ZIEL’S POV
Nakaalis na yung classmates ko. Pero nandito pa din sila Dan, Gelo, Rob, Peter, Monica, John pati sila Tita Vivian at Tito Simon. Si Jerry naman dinrop by ni Kuya James dito sa bahay. Gusto daw kasi akong makita ni Jerry, si Kuya James kasi may lakad pa. Nag-usap usap pa yung parents ko and parents ni John kaya iniwan ko na muna sila.
“Laro tayo ng habulan!” Sabi nila Gelo.
“Osigisige! Kayo taya kasi kid pa lang ako eh.” Sabi naman ni Ace. Lumapit naman ako sakanila.
“Sali ako!” Sabi ko sakanila pagkalapit ko sakanila.
“Angelie, you can’t.” John.
“What? Maglalaro lang naman eh. Okay lang naman ako. Ang OA nito. Tara na!” Depensa ko naman.
“Angelie, may asthma ka diba?” I sighed.
“John, ano ka ba. Promise I’ll stop kapag hindi ko na kaya. Okay?” I gave him a peck on the cheek tapos tinalikuran ko na siya para hindi na maka-angal! Yes! Papayag na yan! Papayag na yan! YEHEY! At hindi naman siya nag-salita nga.
Bente uno nilaro namin. Si Dan ang taya. Nahabol ni Dan sila Robert, ako naman lumayo na agad sakanila, maliban kay Ace para hindi nila ako mahabol. Kaya hindi din ako masyadong nag e-effort na tumakbo kasi malayo ako sakanila.
“Ate, ate! Sino na mga taya?”
“Si Kuya Dan pati Kuya Rob na, baby. Come. Takbo na lang tayo para hindi nila tayo mahabol.” Tumakbo naman kami ni Ace, nataya na din sila Jerry, Monica at Peter. Kami na lang nila Gelo, John at Ace yung hindi natataya. Takbo lang kami ng takbo ni Ace habang tumatawa.
“Ate, wag mo na ko hawakan dito. Baka mas mahirapan tayo tumakbo.” Nasa may hagdan kasi kami ngayon ni Ace. Hindi ko muna siya hinawakan. Aakyat sana kami ni Ace sa may kubo sa garden. Nasa 2nd step pa lang kami pataas ng hagdan nung may humapit sa bewang ko. Shit! Nasa likod ko siya. Napa-sigaw naman ako sa susunod niyang ginawa. Para kasi niya akong binuhat! His body against mine. Alam na alam ko kung kaninong katawan ‘to. Pati yung braso niya alam ko kung kanino. Katawan ni John ‘to. Tawa lang kami ng tawa. Maya maya pa napahiga kami ni John. Buti na lang hindi semento yung nahigaan niya. Nasa ibabaw niya ako ngayon.
Tumatawa pa din ako. Tinignan lang niya ako, sa mata, sa ilong at s-sa labi? Humiga na lang ako sa tabi niya bago tumawa ulit. Hay ang sarap ng ganitong feeling. Humahampas yung mga hangin samin.
“Ako nanalo! Yey!” Sabi naman ni Ace na tuma-talon talon pa habang sinasabi yun. Lumapit naman samin si Ace at naki-higa samin.
Nung dumating na yung mga ulupong, tumayo na si John. Binigay niya naman sakin yung isang kamay niya para itayo din niya ako, inabot ko naman yun.
“Kain na daw po.” Sabi naman ng isang maid samin. Pumunta naman kaming lahat sa dining table para kumain. Sila Mommy nasa sala. Nagke-kwentuhan pa din sila? Kanina pa yun ha. Or baka naman nanonood lang.
Kumain naman kami ng tahimik. Syempre joke lang. KAILAN BA KAMI NANAHIMIK? Ang dami naming pinag-kwentuhan, tawa lang kami ng tawa. 7: 30 pm na nung napag-decide nila na umalis na.
“Tito, tita, alis na po kami! Salamat po!” Wow. Ang gagalang nila ha? Hinatid naman namin sila sa gate. Maya maya pa nag-paalam na din sila Tita Vivian, Tito Simon at Jerry na aalis na.
“Bye, Mom! Bye, Dad!” Sabi naman John. H-ha? Hindi siya sasama sa pag-uwi nila?
“JOHN STEINFERGD?!” Bulyaw ko sakanya. Ano na naman kaya kasing trip nito?
“What? Dito ako matutulog!” Parang hindi man lang siya na-threaten na sinigawan ko siya. Hindi man lang siya natinag. Loko loko talaga.
“Ang kulit mo! Umuwi ka na! May pasok pa kayo bukas!”
“Eh ano naman? May uniform naman ako dito eh! At tsaka namiss kita noh! Dali na!”
“Oo nga, ate! Namiss ka ng boyfriend mo oh! Okay lang yan!” Ay nako. Ang lakas talaga ni John kay Ace. Eh okay lang din naman kasi kila Mom and Dad kasi nga may room na din siya dito. Mas spoiled pa siya sakin pagdating sa pamilya ko. Palagi na lang siya pinagbibigyan.
“Oo na. Sige na.” I said in resignation sakanilang dalawa.
“Ate, mag-sleep na ko.”
“Osige, baby. Mag-shower ka muna ha, tapos tara na dun sa room mo.”
Hinintay muna namin ni John na maka-tulog si Ace bago kami lumabas ng room niya. Papunta kaming kubo sa may garden nun nakita namin sila Mom and Dad sa sala.
“Dear, aalis tayo sa weekends with John’s family ha?” Sabi ni Mom.
“Ha? Nakakasawa na kaya mukha ng panget na ‘to!” Sabi ko naman referring to John.
“Panget? Baka mamaya umiyak ka kapag nawala ako ha.” Napa-tingin ako kay John dahil sa sinabi niya.
“Hindi ka naman mawawala diba?” Hindi na naka-sagot si John kasi nag-salita ulit si Dad.
“Oh tama na yan. But baby you could invite your friends din naman.”
“Okay, Dad. I’ll tell them.” Sagot ko kay Daddy bago kami dumiretso ng kubo.
Naglalakad kami sa garden nung nakaramdam ako ng lamig. Bakit nga ba kasi naka-spaghetti strap lang ako na damit? Short shorts pa suot ko. Inakbayan naman ako ng most macho kong bestfriend. It really feels good to have him around. Napa-tingin naman ako sakanya.
“Pot, hindi ka naman mawawala diba?” Mukha naman siyang nagulat sa tanong ko pero nginitian lang din niya ako.
“Is there any reason for me to leave?”
“You are not answering my question.” He sighed.
“I won’t leave you, okay? But I’ll be willing to do anything for you.”
“What are you saying? Bakit ka ba ganyan?” Natetense na ko ha! Kung ano ano sinasabi nito. Pero hindi niya sinagot yung tanong ko, he just smiled at me. What the hell? Really John? You’re being mysterious? Hindi na bagay ha. We used to be so open sa isa’t isa. Is he keeping secrets from me? I just sighed. Malalaman ko din naman yung sinasabi niya eventually.
BINABASA MO ANG
Bestfriend?!
Teen FictionThis is a story featuring Ziel Angelie Santiago Gomez and John Steinfergd Fajardo Villanueva. These two are best of buddies since their elementary years. Ziel is a typical nerd girl, who have changed, with the help of her playboy bestfriend, since t...