Arrival

151 12 1
                                    

ZIEL’S POV

*KRIIIIINNNNNGGGGGG*

Mas maaga pa akong nagising kaysa sa alarm clock ko. Hindi naman halata na excited ako for mom’s arrival diba? I rushed to the bathroom tapos naligo. I did my usual rituals and then pumunta na ko sa baba para kumain ng breakfast. Pagkatapos ko, nag-drive ako papunta kila John. Ako naman susundo sakanya ngayon! Nag-doorbell ako sakanila, masyado ata akong napaaga, tulog pa daw si John sa room nya. So I went to his room, pagka-open ko naka-takip pa sya ng kumot. Tinignan ko sya matulog. Sobrang manly naman nito. Hindi naman sya nagwo-work out ha? Siguro dahil sa diet nya. Nagulat naman ako nung gumalaw sya at minulat nya mata nya.

“Ugh?” Halatang inaantok pa sya nung sinabi nya yun. What the! He looks gorgeous kahit bagong gising.

“Tumayo ka na nga! Bilisan mo! Maligo ka na! Anong oras na oh!” I yelled at him habang hinihila ko sya para makatayo.

“What are you saying? Anong oras pa lang Angelie! Ikaw yung maaga masyado!” Singhal naman nya sakin habang kinu-kuskos kuskos pa nya yung mata nya. Dumiretso na sya sa CR at nag-shower, ako naman naka-upo lang sa kama.

“Hey. I’ll wait for you outside okay? Bilisan mo na lang dyan.” I didn’t wait for his answer. Pagkababa ko, naghahanda sila manang ng breakfast ni John.

“Angelie kain ka na muna oh. Sabayan mo na lang si sir.”

“Manang naman. Sa tinagal-tagal nyo dito sir pa din tawag nyo kay John? Nako hindi po. Kumain na po ako. Tutulungan ko na lang po kayong mag-prepare ng breakfast nya.”

“MANANG! Wag nyo pong patulungin yan. Hindi yan marunong mag-luto! Baka malason lang ako dyan!” Narinig pala ni John yung usapan namin. Sinabi ito ni John habang pababa ng hagdan. Lumapit sya sakin tapos ginulo yung buhok ko tsaka ako inakbayan.

“Ang kapal mo naman! Marunong ka ba mag-luto? Buti nga nagta-try ako eh! It’s the thought that counts noh! At tsaka hindi ka pa pwedeng mamatay!” Sagot ko naman sakanya.

“Bakit? Kasi hindi pa nagiging tayo?”

“The hell John! Hindi noh! Kumain ka na nga lang!” Pagkasabi ko nun tinanggal ko yung pagkaka-akbay nya sakin.

Pagkatapos kumain ni John dumiretso na kami sa school. Pumunta muna kami sa locker namin para kumuha ng mga gamit.

Nag-start na yung class na ganang gana ako. Halos sa bawat subject recite ako ng recite, wala man lang akong natarayan ngayong araw!

“Ziel!” Tawag sakin ng ni Jane.

“Uy hi!”

“May lakad ka ba mamaya? Can you go out with us? All girls naman ‘to.” Tapos nag-kumpulan na yung iba pang girls sa tabi namin.

“Sure sure! San ba tayo?”

“Hang out lang kila Ara! Volleyball na lang din tayo!”

“Oh sure sure.” Sabi ko while smiling. Hindi naman siguro aabot ‘to ng hanggang 10: 00 pm diba? Okay na din yun. Wala din naman akong gagawin bago ko sunduin si mommy.

“Great! Kumpleto tayo! Sabay sabay na lang tayo umalis mamayang dismissal. Mukhang madaming may hindi alam nung place eh.”

Dumaan na lang yung buong araw and then dismissal na.

“Angelie!”

“John! Uwi na kayo. May pupuntahan kami. All girls babe! I’ll text you na lang sa kung san tayo magkikita ha. Ingat!”

“Okay okay. Ingat ka. Text ka lang samin pag may problem.”

Before leaving, nag-paalam na lang din muna ako kila Peter, Daniel, Angelo at Robert. Pumunta na kami sa bahay nila Ara. Nag-volleyball kami sa court ng village nila, buti na lang walang tao kasi weekdays naman. Marunong naman akong mag-laro nito kasi nag-varsity ako nung 1st year and 2nd year ng Volleyball. Setter ako dati, kaya nakaka-score naman kami. Maganda yung laban kasi mga marunong din yung mga kalaro namin. Yung iba kasi mga nakasama ko din sa varsity. 6: 30 pm, we agreed na pumunta na kila Ara para makapag-dinner merienda. After namin kumain, nanood na lang kami ng movie. Pinanood namin yung Bride For Rent. Magkatext lang kami ni John, napanood ko na kasi ‘to eh kaya nabobored ako. 7: 30 pm nung may kumatok sa pinto, busy naman sila kaya ako na nag-bukas. Pagkabukas ko, familiar yung mukha na tumambad sakin.

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon