Confrontation

152 8 0
                                    

ZIEL’S POV

“Angelie! 3: 00 pm na!” Napa-balikwas ako mula sa pagkakatulog nung narinig ko yung tumawag sakin, familiar na boses, John? Ano naman kung 3: 00 pm na? Eh inaantok pa ko. Kagabi kasi nag-movie marathon pa kami ni Mommy bago sya umalis papuntang London. 1 week na after ng kasal ni tita. Umalis na din si Mommy, hinatid ko sya sa airport kaninang 5: 00 am, wala pa kong tulog! Masisisi mo ba ko? Sinulit ko na lang yung nga panahong nandito pa si Mommy. Puro naman kami bonding nung nandito pa sya, pagkauwi ko sa school, meron kami palaging pupuntahan. Isang beses nga, kasama pa namin sila John, Peter, Angelo, Daniel at Robert sa gala namin ni Mommy.

“POY! May lakad pa tayo! Tumayo ka na!” Naramdaman ko namang na may tumatalon sa kama kaya napaupo na lang ako. Panigurado si John ‘to. Naka-slouch pa ako sa pagkakaupo at half awake.

“Gising na din ang mahal na prinsesa! Maligo ka na dun! 3 days, 2 nights outing natin! BILIS! Nasabi ko na kay Tita Mommy! Walang pasok sa Monday kaya sulitin na natin, bilis!”

“Anooo? Pumayag si Mommy? Eh puro kayo mga lalaki ha?”

“Oo, oo! Pati nga si Tito Daddy pumayag eh! Okay na daw ‘yun kasi may MGA bodyguard ka! Bilisan mo na!” Hinampas ko muna sya ng unan bago ako tumayo ng tina-tamad tamad pa papuntang bathroom. Naligo na ko at nag-empake ng mga dadalhin. Tinulungan naman ako ni John na mag-pack ng mga gamit ko. Buti naman at hindi kami magsi-swimming ngayon! Mangingitim na ko sakanila eh.

Pumunta muna kami sa place kung na’san yung mga zip line, at iba pang mga adventures. Ang saya! Ang taas kasi nung zip line! Parang bundok to bundok talaga yung pagitan. Nag-wall climbing din kami at tsaka rapelling!

“Kuya, safe ba ‘yan?” Tanong ni John dun sa nag-aayos. Napangiti naman ako.

“Scared?” Pang-aasar ko sakanya.

“Cut it out, Angelie. Sini-sigurado ko lang na safe kasi baka hindi na kita mauwi sainyo.” Sabi naman nya sakin. Nauna syang tinry ‘yung zip line, sumunod naman ako at ‘yung ibang mga friends namin.

“Shooting range naman tayo bukas!” Sabi ni Daniel habang on the way kami sa kakainan namin.

“Oo ba! Maganda yun!” Sabi naman ni Robert. Nag-uusap usap sila.

“Kuya, pwede mag-bukas na lang tayo ng bintana?” Request ko kay kuya.

“Baka mausok, Angelie. Bakit? Nahihilo ka ba?” Tanong ni John tapos mas lalong lumapit sakin. Halatang concerned sya.

“Hindi, John. Okay lang ako. Sobrang init lang kasi. Pwede buksan na lang natin? Kuya please?” Sabi ko naman, assuring John na okay lang ako. Mainit lang talaga, kinakapos ako ng hangin. Tinignan naman ako nila Peter na mukhang mga concerned din. 

“Hey, Angelie, are you sure you’re okay? Napagod ka ba kanina? You don’t look fine.” Sabi ni John.

“Fck dude. Ang putla niya. Painumin niyo na lang muna ng tubig. Kuya, paopen na po nung windows.” Sabi naman ni Daniel. Maputla ba ko? Basta nahihirapan akong huminga.

“Huwag na kaya tayo mag-shooting range bukas? Baka hindi niya kaya. Pumunta na lang tayo sa place na makakapag-relax tayo. Or if you guys want, ako na lang magbabantay sakanya?”  Sabi naman ni Peter.

“No. Kapag hindi pwede ang isa, hindi tayo tutuloy.” Madiin na sabi ni John. Hinawakan ko naman sya sa braso niya.

“Really guys? Kaya ko naman eh, gutom lang ako. Kain na lang tayo.”  Sinabi ko sakanila.

Kumain kami sa Lesly’s Restaurant. Bago pa ma-serve yung order namin, lumabas muna ako para magpahangin. Ang lamig kasi sa labas, ang sarap ng hampas ng hangin sa balat ko. Naglalakad ako pero napagod ako kaya napa-upo ako dun sa may bench. Nandito ako sa taas. Mas masarap yung hangin dito. Hinahabol ko yung hininga ko, nang-hina ako bigla. Buti na lang may mga upuan dito.

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon