ZIEL’S POV
6 days after the incident, syempre ni-release na ko ng doctor. Masyado na namang OA kung hindi pa din diba? 3 days na kong na-release, pero si John sa room niya sa bahay nagi-stay though lalakarin lang naman yung bahay nila. Hindi kasi ako pwedeng maiwan mag-isa. Kaya naka-bukas lang palagi yung ilaw ng room ko, hini-hintay lang din niya ako maka-tulog bago siya lumipat ng room niya, pagka-gising ko naman lagging nandun na siya. Like seriously? Natutulog pa ba siya?
Pero nung dumating sila Mommy pati parents niya, nandun muna siya kila Tita. Araw araw naman na bini-bisita ako nila Tita Vivian at Tito Simon pati nung mga kaibigan namin, kasama na dun si Monica. Medyo okay na siya, ako din naman. Papasok na siguro ako next week. Hindi naman kasi nila nakakalimutan na pasayahin ako. Sabi naman nila tutulungan nila ako mag-cope up sa lessons.
Nasa terrace ako ngayon kasama ko si Ace. Hinayaan muna siya ni Tita na dito mag-bakasyon kasi hindi pa naman pumapasok si Ace. Sabi naman niya gustong gusto din naman niya na nandito muna. Si Shai naman nasakanila kasi nag-aaral siya, Kinder na siya ngayon. Kaya naiwan na din muna talaga si Ace samin. Ngayong araw lang siya dumating. 3: 45 pm na. Maya maya lang nandito na din si John. Matutuwa ‘tong dalawang ‘to kapag nagkita sila.
“Ate! Ate!” Naka-upo si Ace sa lap ko ngayon.
“Oo na, baby. Pupunta na tayong playground.” Kanina pa kasi ako kinukulit nito na pumunta kami sa playground eh. Oo meron kaming playground dito. Ang init pa kasi kanina kaya hindi pa ko pumapayag. Tatayo na ko pero napa-kamot naman si Ace sa ulo niya.
“Ah. Bakit ba nandito yan si Panget?” Sabi niya na naka-kunot yung noo habang may tinuturo sa may gate. Napa-tingin naman ako sa direction na pinag-tuturuan niya. Nakita ko na nandun yung ibang classmates ko, sa likod nila nakita ko na nandun din si Xavier. Oo nga pala, pinsan niya nga pala kasi si Ara, kaya siguro nalaman niya. Pero parang hindi ko nakita si John? Bumaba na ko para puntahan sila, karga ko si Ace.
“Ate, baba mo na ko.” Binaba ko na si Ace pero hawak ko pa din yung kamay niya. Ang liit ng kamay niya, ang cute. Dumiretso kami sa veranda, nandun yung mga kaklase ko.
“Kumusta ka na, Ziel?”
“Kailan ka papasok?”
“Ano ba talagang nangyari?”
“Pero ang tapang mo ha!”
“Nahihirapan ka pa ba mag-lakad?”
“Madali lang naman yung lessons kaya madadalian ka lang mag-cope up.”
“Oo nga! Matalino ka naman eh!” Aysus. Pano pa ko makaka-singit sa mga ‘to? Ni hindi nga ako makapag-salita kasi puro sila dada eh. Hindi ko alam kung sino una kong kakausapin. Pasalamat sila natutuwa ako sa ginawa nilang pag-dalaw kaya hindi ko sila tinatarayan. Magagaling na mga bata.
“Uy, may kapatid ka pala!”
“Ano ka ba! Hindi niya kapatid yan! Siya yung sa party diba?”
“Ang cute cute naman niya.”
“Anong name niya?”
“Ilang taon na siya?”
“Ang ganda pala talaga ng lahi niyo noh?”
“Wala ka ba talagang kuya?”
“Ano ba. Daig niyo pa mga reporter eh. Isa isa lang kaya kayo? Mas lalong mai-stress sainyo niyan si Angelie eh.” Okay, as we all know si John yung ulupong na voice over. Tapos umakbay sakin. Nung narinig naman siya ni Ace dahan-dahan na inalis ni Ace yung kamay niya na hawak ko.
“Kuya!” Excited na sabi niya. Napa-tingin naman si John sakanya, mas lumawak yung ngiti niya. Hindi niya siguro napansin si Ace kanina.
“Ace!” Yumuko naman ng konti si John tapos nakipag-hug kay Ace. Ang cute naman nila.
BINABASA MO ANG
Bestfriend?!
Roman pour AdolescentsThis is a story featuring Ziel Angelie Santiago Gomez and John Steinfergd Fajardo Villanueva. These two are best of buddies since their elementary years. Ziel is a typical nerd girl, who have changed, with the help of her playboy bestfriend, since t...