Someone's jealous!

29 1 0
                                    

JOHN’S POV

Nawala na naman ang pagka-stressed ni Angelie over time. Umuwi muna ako samin, nag-shower at nag-bihis para maka-balik na sa school maya maya. Si Angelie naman, siya yung magko-cover ng program na ‘to ngayon kaya malamang may dala siyang camera mamaya. It’s 3:45 pm at pupunta pa lang ako sakanila. Paano kasi kanina umidlip pa siya at binantayan ko bago ako umalis.

BEEEEP!

Narining ko namang nag-sigawan yung iba sa mga kasambahay nila ng, “Ma’am nandyan na si sir!” “Ziel si Steinfergd nandyan na bilisan mo!” Ugh what took her so long? I patiently waited sa sasakyan ko at nung lumabas na siya, pumunta na kaming school.

Angelie is just so pretty. She’s naturally elegant. Kahit na may naka-sabit ng camera sa leeg niya, ready to take pictures, parang mas dapat pa din na siya yung kunan ng picture. She’s so gorgeous kahit ano pa yung suotin niya.

Maya maya pa the program started and she began taking pictures. Nakita ko na ang tropa pero nanatili ako sa side ni Angelie, buntot niya ako kahit san pa siya pumunta, kahit pa kung saan saan siya lumilipat para lang makakuha ng different angles ng bawat scene. Pati yung mga nanonood kinukuhanan niya ng picture.

Busy na pinapanood ko siya sa kung paano siya kumuha ng pictures ng may kumalabit sakin, “Kuya papicture naman.” Napa-tingin naman si Angelie sakin at tumigil sa pagkuha ng pictures.

“Hindi naman siya candidate ha?” Sabi ni Angelie. Pero bigla niya din itong binawi, “Ah, I mean, a-ako na kukuha ng picture niyo.”

“Ay salamat ate!” Sabi naman nung nagpa-picture sakin.

After nung nagpa-picture sakin, biglang lumapit si Angelie at sinabing, “Bakit ba ang dami kong kaagaw sayo?” Waaa. Bakit ganito? Feeling ko pinagdadamot niya ako. Wow at wala naman siyang kaagaw sakin eh. Siya lang naman.

“Ziel?” Approach sakanya ng isang lalaki.

“Xavier?! Ohmy!” Tss bakit ba mukhang masaya siyang nakita niya si Xavier?

“Wow! Naalala mo na yung pangalan ko!”

“Oo naman noh. After ilang ulit, naalala ko na! Ano palang ginagawa mo dito?” Oo nga ano nga bang ginagawa mo dito? Bakit hindi ka na umalis?

“Ano ka ba. Susuportahan ko si Ara diba?” Oh si Ara, oo nga pala, pinsan nga pala siya ni Ara. Tss, sabihin mo gusto mo lang din makita si Angelie.

“Oo nga pala. Ah, san ka ba nakaupo?” Pagtatanong ni Angelie. Bakit ba tinanong mo pa yan?

“Dun lang, magsi-cr kasi sana ako tapos nakita kita. Hindi ka na nagrereply sa mga texts ko ha.” Pumunta ka na sa cr tapos sana ma-flush ka na!

“Ah, ano kasi, hindi naman ako masyadong nagtetext.” Sabi ni Angelie. Talaga namang hindi siya masyadong nagtetext ako lang kasi tinetext niyan!

“Gala naman tayo minsan. Namimiss na kita kasama eh. Friendly date lang.” Aba loko ‘to si Xavier ha!

“Ehem ehem.” Nagpapansin na ko, hindi ko na mapigilan eh.

“Uy Dude. Nandyan ka pala. Ah, ano nga ulit pangalan mo?” Pagtatanong ni Xavier. Tss. Dude mo mukha mo.

“Steinfergd.” Maiksing sagot ko.

“Ah. So ayun, Ziel, gala tayo minsan ah. Friendly—” Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya, nagsalita na ko.

“Gala kayo? Sama naman ako! Sorry Brad ah. Hindi kasi pwedeng gumala si Angelie ng siya lang eh, alam mo na sakin lang yan nakikipag-date. Friendly date, romantic date, movie date, horror date, hospital date, lahat na ng date sakin lang.”

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon