JOHN’S POV
10:30 am na nung nagising ako. Ugh ang sakit ng ulo ko. -.- Pumunta na lang ako sa room nila Angelie. I’ll go check on her.
Pipihitin ko pa lang yung door knob pero bumukas na bigla. Si Monica yung nag-bukas. Mukhang medyo kanina pa siya gising, nginitian naman niya ko.
“Si Angelie?”
“Grabe ka naman! Ako nag-bukas ng pinto oh, si Angelie agad hinahanap mo? Wala man lang bang good morning dyan?”
“Ah, sorry. Baka kasi mag-selos si Peter mo eh. Good morning, Monica!” She blushed nung sinabi ko yun, I can feel it. Konti na lang talaga magiging sila na ni Peter eh. Ramdam ko!
“Ah, eh, a-ano bang s-sinasabi mo dyan! Peter ko? E-Ewan ko sayo! Puntahan mo na nga lang si Angelie! Tulog pa siya eh. Gisingin mo na lang. I’ll go.” Sabi naman niya tapos lumabas na ng room.
Pumunta ako sa lugar ng bed nila, umupo ako sa kama ni Monica habang pinagmamasdan kong matulog si Angelie. Kahit kalian talaga tulog mantika ‘to.
Tumawag muna ako para magpadala ng food sa room nila Angelie. Maya maya pa lumapit na ko sakanya at inistart na siyang yugyugin para magising.
“Angelie, tanghali na. Gumising ka na.” After ng ilang beses kong pangungulit sakanya sa wakas ay tumayo na din.
“Buti naman gising ka na din mahal na prinsesa.” Kinusot-kusot muna niya yung mata niya. Slow motion din umupo ng kama ang babaeng ‘to. Tss.
“Anong oras na ba at ngawa ka ng ngawa dyan ha? Ang sakit pa ng ulo ko eh.”
“H-ha? Masakit ulo mo? Hang over siguro yan. Ikaw kasi eh, dapat hindi ka na uminom ng ganon kadami eh. Ano, okay ka lang ba? Gusto mo itimpla kita ng kape?” Tumayo na ko kasi ipagtitimpla ko dapat siya ng kape pero hinawakan niya yung kamay ko.
“O-okay lang. Salamat John.” I just smiled at her as a response.
Hindi naman nagtagal, dumating na din yung breakfast niya. Breakfast in bed lang naman yung drama niya ngayon. Katamaran talaga tumayo.
“Ah, John, ikaw ba kumain na? Gusto mo?” Tanong niya sakin. Ang totoo naman niyan kumain na talaga ako. Pero lumapit pa din ako, akmang susubuan niya ko. Pero bigla niyag nilayo yung spoon sakin. -.-
“Angelie!!” Sigaw ko sakanya. Bigla namang tumakbo ‘tong si Angelie at ako siyempre hinabol ko lang siya. Merong pumunta siya sa likod ng lamesa, tumalon sa kama, nagtago sa banyo, para lang talaga kaming mga bata ngayon. -.- Pero dahil na nga mas mabilis pa din ako tumakbo sakanya, nahuli ko siya. Tumatakbo siya patalikod nung hinapit ko siya sa may tiyan at binuhat papuntang kama.
“Aha! John!! Ibaba mo ako!”
“John!”
“Shet John! Sorry na! Ibaba mo na ko!”
Paulit ulit na sigaw niya, binaba ko naman siya nung nasa kama na kami. Tapos humiga ako sa tabi niya. tawa lang kami ng tawa. Tapos tumingin ako sakanya, matamang nakatingin. Tumingin din naman siya sakin.
Ang ganda niya. Tinignan ko yung mukha niya hanggang sa napa-tingin ako sa (lunok laway) labi niya. There’s something na nagpupull sakin.. May nagtutulak sakin na ikiss siya. Nararamdaman ko yung lakas ng tibok ng puso ko. Though dati nagkakakiss na kami pero purely pang-magkaibigan lang. Eh pero this time pang-mag-kaibigan pa din nga ba? Tinignan ko si Angelie, I can’t read her pero napa-lunok siya. Is she also feeling this?
Malapit na. Shoot 5—4—3—2—
KNOCK KNOCK!
Pakshet naman oh! Ang lapit na eh! Napa-ayos kami ni Angelie, pumunta na lang ako sa pinto para buksan yun. Pagkabukas ko bumungad naman sakin si Angelo.
BINABASA MO ANG
Bestfriend?!
Teen FictionThis is a story featuring Ziel Angelie Santiago Gomez and John Steinfergd Fajardo Villanueva. These two are best of buddies since their elementary years. Ziel is a typical nerd girl, who have changed, with the help of her playboy bestfriend, since t...