang talaga nandito sila, lalo na siya. Kundi hindi ko na siguro alam kung paano ko lalagpasan ‘to. Siguro kung nung umpisa pa lang wala na si John, baka nga hindi pa ko natutong maging matapang. I owe it all to him.
BINABASA MO ANG
Bestfriend?!
Teen FictionThis is a story featuring Ziel Angelie Santiago Gomez and John Steinfergd Fajardo Villanueva. These two are best of buddies since their elementary years. Ziel is a typical nerd girl, who have changed, with the help of her playboy bestfriend, since t...