52

19 1 0
                                    

ZIEL’S POV

“Uggggh!” Sobrang sakit ng ulo ko na hindi ko na napigilan sumigaw. Parang binibiyak yung ulo ko sa sobrang sakit. Iniisip ko na sana panaginip lang yung mga sinabi ko kagabi pero hindi. Nandito ako ngayon sa rest house ng barkada. Nagkaroon ng all truths na pakulo kagabi. May deal na kalimutan muna lahat at mag-enjoy muna. Hangover.

 

Daniel: Paano pag nawala si Ziel sayo? Pano pag iniwan ka niya? Be realistic, Bro. Everyone can leave you. Hindi kayo perpekto at pati na din yung relationship niyo. Face the truth, pwede ka niyang iwan.

John: I’ll chase after her. Aayusin ko. Gagawin ko lahat para maging okay ulit. I really can’t.. I can’t just let her go. I’ll do everything para maging masaya siya, huwag lang siyang mawala sakin. Ayoko, hindi ko kaya. Kahit kailangan ko mag-hintay ulit, okay lang, basta sakin pa din siya.

Daniel: Paano kung siya na mismo yung gustong kumawala? Kung ayaw na talaga niya?

John: I don’t know. Maybe I’ll let her be, maybe kung dun siya talaga sasaya hahayaan ko na siya. Just maybe. Palagi namang mas mahalaga yung kasiyahan ng taong mahal mo diba?

 

Robert: Minsan ba sumagi sa isip mong iwan si Steinfergd?

Me: Yes.

Kinakain na ako ng konsensiya ko. Bago ko sagutin ‘yun tinignan ako ni John at nginitian. Alam ko na sinasabi ng mga ngiting yun na Okay lang. I want to know the truth. How can I hurt someone who loves me so much? And I know I am about to hurt him more. I’m sorry John. I’m so sorry.

“Ugh sht sht sht! UGGGGH!” Sigaw na lang ako ng sigaw dahil sa sobrang frustration. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaka-ganito, kung tama ba yung ginagawa ko at gagawin ko.

“ANGEL?! WHAT HAPPENED? OKAY KA LANG?” Dali daling tumakbo si John sa tabi ko at parang chine-check kung may sugat ba ako or anuman.

“Ah, o-oo.” Nakita ko na nasa loob na din ng kwarto ko sila Peter, Dan, Gelo at Rob. Si Monica siguro tulog pa din. Ganon ba kalakas yung sigaw ko? Para kasing kakagising lang nung iba sakanila.

“Bakit ka ba sumigaw?” –Robert

“May nangyari ba?” –Peter

“Oo nga. Napa-balikwas tuloy kami. Ano ba? Okay ka lang ba?” –Angelo

“Bakit ba sumigaw?” –Daniel

“W-wala. Sorry, bumalik na kayo sa tulog niyo.” Yun na lang yung sinabi ko at nag-peace sign sakanila. Ginulo naman ni Angelo yung buhok ko. “Ikaw talaga!”

“Nako Ziel!” –Robert

“Pasalamat ka malakas ka samin!” –Daniel

“Akala namin kung ano na eh. Sige balik na muna ako dun kay Monica ah. Stein ikaw na bahala kay Ziel.” –Peter

Pagtapos nun nagsi-alisan na sila. Baka nagsi-tulugan pa ulit yung iba. Si John naman nag-stay lang sa room ko.

“Angel ano ba kasing—” Napahawak na lang ako sa ulo ko nung nagsasalita si John kaya hindi na niya natuloy yung kung ano pa mang balak niyang sabihin. Ayokong sumigaw ng malakas ng dahil lang sa sakot ng ulo ko, baka mamaya magsi-takbuhan na naman sila dito.

Tumakbo ako sa CR, sobrang sakit ng ulo ko at para na kong nasusuka. Tumapat ako sa bowl at sumunod naman si John sakin. Hinihimas niya yung likod ko, hawak din niya yung buhok ko habang nagsusuka ako.

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon