AUTHOR’S NOTE:
First of all, SORRY! Sorry talaga if it took me sometime to post an update. Vacation kasi! Hehe. Pagkauwing pagkauwi ko nag-update agad ako. SORRY TALAGA! Sana may matiyagang naghihintay pa! I’m not quite sure kung magiging consistent yung pag-update ko. Sorry guys! Please bear with me! Sorry din para sa mga tae taeng updates! But thank you to my dear readers! If by any chance ay meron pa ako. God speed everyone! :)
---
ZIEL’S POV
Pagkadating ko sa school, hinanap ko si John. Yup, hinanap ko siya kasi hindi kami sabay na pumasok ngayon. Pumunta ako sa bahay nila kanina pero nauna na daw siyang umalis pero pagdating ko sa room, wala pa siya. Hinayaan ko na lang muna siya. Umupo na lang ako sa seat ko habang naghihintay sa prof namin. Sa loob ng room, may kanya kanyang mga grupo na nagkukumpulan. Pinasak ko na lang sa tenga ko yung earphones at nagpa-tugtog ng malakas na music. Maaga-aga pa bago mag-start ang klase namin, akala ko naman kasi may magagawa ako. Inaantok pa ata ako? Kasi naman mag-kausap kami nila Daddy at Mommy sa Skype kagabi. Medyo late na pero nakipag-usap pa din ako sakanila, bihira lang kasi yung time na hindi sila busy eh. Tumango na lang ako sa desk ko. May naririnig naman akog mga boses pero parang hinihila na ko ng kaantukan ko. Ilang sandali pa, tuluyan na kong nakatulog. Ang ganda din ng mga pinapatugtog ko, para akong hinehele. Naalimpungatan ako at bahagyang napa-galaw nung biglang rock yung tumugtog. Pagka-gising ko walang mga tao. NASAN SILA? Tinignan ko yung orasan ko at napansin ko na Break Time na pala namin. The hell? Iniwan nila akong LAHAT? Wala man lang nag-abalang gumising sakin? Hindi man lang ako napansin ng dalawang prof namin na dumaan? Siguro hindi nila ako nakita, nasa may bandang likuran kasi ako. Tatayo na ako para lumabas ng room nung may nag-salitang guy.
“So pumasok ka para matulog lang Ziel Angelie? Hindi porke matalino ka matutulog ka na lang ng matutulog sa mga klase mo.”Sabi ni John. Seryoso ba siya or is he trying to mock our prof? Tinignan ko lang siya tapos nilagpasan. Inakbayan niya naman ako pero hindi ko pa din siya pinapansin. Hindi naman ako galit eh, inaantok lang ako talaga. At tsaka ewan ko ba, may mali akong feeling.
“Hey, chill. Are you mad? Why are you ignoring me?”He asked me pero hindi ko pa din siya pinapansin. Nag-lakad lang ako nang nag-lakad. I don’t feel like talking to anyone.
“Angelie, ano ba. Are you mad?”Am I mad? He sounded desperate. Tinanggal ko na yung pagkaka-akbay niya sakin na mukhang kinagulat niya tapos tsaka ko siya hinarap.
“Sorry.”Matipid na sagot ko sakanya tapos tsaka ko kinalawit yung braso ko sa braso niya.
Pagtapos nun hindi na kami nag-salita. Mukha namang okay lang sakanya, minsan ang hyper namin, minsan sobrang tahimik namin. Kung saan saan kami lumalakad, tapos nung nasa garden na kami ng school, huminto siya.
“Dito ka na muna. I’ll be back.”Paalam sakin ni John, tumango na lang ako at ngumiti. Umupo na lang ako sa isa sa mga upuan doon. May mga tao din dito pero hindi naman ganon kadami katulad nung sa canteen at sa gym. Ewan ko ba kung bakit parang hindi naaappreciate ng mga students dito yung garden, ang aliwalas kaya sa lugar na ‘to. Ang peaceful pa at hindi mainit. Parang place ‘topara makapag-isip ka.
“Hi Miss.” Sabi nung isang lalaki. Though I’m not sure kung ako yung kina-kausap nila, inirapan ko sila.
“Miss ang sungit mo naman.”Now I’m sure na ako nga ang kinakausap nila. Tumayo na lang ako sa kinauupuan ko, jerks. Mga walang magawa sa buhay. Kung makikipag-fling ako, dun na ko sa mga mukhang may class noh. Mga feeler. Lumipat na lang ako sa ibang bench.
“Angelie! Gising ka na pala!”Sabi ng isa kong classmate na babae na may kasamang mga lalaki. Halata ba? Nasa garden na nga ako diba? Binigyan ko lang sila ng Yea-thanks-but-no-thanks-to-you-guys-smile na mukhang nagets naman nila agad. Nag-bulungan sila tapos nag-salita yung isang guy.
BINABASA MO ANG
Bestfriend?!
Teen FictionThis is a story featuring Ziel Angelie Santiago Gomez and John Steinfergd Fajardo Villanueva. These two are best of buddies since their elementary years. Ziel is a typical nerd girl, who have changed, with the help of her playboy bestfriend, since t...