Wedding

141 8 1
                                    

JOHN’S POV

*KRRRRIIIIIIIIINNNNNNGGGG!*

Minulat ko yung mata ko para patayin yung alarm ko sa cellphone nang makita ko yung nagbi-blink na note:

WEDDING DAY TODAY! WAKE UP JOHN (su)POT! – Si Angelie siguro nag-save nitong title ng alarm na ‘to. Lagot sakin yun mamaya! Wala na kong ibang nagawa kundi tumayo sa kama at mag-ayos. Tinignan ko muna ulit yung phone ko kung may message pero wala. Hindi man lang nag-text si Angelie? Kahapon pa sya walang text ha? Ah, nag-enjoy siguro masyado sa bonding nila ni Tita Mommy. Okay lang, makikita ko naman sya mamaya eh. Pagkatapos ko maligo, lumabas na ko. Nakita ko naman sila Kuya James at Jerry na tapos ng mag-prepare.

“Are you going to pick up Angelie?” Tanong sakin ni Kuya.

“Yup.”

“So kita na lang tayo? Sakin na si Jerry.” After he said that, umalis na ko. Nag-dala na lang ako ng sandwich na gawa ni Manang para may makain. Ayoko naman mag-heavy breakfast. Sa reception na lang ako kakain! (Evil laugh.)

Pagkadating ko kila Angelie, pumasok na ko sa gate nila. Pinapasok na din naman ako nung guard kasi kilala na ko for YEARS. Pagkapasok ko sa sala nila Angelie, konti lang yung tao. Naka-alis na kaya sila? Nandyan pa naman yung mga sasakyan nila. Baka naparanoid yung tita nya kaya sila na sumundo? O kaya baka dun na sila natulog sa simbahan?

“Oy pogi! Nandito ka pala. Anong ginagawa mo dito? Sweetheart ka ba ni Ganda?” Na-wash away yung thoughts ko dun ha. Pero eh? Sino ba ‘to? Ano bang sinasabi nitong isang ‘to na berde ang dugo? Hindi kaya kinain nya sila Angelie? Baka sya yung wolf? Nanaginip ba ko? 

“Hi, sweetheart! Nandito ka na pala! Ang aga mo naman! Sorry you’ll have to wait ha? Hindi pa kasi tapos yung bestfriend mo eh, ang tagal kasi kumilos.” Is this Tita Mommy? Wow. She’s naturally beautiful pero she looks great ngayon. Ang ganda ni Tita, para syang 38 years old na nasa katawan ng 21 years old na woman. Woah.

“Okay lang po ‘yun. Ang ganda niyo, Tita Mommy. You look like a teenager.” I praised her.

“Nako. Bolero ka talaga. Abangan mo ‘yung teenager version ko talaga.” I just smiled and waited patiently na matapos maayusan si Angelie.

“May I present to you, ang prinsesa ng lahat ng mga diyosa, Ziel Angelie!” Sabi nung isang ate/kuya na nag-ayos kay Angelie, several minutes or maybe an hour after. Pagkasabi nya nun, napatingala ako mula sa pagkakayuko ko, naka-rest pa yung siko ko sa thigh ko. WOAH! Saliva drooling, jaw dropping! Who is this girl? SI ANGELIE BA TALAGA ‘TO? I mean, yeah, it’s undeniable, really Angelie is gorgeous. Pero hindi kasi sya madalas mag-ayos, unlike the other girls na naka-fling ko, parang kailangan naka-make up talaga sila to be pretty pero sya? Hindi eh, she’s beautiful ng natural kahit hindi sya mag-suklay ng buhok or maligo, maganda pa din talaga sya. But now? WOW. JUST WOW. 

Pagkababa nya ng hagdan, lumapit ako sakanya. Sinabit nya yung kamay nya sa kamay ko, I cant get my eyes off her. Kahit hanggang sa sasakyan, nililingon ko sya ng nililingon. Hindi kaya mabangga kami nito kakatingin ko sa right side ko? Hindi ako makapag-focus sa daan eh. Si Tita Mommy naman nasa likod ng sasakyan, scanning through her phone.

“Really Pot? Staring at me like that creeps me out.” There’s no way denying it. Kanina ko pa talaga sya tinitignan. I can’t blame her kung nahahalata nya.

“Well this is the 1st time na nag-mukha kang tao, dear.” Pang-aasar ko sakanya. Nag-pout lang sya at hinimpas ako sa balikat. Cute.

“Just kidding. But hey, you really are dazzling.” Lumingon ako sa side nya and smiled.

“You too. Mukha kang mabango.”

“WHAT? I always smell good! Naaadik ka na nga sa amoy ko eh.”

“Drop it, John. What I mean is, mukha ka kasing bad boy but now, you look like some sort of a royalty and alike. Know what I mean?” She told me casually na halos hindi pa lumilingon sakin. I looked at the mirror, and I saw Tita Mommy smiling at us.

We reached the church. Pinag-buksan ko naman ng pinto sila Tita Mommy at Angelie. Tita Mommy was escorted by her cousin so I escorted Angelie papasok sa loob ng church. We were being greeted by her relatives, some of them know me already. Yung iba hindi pa, some asked kung boyfriend ako ni Angelie. We just smiled, oh family gatherings. 12: 30 pa start nung ceremony. 12: 15 kami nakarating sa church, medyo malayo kasi and rush hour kaya traffic. Mabuti na lang maaga-aga kaming umalis. I scanned the crowd, maya maya dumating na din sila kuya. Lumapit kami sa kanila.

“Hi, Angelie. You look pretty.” Sabi ni Kuya James.

“Thank you po, Kuya James!”

“Buti nakahabol pa kami. Traffic kasi.” Naging client kasi ni Kuya James dati yung mapapangasawa ng tita ni Angelie.

Nag-kwentuhan pa sila nung tinawag nung pinaayos na kami kasi magi-start na daw. Dumating na yung bride. Nung nasa kanya kanyang places na kami, lahat kami naka-tingin sa direction nung bride. She walked down the aisle habang may kumakanta ng love song. Soon nasa tabi na sya ng groom nya. Wedding vows, wedding vows, wedding vows.. Naniniwala naman ako dun kasi nakakita ako ng mga taong nag-stay together hanggang sa pag-tanda nila. I’m just wondering kung ano ba talaga yung nararamdaman nila. Kung pa’no nila nkakayang mag-stay sa isa’t isa at hindi mag-hanap ng iba. How did they fall in love? Most especially, how do couples stay in love? Curiousity got me and hindi ko na napansin na sinasabi na nila yung vows nila.

“I now pronounce you husband and wife.” Nawala na lahat ng iniisip ko pagkarinig ko na sabihin yun. Napuno ng palakpakan yung church. Pati sila Kuya James at Jerry pumapalakpak. Tumingin ako sa side nila Angelie, she’s also clapping. Pero pinupunasan nya yung mukha nya with the back of her hand, is she crying?

ZIEL’S POV

Nandito na kami sa reception. Kasama ko sa table sila John, Kuya James and Jerry. Nagsisimula ng mag-salita yung event organizer. Nagtatanong sa guests yung event organizer about sa couple. Like, ano yng gusto nilang gawing mag-kasama. Kung sino maka-tama, may ibibigay sila. Nag-cutting na din ng cake pati yung iinom ng wine ata yun, kumain na din kami after nun. Ang saya saya ng mga tao, lahat sila sinasabihan yung bride and groom ng “Kiss!”. Mukha silang in love sa isa’t isa. Yung bawat tingin ni tito kay tita, may spark. Parang nasa ibang mundo sila. Ganon kalakas yung aura nila. Paang lahat ng ginagawa nila connected sa isa’t isa.

Pagkatapos namin kumain, nag-conduct pa ng ibang games yung event organizer. Minsan naman kwentuhan lang.

“Mukhang nage-enjoy ka ha. Kanina pa kita tini-tignan eh.” Si John. Hindi ko sya napansin, after nyang sabihin yun, umupo sya sa tabi ko.

“It’s just great, alam mo yun, yung titingin ka sakanila na parang in love sila sa isa’t isa. I mean, possible pa pala na mainlove ang dalawang tao ng ganyan katindi. Yung, ugh, ang cute lang nila. They are people, yes, they have flaws. The relationship of course is also imperfect. Pero alam mo yun? Their love for each other, kung ga’no nila katanggap yung isa’t isa, that’s what made it perfect.” He just nodded. Nacornyhan siguro ‘to sa sinabi ko. I don’t know pero masaya ako kapag nakakakita ng ganitong scenarios. It just proves na hindi naman pala talaga impossible ang may mahalin ka at mahalin ka din nya pabalik. Happily ever after is actually possible.

“Thanks for bringing me here.” He told me, I guess I had this blank expression on my face.

“Akala ko kasi hindi na totoo yung love nowadays. It’s not that I have something to be bitter about, pero nakita ko kasi yung connections between tita and her groom. Ako din, admittedly, I was amazed na may mga pwede pa palang ganon kagrabe mainlove.” We just smiled at each other tapos pinanood na ulit sila tita.

Pag katapos ng kasal dumeretso na sa reception. Madaming silang ginawa sa reception, kagaya ng mga ginagawa ng mga bagong kasal noon at ngayon.

2 hours after dumeretso na kami sa mga bahay namin para mag pahinga. Sa sobrang pagod ko kaya ng shower na lang ako without eating any food for dinner dahil busog na rin naman ako at dala na rin ng katamaran. Pag katapos ko mag shower ready to sleep na.

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon