ZIEL’S POV
“What if mahal pala kita?”
“What if mahal pala kita?”
“What if mahal pala kita?”
“What if mahal pala kita?”
“What if mahal pala kita?”
Kanina pa bumabalik sa isip ko yan. Pero diba sabi nung mga ugok, taken na yung puso niya? Pinagtitripan na naman ba niya ako?
“Ate! Ate!” Napalingon naman ako sa direction nung batang tumawag sakin, si Ace.
“Bakit nandyan ka? Si Kuya John?” Oo nga pala. Nandito ako sa kubo, hindi ko kasi alam kung pano ko haharapin si John eh. Ni hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya after ng lahat ng sinabi niya. Nandun naman siya ngayon sa room, sabi niya magpapahinga na muna siya. Inaantok din naman ako pero magpapahangin na lang ako. Shit magulo utak ko dahil sa sinabi ng taong yun.
Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Sa lahat ng nag-confess sakin, sakanya ako kinabahan. Leche talaga ‘to. Pati ba naman ako pinag-tripan?
“Natutulog si kuya baby eh. Tara swimming na lang tayo.”
Nag-lakad na kami sa may beach. 5:30 pm na. Napansin ko na basa na si Ace, siguro galing na siya sa beach kanina.
“Ate, san tayo pupunta?” Napa-tingin naman ako sa pupuntahan namin. Parang masyado akong lutang ngayon. Na-tempt ako sa tugtog sa bar. Nakalimutan kong may kasama akong bata.
“Ah, sorry. San mo ba gustong mag-swimming? Sa beach or sa pool?”
“I wanna go to the beach! Kasi sa pool na lang daw kami pag 8:00 na eh.”
“Okay okay.” Bumalik na kami sa place kung nasan yung beach. Nag-start ng mag-tampisaw dun si Ace. Ako naman nanonood lang sakanya. Minutes later, nandito na din si Jerry. Pinuntahan niya si Ace, naglalaro sila. Maya maya pa tumakbo si Ace palayo sa dagat tapos kumuha ng buhangin na medyo basa at binato kay Jerry. Mahaharot na bata!
Pinapanood ko lang sila nung may umakbay sakin. Tinignan ko naman kung sino yun, si Gelo pala. Sumunod na din sakanya yung mga ugok at si Monica. Sinisilip ko naman kung nandun si John, pero wala.
“Oh sinong tinitignan mo dyan?” Tanong ni Dan tapos tumingin sa direction na tinitignan ko.
“Hinahanap mo ba si Steinfergd?” Rob.
“Ha? Hindi ha. Ano ba! Kahit mag-kulong pa siya sa kwarto niya noh! Masyado na kong nagsasawa sa hitsura nun!” I managed to let out a laugh para naman hindi masyadong mag-mukhang tensed ako sa pagkakasabi niya ng pangalan ni John. Parang bahagya naman silang natigilan. May alam ba sila?
“Oo nga naman! Eh pano palagi siyang naka-pulupot sayo!” Gelo.
“A-ano hindi naman ganon yung ibig kong sabihin! Mga baliw kayo. Okay lang naman kung ganon siya eh.” Sabi ko naman.
“Hay ang gulo niyo!” Peter.
“Hayaan niyo na. Indenial pa yang mga yan.” Sabi naman ni Dan. Anong indenial pinagsasabi ng mga ‘to? Aba.
“Wag mo na lang pansinin yang mga yan, Ziel. Tara na nga! Mag-swimming na lang tayo.” Pagyaya sakin ni Monica. Medyo nawala na yung pagiging mahiyain niya.
“Oo nga! Tara na lang, Ziel!” Sabi naman ni Peter na naka-akbay kay Monica. Naks! Marunong na dumamubs si brader!
“Maya maya na ko. Una na lang kayo.” Sagot ko sakanila. Nauna naman silang lahat dun. Pero hindi pa sila nagtatagal dun sa beach, nakita ko na si Monica na papalapit samin. Kasama ko na ngayon sila Ace at tsaka Jerry, gutom na daw sila eh.
BINABASA MO ANG
Bestfriend?!
Teen FictionThis is a story featuring Ziel Angelie Santiago Gomez and John Steinfergd Fajardo Villanueva. These two are best of buddies since their elementary years. Ziel is a typical nerd girl, who have changed, with the help of her playboy bestfriend, since t...