ZIEL’S POV
Pa-pungas pungas na binuksan ko yung mata ko. Antok na antok pa ko. Ang dami naming projects na tinatapos. Hindi na ko pumunta sa room ni John. Oo, dito siya natulog. Halos tapos na kasi niya lahat ng projects namin, kaya tinutulungan niya ko. Tinignan ko yung clock na malapit sa bed ko, it reads 6: 30 am. Tumayo na ko though 1 hour nab ago mag-start yung class namin. Nag-gurgle na muna ako at nag-hilamos bago lumabas ng room, hindi pa ko nagsusuklay pero hinayaan ko na. pababa na ko nung nakita ko na kakalabas lang ni John dito sa room niya dito sa bahay. Magkatabi kasi yung room namin dito sa bahay. Pagkatkita niya sakin, ngumiti siya bigla. Yung ngiti na parang tinatago pero biglang lumabas.
“What?” Tanong ko sakanya. Ano bang meron dito?
“Nothing. I just realized na ang ganda mo pala kahit bagong gising.”
“Are you kidding? Hindi pa nga ako nagsusuklay eh.” Ngumiti naman siya after ko sabihin yun.
“Good morning!” Inakbayan niya ko.
“Good morning.” Naka-ngiting sabi ko din sakanya.
“How was your sleep, dear?”
“Okay lang naman, medyo inaantok pa nga ako eh. You, handsome?”
“Bitchy morning? Bakit hindi ka na lang magpalate? Wala naman tayo gagawin masyado eh. I bet gagawa lang tayo ng projects.” Sinabi niya yung bitchy morning kasi tinawag ko siyang ‘handsome’ parang hindi pa siya nasanay.
“You’re really handsome, babe.” Sabi ko naman sakanya na lalong inaasar. “Pero sayang attendance, at tsaka you’ll never know kung balak ng teachers natin mag-lesson diba?”
“You could catch up sa lessons easily eh.” Maya maya kiniss niya ko sa cheek. Oops! Caught off guard. Gumanti ‘to sa pang-aasar ko though sanay na naman ako.
“Ano ka ba. I’m fine, inaantok lang naman ako.” Nasa stair case na kami nun.
“Okay okay. Kulit mo. Tara kain na nga lang tayo.” Tapos kinurot niya ko sa cheek, nag-nod naman ako sakanya. Umupo na siya sa dining table. Pumunta naman ako dun sa kung nasan nakalagay yung oatmeal kasi wala akong gana na kumain ngayon. Pagkalingon ko naman sa table, pinapanood pala ni John yung mga galaw ko. Tumalikod ako, tinry ko i-reach yung cabinet kung nasan yung oatmeal. Narinig ko naman na tumayo siya. Maya maya pa naramdaman ko na lang na nasa likod ko na siya. Yung isang kamay niya nasa left side ko, nung humarap ako sakanya, sobrang lapit namin. Para akong nakakulong sakanya, nginitian ko lang siya.
“Pakuha nga nun!” Sabay turo ko sakanya kung san nakalagay yung oatmeal.
“Kiss muna?” Tumuro naman siya sa lips niya.
“Pervert! Umaandar na naman ka-maniac-an mo ha!”
“What nagawa na naman natin yun ha? Bakit sa mga ka-fling mo ginagawa mo yun?” Dahell!
“Ano ba! Ewan ko sayo! Maniac ka talaga!”
“You think so?” Mas lalo naman siyang lumapit, nung una nagulat ako pero nabawi ko din naman agad yun. Hindi ako nagpatinag, nakipag-titigan na lang ako sakanya.
Minutes after, nag-smirk na siya at naghands up na sign ng pag-surrnder tapos hindi na niya binlock yung way ko.
“Yung oatmeal ko pakuha!”
“No way! You’re eating rice, okay? Breakfast is the most important meal of the day!”
“Ate please make sure that she eats heavy breakfast kapag wala ko dito ha?” Sabi niya naman sa mga maids namin. Nako, patay na patay yung iba dyan sakanya. Lalo na yung mga bago! Sus parang nire-rape siya sa isip nila eh.
“What? Just for today!” Pag-protesta ko naman.
“Ano ka ba. You’ve been up all night tapos hindi ka kakain ng matino? Gusto mo magkasakit?” Sermon niya naman sakin.
“Alam mo, ang OA mo lang! Hindi naman ako magkakasakit eh, at tsaka ngayon lang naman.” Reasons.
“You’re so stubborn. Kainin mo na lang ‘to.” Sabay lagay ng kanin at ulam sa plate ko.
“Go ahead. Eat it. Anong oras na oh. Baka malate pa tayo.”
“Fine.” Sabi ko naman tapos kinain na yung nilagay niya sa plate ko. Tss. Makulit talaga ‘tong taong ‘to. After eating, naligo na kami, syempre hiwalay yung banyo noh! May mga gamit din siyang nandito. Nandito nadin yung iba niyang uniforms. Dumiretso na kami sa school after nun, puro nga project making. Buti na lang yung iba kong projects, malapit ng matapos. Thanks to you John! Yung ibang subjects tapos na ko, natulog na lang ako. Tapos na din naman si John sa projects niya kaya hindi ko na siya tinulunga. Haha! Natulog na lang muna ako. Kulang talaga tulog ko eh.
JOHN’S POV
Nakita ko na ulog si Angelie. Tapos na naman niya projects niya eh, alam ko na kulang pa tulog nito. Anong oras na din kami natulog dahil sa paggawa ng projects niya eh. Ayaw na nga niya na tulungan ko siya kaso mapilit talaga ako. Pinag-masdan ko na lang siya habang natutulog. Ang ganda niya! Ang peaceful. Yung teachers naman namin naka-bantay lang, syempre project making eh. Maya maya pa nag-ring yung bell for lunch, nilapitan ko na siya to wake her up. Or yun nga ba yung pakay ko? Feeling ko lumapit lang ako para lalo ko siyang mapagmasdan eh. Ang ganda niya, para siyang doll, almost perfect. No wonder ang daming nanliligaw sakanya, pero dadaan muna sila sa kamao ko noh!
“Dude, baka matunaw!” Bigla namang may asungot na nag-salita. Sigurado ko si Angelo yun. Tinignan ko lang siya, kasama niya yung iba pang mga kaibigan namin maliban kay Peter. Pano ba naman kasi nahuli nila kong naka-tingin kay Angelie ng up close.
“Bakit ba kasi hindi na lang ligawan si bestfriend? Gwapo gwapo ang torpe!” gatong naman ni Daniel.
“Mga gago! Mauna na nga lang kayo! Susunod kami!” Nang-asar pa sila after nun. Ako naman lingon ng lingon kay Angelie, para tignan kung nagigising na ba siya pero hindi pa din talaga. Mahimbing tulog niya. Inayos ko yung buhok niya. Gumalaw naman siya ng konti na nakapagpangiti sakin. Kiniss ko yungtip ng ilong niya. Tapos maya maya pa naalimpungatan siya.
“What are you doing? Kiniss mo ba ilong ko?” She asked me, tumawa lang ako.
“What? Naramdaman ko eh! Kaya ako nagising! Ano ba! Natutulog kasi ako eh!”
“Sorry! Hindi ko mapigilan! You’re way too gorgeous. Ilong lang naman! Sorry na!” Oops, is she blushing?
“Stop it Pot ha! Maniac ka talaga!” Bakit ba parang diring diri siya? Tss. Eh kiniss na nga niya ako dati sa lips eh, smack lang naman. At tsaka sa cheek. Ewan ko dito. Nainis ako bigla.
“What? Ganyan ba tingin mo sakin? I am not! Eh di sana sa lips kita kiniss kung naga-advantage ako! Tss. I respect you tapos ganyan pala tingin mo sakin? Ha! Ewan ko sayo!” Pagkasabi ko nun umalis na ko. Narinig ko naman siya na nag-sigh pero hinayaan niya na ko.
BINABASA MO ANG
Bestfriend?!
Teen FictionThis is a story featuring Ziel Angelie Santiago Gomez and John Steinfergd Fajardo Villanueva. These two are best of buddies since their elementary years. Ziel is a typical nerd girl, who have changed, with the help of her playboy bestfriend, since t...