Formal.

47 1 0
                                    

JOHN’S POV

After naming madumog ng media, we went to the parking lot. I dragged her to the parking lot na may ngiti sa labi. How could I not smile? All along akala ko ayaw ni Angelie na lumabas sa press, akala ko nga hindi niya nagustuhan yung ginawa ko sa social media. Akala ko din hindi niya nagustuhan yung pagluluto ko kanina, pero mukhang oo nga, hayaan mo akong iparamdam yung pagmamahal ko. Papanindigan ko na nga talaga yung sinabi ko.

Dahil sa sinabi niya kanina about sa pagtatago ko, mas lalo akong nilakasan ng loob. Hindi ko siya kinakahiya and hindi ako natatakot na umamin kasi proud na proud ako na siya yung babaeng nililigawan ko, pero yung kapakanan niya yung iniisip ko, yung kagustuhan niya. Okay lang naman kahit na ayaw pa niya lumantad, handa naman akong mag-hintay pero nagkaroon ako ng lakas ng loob dahil sa sinabi niya kanina. Parang ina-acknowledge niya na naililigawan ko talaga siya.

Pagdating namin sa parking lot, pinag-buksan ko siya ng pintuan. Naka-ngiti ako na para akong nasa alapaap.

“Saan tayo?”

“Uwi na. Unless gusto mo matulog samin?” Pang-aasar ko sakanya. Pinaghahampas naman niya ako sa braso.

“Maniac! Nanliligaw ka pa lang maniac ka na! Tss!” Tinawanan ko lang siya at ininstruct ung driver na dumiretso sakanila.

Pagkarating namin sakanila, pumasok kami sa mansion nila. Nakita naman namin sa garden sila Tito and Tita. Dumiretso si Angelie dun para mag-mano, pumunta din ako sa kinaroroonan nila Tito and Tita para mag-mano at mag-beso kay Tita.

Papalapit pa lang kami pero mukhang ang dami ng gustong itanong nila Tito and Tita. Pinapanood ko lang ang reaction nila at hinihintay na magtanong sila, handa naman akong sumagot. Malinis naman ang intention ko kay Angelie kung kaya’t hindi ako kinakabahan.

Ang papa ni Angelie, si Tito Zanjo, na mahigpit sakanyang unica hija ay naka-ngiti lang sakin ngayon. Naka-ngiti na makahulugan. Naghihintay na lang ako ng tatanungin nila sakin, naghihintay ako ng mga ibabato nilang tanong.

“Baby, mag-palit ka na muna ng damit.” Sabi ni TIta Alisson.

Agad naman na umalis si Angelie na mukhang kinakabahan. Alam na nga siguro nila Tito and Tita. Hindi naman siguro sila mga taga-bundok na hindi nagbubukas ng TV, at malamang sa malamang ay napanood na nila sa news ang tungkol samin ni Angelie.

“Ikukuha ko na lang muna kayo ng maiinom.” Pamamaalam ni Tita Alisson kaya kami na lang ni Tito Zanjo ang naiwan.

“A-ah”

“Hindi lingid sa kaalaman ko ang mga nangyayari sainyo.” Pag-uumpisa ni Tito Zanjo sa malamig na tinig. Ugh! Bigla akong kinabahan. -.-

“Nililigawan mo ba ang anak ko?” Diretsong tanong ni Tito Zanjo sakin.

“O-opo.”

“John, para ka na din naming anak at napakabuti mong—”

“Tito, nililigawan ko po si Angelie. Gustong gusto ko po ang anak niyo.”

“Mga bata pa kayo.”

“Alam ko po. Pero wala naman pong age limit ang pagmamahal diba?”

“Hindi mo alam ang sinasabi mo, hindi mo mahal ang anak ko. Mga bata pa kayo.”

“Tito, pasensya na po pero pano niyo po ba masasabi na mahal mo ang isang tao? Kasama po ba sa sukatan ang age ng isang tao para masabi mong nagmamahal ka na? May mga checklist pa po ba para malaman na mahal mo ang isang tao?”

“Hindi mo alam ang sinasabi mo. Mga bata pa kayo, hindi laro ang pag-ibig. Pano mo nasasabing inlove ka sa anak ko? Perhaps akala mo lang na pagmamahal na yang nararamdaman mo, pero hindi, hindi yan pagmamahal. Ikaw, John, naturingang playboy ka, pano mo masasabi na mahal mo si Angelie namin? Hindi mo alam ang sinasabi mo. Ngayon pati bestfriend mo pa? Nababaliw ka na.”

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon