JOHN’S POV
We were fine nung Prom, ang saya saya pa nga namin. Pero ano na namang nangyayari samin ngayon? Halos lahat ng bagay pinapalaki niya, yung mga hindi dapat maging issue, yung mga maliliit na bagay lang naman, pinapalaki pa niya. She hates to be controlled pero controlling siya. Okay lang naman sana, wala naman akong pake kung maging under pa ako, mahal ko siya eh, pero pag siya yung kino-control kahit na para naman sa health niya galit na galit na siya. Pinapangalagaan ko lang naman siya, pero hindi niya ‘yun nakikita kasi laging nasa isip niya kino-control ko siya. Sana ma-stop na lang yung mga oras na okay kami. Nararamdaman ko naman na nagiging cold na siya, pero hindi ako makapag-salita. Natatakot akong mawala siya sakin. Sobrang mahal ko talaga si Angelie, late lang nung narealize ko pero nung nalaman ko na mahal ko na pala siya, ang lalim na nung pagkakabaon ko.
“Hoy brad! Bakit ba tulala ka na naman diyan?” –Angelo
“Sabi sayo sa umpisa lang masaya ang relasyon eh!” –Robert, tinignan ko lang ng masama si Robert dahil sa sinabi niya.
“Mali ka, Robert. Sa umpisa lang ‘to mahirap. Magiging okay din kami.” –Ako
“Baka naman ikaw lang may gustong maayos niyo pa ‘yan?” –Daniel
“Mga bro, hindi naman kayo nakaka-tulong eh!” -Angelo
“Pero come to think of it, hindi naman ‘yan maaayos ng ikaw lang mag-isa. Kailangan nagkakaisa kayong dalawa, Steinfergd. Relasyon ‘yan eh, dalawa kayong bumuo, dalawa kayong gagawa ng paraan para manatili yung relasyon niyong ‘yan.” –Peter. It made sense pero isinasantabi nung utak ko yung mga gusto nilang iparating. Hindi ko kayang isipin na nawawalan na ng gana si Angelie sakin. Hindi ko alam kung makakaya kong tanggapin na nawawala na yung dati niyang pagmamahal para sakin, na baka hindi na niya gustong ayusin yung samin.
“Bro, baka kailangan niya ng space. Pabayaan mo na kaya muna?” –Daniel
“Kaya niyang gawin ‘yun basta ba babalik pa si Angelie sakanya. Pero natatakot siya kasi baka pag lumayo siya, mas lalong mawala yung kung anumang meron sila. Kaya kahit lumalayo si Angelie lapit pa din siya ng lapit kasi natatakot siya na baka pag hinayaan na lang niya, mawala na talaga yung nag-aalab na pagmamahalan nila sa isa’t isa.” –Angelo. He got that right, kilalang kilala talaga nila ako.
“Nag-aalab o namamatay na pagmamahalan?” –Daniel
“Pre naman! Kailangan ng pampalakas ng loob ni Steinfergd oh! Wag mo namang idown!” –Robert
“Hindi niya kailangan ng pampalakas ng loob, kailangan niya ng pampamulat sa katotohanan.” –Daniel
“Ang relasyon ginawa para sumaya kayong dalawa. Tandaan mo ‘yan, pag nahihirapan na kayo pareho, itigil mo na.” –Peter
“Ptngina! Sinasabi niyo bang bitawan ko na si Angelie?! Na hayaan ko na lang na mawala siya?!”
“Wag ka mag-bulag bulagan! Hindi na kayo masaya!” –Robert
“Putangina niyo! Hindi niyo alam! Wala kayong alam! Ikaw ba Peter kaya mo bang hiwalayan si Monica ha?! Katulad ko ipaglalaban mo din siya diba?! Wala kayong alam kasi wala naman kayo sa pwesto ko! Sabihin niyo ‘yan sakin pag nagmahal na kayo!” Inis na sigaw ko sakanila. Nanghihina na ko sa sinasabi nila. “Pag nagmahal kayo ng totoo, lahat, lahat lahat gagawin niyo, kahit pa pagod na kayo, lahat lahat, para lang sumaya yung taong mahal niyo, para maging okay ulit kayo.” Hindi ko na napigilan ng luha ko na tumulo, naiinis ako sa mga pangyayari at naiinis ako kasi lahat ng ginagawa ko kulang para magkaayos ulit kami ni Angelie. Natahimik silang lahat dahil sa mga sinabi ko.
“Poohta pre. Grabe ka pala magmahal. Lahat lahat binibigay.” –Angelo
“Iinom na lang natin ‘yan!” –Peter

BINABASA MO ANG
Bestfriend?!
Teen FictionThis is a story featuring Ziel Angelie Santiago Gomez and John Steinfergd Fajardo Villanueva. These two are best of buddies since their elementary years. Ziel is a typical nerd girl, who have changed, with the help of her playboy bestfriend, since t...