Confession

98 4 1
                                    

JOHN’S POV

Ngayon na yung outing namin. Sa beach resort ng family namin ni Angelie yung pupuntahan namin. Recently lang ‘to natapos kaya hindi pa namin napupuntahan. Madalas si Kuya James yung pumupunta dito para icheck yung progress sa pagpapatayo nung beach resort. Naka-punta na kami isang beses dun ni Angelie, siguro ang ganda na nung beach resort ngayon.

Dumating na yung mga ulupong. Sila Mom, Dad, Kuya James at Jerry naman wala pa. Kakain na daw muna sila. Nauna na kong pumunta sakanila kila Angelie, pinakain din kami nila Tita Alisson at Tito Zanjo dito.

Nung nasa dining area na kami, nilagyan ko ng bacon, spam at kanin si Angelie. Nginitian naman niya ko. Yung mga ulupong naman naka-tingin lang dahil sa ginawa ko. If I know nang-aasar na ‘to sa isipin nila. Sila Tita Alisson naman tsaka Tito Zanjo napansin ata yung ginagawa nung mga kumag. Tapos napa-ngiti din, si Tito Zanjo naman napa-iling iling pa habang naka-ngiti.

Maya maya pa dumating na din sila Mommy. Nilagay na namin yung mga dadalhin na mga gamit sa van bago kami umalis. Sa gitna kami ni Angelie umupo. Excited na kaming lahat. Ang ingay ingay sa van. Pati si Ace nakikisama sa ingay namin. Buti na lang kasama si Jerry kaya may kasundo siya ngayon. Naglalaro sila. Sila Tita Alisson at Tito Zanjo naman, naka-hiwalay ng sasakyan, pati sila Mommy naka-hiwalay ng sasakyan samin.

Napa-tingin ako sa kanan ko, kay Angelie. Sa loob ng see through niyang damit, naka-suot na siya ng swim suit niya. Nagpapa-tugtog kami sa van. Ang ganda talaga ni Angelie. Yung matangos niyang ilong, mapungay niyang mata, kissable lips, mala-porselanang kutis niya. Nung nagka-kilala kami nito, hindi pa ganon kataas yung kompyansa niya sa sarili niya, pero dahil na nga din sa niloko siya ng boyfriend niya, natuto siyang lumaban. Ngayon ang dami ng nagkaka-gusto sakanya. Sa lahat ata ng section sa mga year level may admirer siya. Kahit dun sa higher level may nagkaka-gusto sakanya.

Bata pa lang kami mag-kaibigan na kami. Parehas kaming Section A nila Peter dati. Hanggang sa nung nagbago siya, napunta kami parehas sa Section B. Siguro medyo napabayaan na niya ang pag-aaral, hindi na siya ganon katutok sa pagrereview pero nage-excel pa din naman siya. Naalala ko nung nag-enroll kami dapat sa Section A kami pareho pero ayaw niya.

Malapit na kami mag-sembreak. 5 days na simula nung naka-labas ng hospital si Angelie, medyo bumalik na yung sigla niya, pero madalas balisa pa din siya. Nakatulong na din siguro na madami kaming mga nakakasama niya kaya hindi na niya masyadong naiisip yung nangyari.

“Hoy Steinfergd! Nagmumuni muni ka na naman dyan! Nasa tabi mo lang oh!” Sabi ni Gelo.

“Wag niyo nga asarin.” Sabi naman ni Angelie na nakiki-sakay lang sa pang-aasar nila. Nagsi-tawanan naman kami.

Pano kaya? Pano na kaya kami kapag nalaman niya na siya pala talaga yung nakakuha ng puso ko? Nalilito na ko.. Hindi ko alam kung pano ko sususbukan na tanggalin yung pagtingin ko sakanya. Ang tagal ko na ‘tong nararamdaman. Sinubukan ko namang pigilan eh, pero palagi na lang.. Palagi na lang na siya yung iniisip ko, palagi na lang na siya yung hinahanap ko. Kaya ako nagfi-fling kasi sinusubukan kong ibaling sa iba yung attention ko, pero bakit parang siya na ata yung pinaka-magandang babaeng nakita ko? Ngayon, alam ko na, na mahal ko na nga siya. Pero ayokong masira yung kung anumang meron kami, ayokong baka iwasan niya ako.

Duwag ako. Oo, isa akong malaking duwag. Natatakot akong mawala siya sakin, hindi pa man kami. Kaya hanggang hindi pa siya nakakakita ng makakapagpasaya sakanya, ako na lang muna. Ako na lang muna ang bahalang mag-bantay at mag-alaga sakanya.

“Matapos ang ilang weeks, YES! Makakakita na din tayo ng mga babae!” Biglang sabi ni Dan. Totoo naman kasi na ilang weeks na kaming walang pahinga dahil sa mga school works at school activities. Yung mga school program na madalas ay inaasikaso namin.

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon