Oooops.

21 1 0
                                    

ZIEL’S POV

“No.” Mahina pero may diin na sabi ni John.

“Pero sabi mo kahapon you’ll think about it?”

“Absolutely. At naisip ko na hindi kita papayagan.”

“You can’t be serious!” Pagpo-protesta ko na naman.

“Oh I am.” At dahil consistent ang pagtanggi niya sakin, nag-pout na lang ako. Shutangina! Hindi ako nagpa-pout pero dahil sa hindi niya pagpayag nagpa-pout na ko.

“It’s still a no. You have to do better than that, Angel.” Na naman! Hindi tumalab yung pagpapa-cute ko. Oh John ano bang gagawin ko para pumayag ka?

“Hindi na magbabago isip ko, Angel. No matter what bargain it is that you’ll offer.”

“Sige ba! Basta yung mga araw na hindi ako aattend ng training, hindi ka din aattend ng training niyo.” Ang talino ko talaga! Alam ko hindi siya papayag kasi passion niya din ang mag-laro ng basketball.

“Sure! 3 times a week lang din ako magte-training! I’ll just inform coach.” What the?! He must be kidding me! Hindi ito ang expected kong sagot niya.

“You can’t do that. You are the captain ball. Hindi ka pwedeng magpa-star. Baka bawiin sayo yung pagiging captain ball mo.”

“Eh di bawiin nila. My position won’t affect my game anyway.” Confident na sagot nya at tuluyan na akong napa-simangot na ko ng tuluyan dahil sa sinabi niya. Hindi na lang ako nag-salita.

Kanina pa kami lakad ng lakad ng lakad nung mapansin ko na hindi ko na makita yung likuran niya sa harapan ko. Hindi ako sumabay sa paglalakad sakanya nung sinabi niyang hindi na magbabago yung isip niya.

Tumingin ako sa paligid pero hindi ko siya makita, bahala siya. Pagod na ko at wala akong panahon makipag-hide and seek sakanya.

“Let’s go.” What the?! Kakaupo ko lang tapos bigla siyang magyayaya na umalis na agad? Hindi ko siya pinansin at inenjoy pa din ang pag-upo.

“Angel, let’s go.” Isa pang ulit niya.

“Mauna ka na nga lang. Pwede ba John, I’m tired.” Eh nakakainis naman kasi, kaninang hinahanap ko siya hindi ko siya makita tapos ngayon naman na kaka-pahinga ko lang tsaka siya dadating.

“See? Hindi naman malayo yung nilakad natin pero pagod ka na. Paano pa pag sa volleyball? That’s 3 hours 6 times a week. I can’t allow that.” Yup, volleyball ang pinag-aawayan namin. Kasi nag-announce si coach na 6 times a week na ang training, except kung may examinations. At itong si John hindi pumayag.

Imbis na sagutin siya, hindi na lang ako nag-salita. Ang unfair kasi! He had been telling me na sumali dati tapos ngayon hindi naman siya papayag na mag-train ako ng 6 times a week? That’s not reasonable! Eh ano kung may asthma ako? At hindi dahil boyfriend ko siya pagbabawalan na niya ako.

“3 times a week, Angel, that’s all I can give you.” What the? Secretary ko ba siya? Tss. At dahil dun nag-walk out na ko. I don’t want to talk to him right now. Baka mamaya mas lalo lang kaming mag-bangayan. Narinig kong bumuntong hininga pa siya pero hindi ko na yun inintindi.

Nung uwian na, siyempre may training kami. Kasama naman yung araw ngayon sa mga napili niyang araw kaya okay lang. Tuesday, Thursday at Friday lang daw ako pwede. At halos lahat ng oras nandun siya dahil magkatabi lang naman ang basketball at volleyball court.

“Omg. Nandyan na si Ziel!” –Student1

“Hindi naman niya kasama.” –Student2

Hindi ko na lang sila pinansin at nag-simula na din sa drills.

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon