54

17 1 0
                                    

JOHN’S POV

4 months had passed since umalis si Angel. Palagi pa din akong pumupunta sakanila para magdala ng mga bulaklak. Umaasang bawat araw na pupunta ako dun, baka nandun na siya pero wala pa din. Wala siyang sagot sa mga messages ko. Lahat ng tao sa paligid ko iisa lang yung sinasabi, “HAYAAN MO NA MUNA SIYA, GUSTO NIYANG MAPAG-ISA.” Pero hindi ko sila pina-pakinggan. Not until she says so. Wala pa akong naririnig galing kay Angel na kahit ano, ni hindi ko alam kung maayos lang ba siya, kung ano bang ginagawa niya. Ang tanging assurance ko lang na okay siya ay dahil sinasabi ng parents niya at parents ko.

Pasukan na pero hindi naman ako ginaganahan mag-aral. Paano ako gaganahan? Wala si Angel, hindi niya sinasagot yung messages ko, ni walang updates sa facebook, I don’t even know where I stand sa buhay niya. Umalis siya nung araw na ayos pa naman kami, pero bakit siya umalis? May problema ba? Kung meron at hindi na niya kaya, bakit hindi niya sinabi sakin? Ilang beses kong tinanong yung mga tanong na yan sa sarili ko. Mahal pa ba niya ako?

“Steinfergd?” Napa-tingin ako sa tumawag sakin at nakita ko ang isang familiar na mukha. Tinignan ko lang siya saglit, nang nakakunot yung noo ko pagtapos ay hindi na ulit siya tinignan.

“Ako ‘to, si Miles. Hindi mo ba ko naaalala?” Sabi niya nang nakalapit sakin pero hindi ko pa din siya pinansin.

“Ano ka ba! Classmate ako ni Audrey.” Yea right, Audrey, yung pinsan ko na 3 years older. Itong Miles na ‘to yung may gusto sakin. Tss. Tinignan ko lang siya at nagpatuloy pa din sa paglalakad.

“Look at you! Ang laki na ng pinagbago mo! You’re taller now, but pumayat ka. Kumakain ka ba ng maayos?”

“Why do you care?” Masungit na sagot ko sa makulit na si Miles.

“Wow. Medyo suplado ka pa din ah! Well what are you doing in this bar? Wala ka bang pasok?” Wala akong pasok. Yea, kahit tinatamad ako, pinag-iigihan ko pa din naman yung pag-aaral ko, paano na lang kung bumalik na yung Angel ko? Pero pta si Miles nangungulit pa din. Hindi ba niya maintindihan na ayokong nandito siya?

“Mind your own business, Miss.”

“Woah. Pero wala kang kasama? Don’t you want me around? You know, I could entertain you.” This girl is trying to seduce me. Pero pcha baka masapak ko ‘to pag hindi ‘to tumigil, kababaeng tao lumalandi. Tss. At yung kamay niya tine-trace nang circles yung abs ko. Fck it?

“Come on, Steinfergd. We could—” Tinignan ko siya ng masama at hinawi yung kamay niya, pero yung ngisi niya ganon pa din.

“LEAVE. ME. ALONE.” Matigas na sabi ko sakanya. Lumapit siya lalo sakin at kinawit yung kamay niya sa leeg ko. Lche I know what’s she’s gonna do next.

“Playing hard to get, babe?” I don’t wanna be harsh on her pero pinilit niya ko kaya natulak ko siya. Ngayon mukhang nagulat na talaga siya. I’m Angel’s. Walang ibang pwedeng gumawa sakin nung mga balak niyang gawin maliban sa Angel ko.

“I DON’T WANT YOU HERE SO LEAVE ME ALONE!”

“Oh-okay” At umalis na nga siya. Tinuloy ko na lang yung pag-inom ko.

“You were harsh. Babae pa naman yun.”

“I don’t care she deserved that.” Napatingin na naman ako sa nag-salita sa gilid ko. Bakit ba ang daming sumusulpot ngayon?

Pero nung nakita ko kung sino yung nag-salita, parang may buhay yung mga kamay ko at agad na kinwelyuhan yung kausap ko, si Xavier.

“Nasaan si Angel?!”

“Wala akong alam, Steinfergd!” Walang bakas ng takot sa boses niya.

“Diba lagi kayong mag-kasama? Baka nilayo mo siya sakin?!”

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon